Mark Herras keeps off Nadia Montenegro-Annabelle Rama controversy

"We’re happy and kahit pareho kaming busy sa work, naghahanap pa rin kami ng time for each other," says Mark Herras about his relationship with Ynna Asistio.


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Herras sa taping ng dance-seryeng Time of My Life, sa Studio 7 ng GMA Network, kahapon, October 6.

Una naming tinanong kay Mark ang tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang girlfriend na si Ynna Asistio.

"Masaya, masaya. Okay naman kami," masayang sambit niya.

"We’re happy, and kahit pareho kaming busy sa work, naghahanap pa rin kami ng time for each other.

"So, ayun, we find... we find time."

Ano ba ang madalas na bonding moments nila together?

"Movie, movie," mabilis na tugon ng binata.

Anong mga genre ng movie ang madalas nilang pinapanood?

"Pag ako, nando’n yung comedy, nando’n yung medyo... Actually hindi naman masyadong action, parang yung mga Transformers, gano’n.

"Pero minsan, meron din siya [Ynna], may mga love... love story movies.

"Mostly pag may nakita kaming maganda, pinaplano namin, ’O, panoorin natin ’yan!’

"Basta hindi kami nawawalan ng oras, saka siyempre communication."

Gaano na ba sila katagal?

"Turning four years sa January [2012]," sabi ni Mark.

Paano nila napatagal at napatatag nang ganito ang relasyon nila?

"Trust, trust, tapos sobrang... sobrang laking pang-unawa at suportahan namin ang bawat isa."

NADIA-ANNABELLE ISSUE. Kinuha rin namin ang reaksiyon ni Mark tungkol sa isyung kinasasangkutan ng ina ni Ynna na si Nadia Montenegro.

Idinemanda ni Nadia ang manager ni Ynna na si Annabelle Rama ng kasong "child abuse" at "oral defamation."

Hindi si Ynna ang sangkot dito, kundi ang mga kapatid niyang sina Alyanna, 17, at Annika, 15, na pareho ring talents ni Annabelle. (CLICK HERE to read related story.)

Pero iwas sa pagbigay ng pahayag si Mark tungkol sa isyung ito.

"Actually, hindi naman ako dapat magsalita about that issue.

"Parang para sa akin, to make it private for them and for the issue, hindi na ako sumasali.

"Pero, siyempre, ako, I wish... matapos na yung issue na yun para maging okay na lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko namang hindi rin nakakatulong sa kanila yung problema," saad niya.

UPCOMING MOVIE PROJECT. Kahit busy si Mark Herras ngayon sa Time of My Life, nagkaroon pa rin siya ng oras para gumawa ng pelikula.

Ito ay ang action film na Hitman, kung saan bida at direktor si Cesar Montano.

Kasama rin sa pelikula ang mga beteranong aktor, tulad nina Phillip Salvador, Joko Diaz, at Ricky Davao.

Sabi ni Mark tungkol sa role niya sa pelikula, "It’s a psycho, psycho role... psycho killer, Alvin.

"Pero sa simula, from the start hanggang medyo gitna, nandoon yung mabait na character.

"Then up to the end, may twist sa huli, na first time kong ginawa at sobrang-sobrang ganda nung character na sinulat po ni Direk Cesar.

"At iba, iba... ibang Mark po yung makikita n’yo dito.

"Bale anak po ako ni Kuya Ricky Davao, kapatid ko po si Kuya Joko Diaz, and uncle ko si Kuya Ipe [Phillip Salvador].

"Sobra-sobrang masaya po ako na nakasama po ako ng movie na Hitman, with the veteran actors po."

Kumusta namang katrabaho si Cesar Montano?

"Masarap, masarap at masaya, dahil marami akong natututunan," masayang sabi ni Mark.

"Kung paano yung atake sa... for example, may isang scene na sobrang wild yung scene, may mga binibigay siyang advice, guides.

"Pati sometimes si Kuya Ipe din. So, marami po akong napupulot na naa-apply ko naman.

"And after the scenes, masarap lang marinig yung pupurihin ka nila na... na natutuwa sila doon sa nangyaring eksena.

"Marinig mo yun sa mga artistang beterano, sobrang masaya."

Nakatakdang ipalabas ang Hitman sa November.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN