Daniel Padilla tries to live up to the family name: "Sa mga take, sa mga scenes, lagi kong ginagalingan talaga."

Daniel Padilla doesn’t mind working with his famous uncle, Robin Padilla. He would rather not work with his mom, actress Karla Estrada.

"Ayoko po! Ayoko, maiilang ako. Sobrang maiilang ako," Daniel says laughing.


Two years and five months na sa showbiz ang young male star na si Daniel Padilla. Ano kaya ang mga naging pagbabago sa kanyang buhay?

Nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Martes, October 4.

"Nag-mature na ako ngayon. Tsaka naging mas kumportable na ako sa showbiz. Dati kasi parang ayoko pa, e. Parang hindi ko pa kasi naiintindihan yung craft ko or hindi ko pa...gusto ko lang nung bata ako, gusto ko lang mag-enjoy noon," umpisang kuwento ng 16-year old na si Daniel.

Alam naman raw niya kahit noon pa na hindi maiiwasan na pasukin rin niya ang showbiz dahil parehong artista ang mga magulang niya, sina Karla Estrada at Rommel Padilla.

"Kasi nasa dugo na din daw yun, iyon ang sabi ni Mama."

On being a Padilla...

"Masaya kasi andun na yung kahit hindi ka artista, matutuwa pa rin sila sa iyo pero nandun din yung kaba kasi ang taas din ng expectations ng tao sa iyo."

Nararamdaman niya ang mga expectations ng mga tao sa kanya, coming from a famous showbiz clan.

"Opo, may mga nagsasabi na, ’Magaling ba yan umarte? Parehong artista ang mga magulang niyan.’ So laging sa mga take, sa mga scenes, lagi kong ginagalingan talaga," ang natatawang sinabi ni Daniel.

"Kasi dala ko din ang pangalan ng mga magulang ko."

Pati na rin ang pangalan ng sikat niyang uncle na si Robin Padilla.

KEEPING UP WITH THE PADILLAS. Mahirap ba ang comparison?

"Opo mahirap din po. Ayoko din kasi yung kinukumpara ako kay Tito Robin, ayoko. Kasi iba naman po ako sa kanya."

Gusto rin ba niya ng bad boy image tulad ni Robin?

"Ngayon, sa Growing Up, ang ano ko talaga, ang character ko dun, bad boy pa rin, e.

"Talagang ...hindi ko lang alam pero parang feeling ko talagang idinidikit nila ako kay Tito Robin. In a way, ayun, ginagawa nila akong bad boy, talagang maangas ang...pero ayoko kasi ng naaano kay Tito Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ewan ko, gusto kong makilala ako bilang ako talaga, e. Hindi yung parang, ’Ayan, ginagaya niya ang Tito Robin niya!’

"Kasi si Tito Robin parang ano, yung mga character niya sa movies niya, parang siya na rin talaga. Ako, gusto ko talaga pag nasa isang palabas ako or isang movie or show, gusto ko iba-iba ako e,"

Hindi ba siya bad boy sa tunay na buhay?

"Parang, medyo yata," ang natatawang sagot ni Daniel. "Ayun nga, hindi, parang sa show lang po siguro, sa show lang yun."

May image na babaero ang mga Padilla, si Daniel ba ay babaero?

"Hindi po."

CRUSHES. Wala pa nga raw siyang girlfriend ngayon. Pero may crushes naman siya. When asked to name at least three crushes in showbiz...

"Si Cristine Reyes! Kasi seksi siya. Tsaka maganda. Sino pa ba?

"Si Valerie Concepcion. Ganun din, seksi at maganda. Tsaka si Mariel Rodriguez, si Tita Mariel."

Crush niya ang misis ng Tito Robin niya?

"Opo! Kasi ambait niya, e! Tsaka maganda siya."

Alam ba ng Tito Robin niya na crush niya ang Tita Mariel niya?

"Hindi. Ayokong malaman niya, ayoko po. Baka maupakan ako ni Tito Robin," at muling tumawa si Daniel.

Parang attracted siya sa older women, ni wala nga siyang crush na kaedad niyang artista...

"Ano lang, wala lang. Trip ko lang talaga sila."

On Bebe Gandanghari. Close ba sila ni Daniel?

"Ah, hindi. Pero nag-meet na kami nung Tita Bebe na siya."
Ano ang reaksyon niya sa pagbabago ng katauhan ng tiyuhin niya na dating si Rustom Padilla?

"Wala naman. Okay lang, siyempre tatanggapin ko, Tito ko naman yun tsaka wala naman akong magagawa, dun siya masaya, e. Tsaka okay din naman kasi wala naman siguro siyang natatapakang tao."

Hindi raw nabawasan ang pagtingin at respeto niya kay Bebe.

"Hindi naman, siyempre, nirerespeto ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung ano raw ang respeto niya dito noon ay ganoon pa rin hanggang ngayon.

"Oo naman! Ganun pa rin."

NOT WITH HIS MOM. Magkaiba sila ng TV networks ng mama niya; si Karla ay may show sa GMA, ang Ikaw Lamang Ang Mamahalin, at si Daniel nga ay contract star ng ABS-CBN. Kaya sa ngayon, imposible silang magkasama ni Karla sa isang project.

Gusto ba ni Daniel na balang-araw ay makatrabaho ang ina niya?

"Ayoko po! Ayoko, maiilang ako. Sobrang maiilang ako," at muling natawa ang young male star.

Ang uncle Robin niya, nakatrabaho na ba niya?

"Hindi pa."

Gusto niya?

"Oo naman, gusto ko."

Pero si Karla ayaw niyang makatrabaho...

"E kasi very close kami ni mama, e! Magtatawanan lang kami nun, e."

PADILLA COUSINS. Close rin si Daniel sa mga pinsan niya, tulad nina Queenie at Kylie Padilla. Kanino siya mas close sa dalawa?

"Mas close ako kay Queenie. Kasi sa bahay ni Tito Robin may mga training kami tuwing Sunday ng mga running, tapos martial arts, stunts. Ako, si Queenie, tapos mga kapatid ko sa dad ko, tsaka si Kuya Kevin, anak siya ni Tito Royette."

Si Kylie, hindi nagte-training?

"Hindi e, minsan lang siya talaga e, madalang. Hindi siya masyadong pumupunta sa training namin, e."

Sinong artista ang gustong tularan ni Daniel?

"Gusto kong maging si Daniel Padilla! Gusto kong mag-drama, mag-action at gusto ko ring mag-comedy."

Bukod sa pag-aartista, isa ring singer si Daniel, member siya ng Parking 5 band na nabuo a year ago.

"Bassist ako tsaka nagse-second voice din," pagtatapos pang kuwento ni Daniel sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN