Vic Sotto says being part of Eat Bulaga! makes him feel like a "historical figure"

"Parang it immortalizes the show. Na hindi naman sa pagyayabang, palagay ko tama lang, being the longest running show in the Philippines," says Vic Sotto about the coffeetable book Ang Unang Tatlong Dekada, which chronicles 3o years of Eat Bulaga!


Tila hindi pa rin makapaniwala ang TV host-actor at Box-Office King na si Vic Sotto na tumagal na ng mahigit tatlong dekada ang kanilang noontime show na Eat Bulaga!.

Nagsimula noong 1979, ngayong taon ay ipinagdiriwang ng Eat Bulaga! ang ika-32 anibersaryo sa ere.

At bilang paggunita sa mahalagang okasyong ito, inilunsad ang coffeetable book ng Eat Bulaga!, ang Unang Tatlong Dekada, na ginanap sa Whitespace sa Chino Roces Avenue Extension, Makati City, kagabi, Oktubre 6.

Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vic, ipinarating niya ang tuwa at pasasalamat sa natamong tagumpay ng show nila nina Tito Sotto at Joey de Leon.

"Of course, happy, proud, and thankful," sambit ni Bossing (tanyag na palayaw ni Vic).

"Parang I feel like a historical figure right now.

"And with this book, matagal plinano... Parang what Ms. Fagar [Malou Choa Fagar, vice president of TAPE, Inc.] said kanina, parang it immortalizes the show.

"Na hindi naman sa pagyayabang, palagay ko, tama lang, being the longest-running show in the Philippines.

"And, ’yong mga nagawa ng Eat Bulaga! sa entertainment, sa public service... I mean, it’s a whole package, e."

Gayunpaman, pakiramdam daw ni Bossing ay wala pa ring nagbabago sa kanilang samahan—lalo na sa kanilang tatlo nina Tito at Joey.

"I don’t know, parang walang nagbago, e," nakangiting sabi ng box-office king at top endorser.

"I look at Tito, I look at Joey—ang nagbago lang, ’yong mga kasama namin. Kami, ’yon pa rin ang itsura, e... I don’t know.

"Siguro, nando’n na ’yong samahan, e, ’yong pagkakaibigan, ’yong loyalty sa isa’t isa.

"Tulad ng nabanggit ni Tony [Tuviera, TAPE president] kanina, wala kaming kontrata, wala kaming memorandum of agreement, or anything.

"It was all about pakisama, it’s all about loyalty, it’s all about having fun with everyone."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy ni Vic ay ang naging speech ni Mr. Tuviera sa ceremonial toss kaugnay ng samahang nabuo nila sa loob ng mahabang panahon.

EAT BULAGA!’S SECRET. Ilang noontime show na ang sumubok na tapatan at higitan ang Eat Bulaga!, ngunit magpahanggang ngayon ay wala pa ring nakakatalo rito.

Ano sa palagay ni Vic ang sikreto ng kanilang show?

"I don’t know," sambit niya.

"Siguro, kagustuhan na din ng Diyos siguro, e, dahil we never really planned to stay this long, we never thought of doing a 30-years show.

"When we were starting, we were just having fun, we are trying out something, we are offering an alternative to the Philippine TV viewers.

"And, wala kaming inisip na ’tatagal tayo ng 20 years, or 30 years.’

"Right now, parang forty years, kayang-kaya, because we’re already 32 years na kami, e.

"So, eight more years, hindi mo mararamdaman, e.

"Like kanina, I was looking around the pictures, parang gano’n pa din ’yong itsura ko, e, payat lang ako no’n tsaka maputi ng konti." Then he flashes the smile known all over the Philippines.

Ang mga dingding ng Whitespace ay napapalamutian ng mga larawan na tinipon sa loob ng 32 taon ng Eat Bulaga!

Karamihan dito ay makikita rin sa coffeetable book na isinulat ni Butch Francisco, ang beteranong host, columnist, at critic.

Bukod sa walang patid na saya at tulong na naibahagi ng kanilang programa sa mga manonood, sinasabing may isang bagay pang maipagmamalaki ang Eat Bulaga!: ang mahuhusay na talents sa showbiz na nagsimula sa kanila.

Ilan dito ay sina Aiza Seguerra, Jericho Rosales, at Michael V.

Sa tuwing nagbabalik-tanaw nga raw si Bossing ay kakaibang saya ang kanyang nararamdaman.

"Well, but of course, you feel relevant," pahayag niya.

"Hindi lang basta nagsu-show kayo, hindi lang basta you have good ratings...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s all about sa relevance sa culture ng Pilipino, lalo na pagdating sa entertainment."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN