Isabel Oli signs three-year contract with Viva Entertainment

"I’m so happy and bagong place na naman. Time for me to grow and learn new stuff," says Isabelle Oli.


Pumirma ng three-year contract sa Viva Entertainment ang Kapuso actress na si Isabel Oli kahapon, Oktubre 7, sa Viva Office sa Tektite Building, Mandaluyong City.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Isabel at sinabi nito na noong September 30 natapos ang kontrata niya under ng GMA Artist Center.

Nilinaw din niya na maaayos naman siyang nagpaalam sa head ng GMA Talent Center na si Anette Gozon.

"Nagpaalam ako nang maayos do’n sa [GMA] Artist Center.

"Actually si Ma’am Anette [Gozon] ’yong nakausap ko...I won’t renew na my contract, and she’s okay with it."

Si Becky Aguila na ang bagong manager ni Isabel.

Masaya si Isabel sa kaniyang pagpirma ng kontrata sa Viva, at para sa kaniya, magbubukas ito ng mga bagong oportunidad para sa kaniyang showbiz career.

"I’m so happy and bagong place na naman, time for me to grow and learn new stuff," pahayag niya.

"For me, minsan kasi...ang showbiz changes are really kailangan."

SINGING CAREER? Kinausap daw si Isabel ng kaniyang bagong talent handler kung ano ang mga gusto niyang gawing pagbabago sa kaniyang career at masaya naman siya dahil tila mangyayari naman ang mga iyon.

"May mga tinatanong din sila sa akin kung ano talaga ’yong gusto ko, and I think ’yon ’yong masusunod ngayon," saad niya.

"Hindi naman sobrang change talaga."

Dagdag pa niya, personal choice daw niya na hindi gumawa ng kahit anong sexy roles, lalo na kung hindi naman kinakailangan sa karakter na gagawin niya.

"I don’t think I’ll [do] sexy roles pa rin," nangingiting sinabi ni Isabel.

"Personal din siguro na hindi talaga, and isa din sa religion namin. I’m a born again Christian for fifteen years now.

"Pag-usapan natin ’yan. Depende ’yan kung kailangan din ba talaga sa character, kung kailangang-kailangan talaga, why not?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, may limitation pa din kahit pa’no."

Pero, kung siya daw ang tatanungin, bukod sa pagho-host, gusto din daw niya subukan ang pag-awit.

Aniya, "I think hosting, and in fairness naman sa GMA, binigay nila sa akin kasi ’yon ’yong matagal ko nang hinihingi.

"’Yong singing na lang hindi pa, dream ko talaga ’yon.

"Parang na-learn ko lang na, a, kaya ko naman pala kumanta, parang okey, okey ’to, ha."

Mga pop at love songs daw ang gustong awitin ni Isabel, at pangarap daw niya sana makasama umawit si Sarah Geronimo, na under Viva Entertainment din.

Makikipagbiritan ba siya kay Sarah?

"Hindi ko kaya!" ang natatawang sagot niya.

"Do’n lang ako sa tabi ni Sarah okey na."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN