Jasmine Curtis-Smith signs two-year film contract with Viva Entertainment

"It’s okay kung may intriga man sa akin. I mean, it gives me a [better] knowledge of how this industry really works. Siyempre, hindi naman talaga maiiwasan ’yong gano’n. It only means people are interested in you," says Jasmine Curtis-Smith.


Isang two-year film contract ang pinirmahan ng batang aktres na si Jasmine Curtis-Smith with Viva Entertainment kahapon, Oktubre 7 sa Viva Office sa Tektite Building, Mandalyong City.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) si Jasmine, at sinabi nitong excited na siya sa mga gagawin niyang projects under Viva.

"Nakaka-excite!" bulalas niya.

"Kasi hindi lahat ng baguhan nagkakaroon agad ng film contract with Viva, di ba?

"Kaya I’m hoping pagbalik ko puwede nang mag-start."

INDEPENDENT WOMAN? Ang mga karakter sa mga movies katulad ng Mulan at Black Swan ang gustong gawin ni Jasmine.

Paliwanag niya, "I want to be as strong as the [lead characters], you know.

"Parang they’re independent women who tried to achieve what they wanted [to achieve].

Pero sa totoong buhay, hindi pa daw ganap na independent woman si Jasmine.

"I’m still trying!" natatawang sagot niya.

"I still need guidance.

"But, one day I hope I’ll be that type of girl na I can stand on my own and do things differently."

Ngunit, kung sa pagharap sa intriga ang usapan, handa na si Jasmine dito, at inaasahan niya ito.

Aniya, "I’m so scared but I know naman Ate’s gonna be there to watch my back.

"You know, she’s always been there for me, hindi pa kasi talaga nagsi-sink in sa akin na I am in show business, [na] I have to be aware of whatever I do.

"It’s okay kung may intriga man sa akin. I mean, it gives me a better knowledge of how this industry really works.

"Siyempre hindi naman talaga maiiwasan ’yong gano’n.

"It only means people are interested in you."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN