Direk GB Sampedro understands why Daiana Menezes stopped wearing her engagement ring

Direk GB Sampedro on why Daiana Menezes is not wearing her engagement ring: "No problem naman sa akin iyon. Naiintindihan ko ang father niya. At sabi nga ni Daiana, very conservative ang family nila. Na hindi rin malayo sa atin dito sa Pilipinas. Marami pa ring very conservative sa atin, pagdating sa mga ganoong bagay. Lalo na sa kasal. Gusto raw muna kasi akong ma-meet nang personal ng daddy niya."


Sa Magellan Room sa 41st floor ng Discovery Suites Hotel in Ortigas, ginanap ang presscon noong Huwebes, October 6, ng forthcoming concert na All for 1.

Ito ang first concert together ng Concert King na si Martin Nievera at ng isa sa mga itinuturing the No. 1 bands ng bansa, ang Side A band.

Ang nasabing concert ay gaganapin sa November ngayong taon, sa Smart-Araneta Coliseum at ididirek ni GB Sampedro.

Maagang dumating si direk GB na pumayag magpa-interview muna habang di pa nagsisimula ang press conference.

Wala pa si Martin sa venue, pero ang Side A, ay nagri-rehearse na.

Marami na ring nahawakang concerts si Direk GB, pero first time ba niyang idirek sina Martin at Side A?

"Si Martin, ako ang nagdirek ng music video nila ni Sarah [Geronimo] ng concert nilang What Love Is," sagot ni direk GB.

"Pero ang Side A, first time lang talaga. And I’m excited and honored na ako ang kinuha ng Viva Concerts & Events dahil ito ang magki-kick-off ng series of events that will coincide sa 30th celebration ng Viva.

Ayon sa press release, it was in November 11, 1971 when Viva Films was inaugurated with the showing of the romantic drama PS I Love You nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Viva started out as a movie company but has since branched out into recording, television, artists management, videos, concerts and events and other entertainment concerns.

Coincidentally, both Martin and Side A also had their first big hits while with Vicor Music Corporation, the music company founded by Viva Chairman and Chief Executive Officer, Vic del Rosario, Jr.

Martin wrote the lyrics of the popular theme for one of Viva’s most successful movies, You Are My Song for Wanted: Perfect Mother that starred Christopher de Leon and Regine Velasquez.

Side A has also recorded albums and videos for Viva Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa Viva rin ako nagsimula, making music videos.

"Assistant ako ni Direk Louie Ignacio. And my first, as a TV director ay What Love Is.

WORKING WITH MARTIN AND SIDE A. Kumusta naman siya with Martin and Side A, during their production meeting?

"During our brainstorming, [we discussed] kung ano ang ilalagay namin sa concert, nakita kong malalim si Martin as an artist.

"Alam niya kung ano ang gusto niya. Kung saan patungo ang aming concert.

"Ang Side A, high school pa ako, nanonood na ako ng mga gigs nila.

"Isa sa maraming paborito kong songs nila ang ’Hold On.’

"Hindi ko nga in-expect na one day, hindi lamang ako manonood at makikinig sa kanila, ako na ang magdidirek sa kanila.

"Basta, it’s a team effort ang mapapanood ninyo sa concert."

Hindi pa alam ni Direk GB kung mayroon pa silang special guests sa concert, pero sisiguraduhin daw niyang lahat ng mga hits nina Martin at Side A ay kasama sa concert.

Katunayan, sa presscon, nagparinig na sila ng ilang songs na isasama nila sa concert.

Request tuloy ng entertainment press na dumalo, huwag nang mag-question and answer, kumanta na lamang sila.

Pero, hindi namin pinalampas ang pagkakataon na matanong nang medyo personal questions si Direk GB at game naman siyang sumagot.

MEET THE FAMILY. Tuloy na ba ang pag-alis nila ng girlfriend na si Daiana Menezes papuntang Brazil sa December?

"Yes, tuloy na tuloy na iyon. Wala nang urungan. Nakabili na kami ng tickets.

"Kaya nga kailangan kong tapusin lahat ang mga commitments ko bago kami umalis sa December 19.

"Pinaghandaan ko talaga ito, dahil ito ang pinakamalayong biyahe na gagawin ko.

"Kasi 26 hours, bago kami makarating doon."

Mamamanhikan na raw siya sa parents ni Daiana?

"Kung iyon ang ibig sabihin nang pagpunta ko roon, siguro nga pamanhikan na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But I’m looking forward to this trip na gusto ko lamang i-enjoy.

"Gusto kong makilala nang husto ang parents ni Daiana. Malaman ang roots nila.

"May konti akong alam sa Spanish, kaya siguro magkakaintindihan naman kami."

Okey lang ba sa kanya na hindi isinusuot ni Daiana ang ibinigay niyang engagement ring sa girlfriend?

Kailangan daw kasing may blessing mula sa tatay ni Daiana para sila maging officially engaged.

"No problem naman sa akin iyon. Naiintindihan ko ang father niya.

"At sabi nga ni Daiana, very conservative ang family nila.

"Na hindi rin malayo sa atin dito sa Pilipinas. Marami pa ring very conservative sa atin, pagdating sa mga ganoong bagay. Lalo na sa kasal.

"Gusto raw muna kasi akong ma-meet nang personal ng daddy niya.


WHY DAIANA? Ano ang nagustuhan niya kay Daiana kaya nagdesisyon siyang ituloy na sa kasal?

"Maasikaso siya. Tanggap niya ang sitwasyon ko. Wala naman akong inilihim sa kanya.

"Alam ko, mahirap tanggapin ng isang babae...she’s only 24 [years old] na ang boyfriend niya ay annulled na ang marriage, [at] may mga anak.

"But she is willing to sacrifice, kahit maraming kumukontra sa aming relasyon.

"Napaka-supportive din niya sa work ko. Kahit may mga times na hindi kami nagkikita dahil very busy rin ang schedule ko at busy rin siya.

"Kaya naman, kapag may free time ako, [dahil] mahilig akong magluto, ipinagluluto ko siya ng favorite niya.

"Anything na beef, kasi iyon daw ang meat nila talaga sa Brazil."

So, sa Brazil na siya magsi-celebrate ng Christmas?

"Yes, babalik kami rito ni Daiana, kasama na ang mommy niya, sa December 31.

"Para dito naman kami sa New Year at gusto ko namang makasama ang mga anak ko," nakangiting pagtatapos ni Direk GB.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN