Ruby Rodriguez "extremely proud" of son who is afflicted with ADHD

Comedienne Ruby Rodriguez wants people to understand that "ADHD is normal. They have no defects, they’re normal, they’re just hyper!" she says.


Masayang-masaya ang comedienne na si Ruby Rodriguez na balikan ang ilang alaala niya sa noontime variety show ng GMA-7 na Eat Bulaga!

Noong Huwebes ng gabi, Oktubre 6, ay eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruby sa launching ng coffee table book ng Eat Bulaga!, ang Unang Tatlong Dekada, na naganap sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City.

Ang naturang libro ay selebrasyon sa 32nd anniversary ng longest-running show sa Pilipinas.

Pakiramdam niya daw ay kailan lang nang magsimula siyang mag-host para sa Eat Bulaga!.

"It’s fun!" bulalas niya.

"And you know, ang feeling ko parang, teka, matagal na ba ako? Parang kailan lang, e!

"But, when you see it, it’s so funny.

"Sabi nga ni Anjo [Yllana], ’Ruby tignan mo ’yong pictures mo!’

"’Yon ang nakita nila, bakit?

"’Para kang T-shirt- may small, medium tsaka extra-large!’"

"ADHD IS NORMAL." Samantala, kamakailan lang ay may lumabas na balita tungkol sa pagkakaroon ng ADHD, o Attention Deficite Hyperactivity Disorder, ng anak ni Ruby na si AJ.

Ayon sa Medical News Today, ang ADHD ay isang kondisyon kung saan "it is much more difficult to focus on something without being distracted.

"He has greater difficulty in controlling what he is doing or saying and is less able to control how much physical activity is appropriate for a particular situation compared to somebody without ADHD."

Nang aming kamustahin ang kaniyang anak, sinabi ni Ruby na kukunin na niya ang pagkakataon na ito upang linawin ang kalagayan ng kaniyang anak.

"He’s normal," saad niya.

"You know, that’s what I want to correct to everybody.

"That’s what I want to clarify nga, e, ’How’s your son?’ How can people be so narrow-minded?

"ADHD is normal.

"They have no defects, they’re normal, they’re just hyper!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And because they are so hyper, they have no attention, like you’re seated in a classroom walang attention, di ba?

"So, nabo-bore ka, tatayo ka, so these are the makukulit students na kailangan ma-address para maka-concentrate sila sa subjects nila para hindi sila ma-leave behind, and that’s what I’m trying to tell the parents.

Dagdag pa niya, "That’s why I share this na do not be ashamed of your child, your child is special. All children are special. All—all children are special.

"Mayroon lang gifted at exceptional.

"Gifted are those who have to teach your curriculum that is advanced to their grade level, and then the exceptional children, you put adjustments to your curriculum para maka-cope up sila."

Pagmamalaki pa ni Ruby, kahit pa man daw mayroong ADHD ang kaniyang anak ay sobrang proud siya rito.

"I am extremely proud of my son," nakangiting sinabi ni Ruby.

"He is so loving, he is very sociable, he says ’hi’ to everyone, he knows he’s bulol but he’s proud of it."

Sinabi din niya na hindi niya itinatago sa kaniyang anak na ito’y may disorder upang sa ganoon ay maunawaan niya ito, at mapakinabangan.

"One thing I’m proud of my son is hindi niya kinahihiya ’yong kaniyang disorder because he knows, and I tell him because I want him to know and be proud of it.

"I always tell him, use it to your advantage, son, use this to your advantage.

"He’s proud of it, and one thing children don’t do is when they pray, ’bless me,’ ganyan.

"Siya, when he prays, he lights the candles and he goes, ’Papa Jesus, Mama Mary, please make me talk already straight. I want to sing, don’t make me a bad boy anymore.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Tas ang tawag niya sa medicine ’good boy’ medicine."

Kaya naman ang mensahe ni Ruby sa mga magulang na tila hindi tanggap ang disorder sa kanilang mga anak, "Disorder is not a problem.

"Parents, if you do not accept it, then you are the problem.

"Because the first step, the very first step for a child to be successful, weather he’s gifted, exceptional, special, normal, whatever you want to call them is the parents’ acceptance and support."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN