Steven Silva doesn’t want to get into a relationship just yet

"I’ve had dates before. I dated some people, parang wala namang nangyari, parang it’s for fun. I’ve gone out on movie dates; I’ve taken some girls out for dinners, but other than that, wala," Steven Silva describes his love life.


Sinadya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng dance-serye ng GMA-7 na Time of My Life noong Huwebes, October 6, sa Studio 7 ng GMA-7 Network Center.

Dito ay nakausap namin ang mga bida sa serye, kabilang na ang StarStruck V Ultimate Male Survivor na si Steven Silva.

Dito ay ginagampanan ni Steven ang papel ni John, ang boyfriend ni LJ Reyes bilang Zaira.

"My role is medyo ano... naka-under ako kay LJ. Siya, she’s the main kontrabida.

"Siyempre, there are times na I don’t like what she does, pero ano, I just go along.

"Pero I... hindi naman ibig sabihin na kontrabida din ako.

"There [are] times na I really don’t agree with what LJ does," paglalarawan ni Steven sa kanyang role.

May similarities and differences ba ang role niya sa Time of My Life sa tunay na buhay?

"Si John naman ano, medyo soft-spoken. Parang ako din, soft-spoken din ako.

"Pero ewan ko, si John parang sobrang kawawa siya, e, he just doesn’t say anything.

"I don’t think I’m like that, so... Magaling si LJ, so I tried to go with her. I tried to support LJ.

"Sa tingin ko, magaling siya. Magaling si LJ na naging kontrabida."

DAY-OFF. Busy si Steven ngayon sa dalawang shows niya sa GMA-7—Time of My Life at ang musical-variety show na Party Pilipinas.

Pero kung wala siyang trabaho, ano ang kadalasang ginagawa niya during his free time?

"If ever I have a day off, ang ginagawa ko, nagpupunta ako sa gym.

"Ano pa, sometimes nag-i-Skype ako, sa mga friends, at saka family ko sa States.

"So if I really have time, I skype with them."

Dagdag pa ni Steven, "A, ano pa, grocery and shopping.

"I like to cook, kasi my course before in college was Culinary.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So if I have time, I cook sa bahay.

"Wala akong certain specialty... but if ever, I like to cook mga pasta.

"I like making hamburgers. Parang kahit ano, matakaw din ako, e.

"Sometimes we watch movie sa house. Ayun.

"Hindi ako mahilig mag-clubbing or going to bars. Ano ako, more home buddy. I like to stay at home."

HEART TO HEART. Tinanong din ng PEP kung kumusta na ang love life niya at kung may karelasyon siya ngayon.

"Well, my heart is okay," tugon niya.

"Siguro ano... well, sa ngayon, wala naman. Pero I’ve had dates before.

"I go on a date sometimes, pero for fun lang, more on sa groups.

"But I’ve had dates before. I dated some people, parang wala namang nangyari. Parang it’s for fun.

"I’ve gone out on movie dates, I’ve taken some girls out for dinners, but other than that, wala.

"My heart is okay, so if ever na my heart’s feeling bad, I’ll just a... minsan kasi nagiging homesick ako.

"Kasi my mom, my dad, saka yung mga kaibigan ko, they’re still in the States."

Bakit ayaw pa niyang pumasok sa isang relasyon?

"Wala, mahirap, e. Kasi if you have a relationship, sometimes it’s hard.

"Hindi ka pwede talaga mag-focus, [dapat] naka-focus sa career, work, mga ginawa mo.

"So, napansin ko before, na when I was in a relationship, parang nawala ang focus ko. Kasi, I was still in college.

"I think sometimes, di ba, when you’re in a relationship, hindi mo talaga mapapansin na, mga sinasabi ng mga friends mo or anything.

"Kasi naka-focus [ka] talaga sa girlfriend mo or boyfriend mo.

"So I think for right now, I just wanna enjoy. Kasi it’s fun, e, it’s fun kasi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN