Paulo Avelino denies rumors saying he left GMA-7 because he was insecure about Aljur Abrenica

"Ah hindi, hindi totoo yun. Si Aljur [Abrenica], ever since, very supportive e, very giving. Hindi naman siya yung taong gustong [nasasagasaan] niya ang iba pag-akyat niya. Gusto niya umaangat rin yung mga nasa paligid niya," says Paulo Avelino on rumors saying he left GMA-7 because he was insecure about Aljur.


Natiyempuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paulo Avelino sa Starbucks sa Imperial Palace Suites sa Timog nitong Miyerkules ng tanghali.

Kaya bago pa man magsimula ang presscon ng pelikulang Aswang ng Regal Entertainment Inc. nang tanghali ring iyon sa katabing Napoli restaurant ay nakapag-one-one na ng PEPkay Paulo.

Bida sa Aswang sina Paulo at Lovi Poe at kasama nila sina Jillian Ward, Precious Lara Quigaman, Albie Casino, Joem Bacon, Nina Jose at Marc Abaya.

"Ang role ko po dito ay isa sa mga hired killers," umpisang kuwento ni Paulo.

"Parang ang target po namin yung pamilya nina Albie and Jillian. Tapos hanggang eventually, kahahabol namin sa kanila napunta kami sa isang bayan ng mga aswang."

Leading man siya ni Lovi pero isang hired killer ang role niya, so salbahe ba ang papel niya sa movie?

"Parang ganun nga po, pero may back story kung bakit ganun."

Ito ang first lead ni Paulo in a mainstream movie. Huli siyang napanood sa indie film na Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa, at nakagawa na siya ng horror movie dati, ang Patient X ni Richard Gutierrez.

First time makapareha ni Paulo si Lovi, at meron daw silang intimate scenes dito sa Aswang.

"Ah meron din po pero hindi naman po...tame!"

So how is it working with a Kapuso actress ngayong siya ay Kapamilya actor na?

"Ah working with Lovi kasi is very different kasi, [she’s] a natural actress. Parang napakanatural ng mga pinaghuhugutan niya ng lahat ng ginagawa niya.

"Kaya nadadamay na lang ako sa kagalingan niya bilang artista."

Ano ang mas nakakatakot, ito o ang Patient X?

"May kanya-kanyang kagandahan pagdating sa katatakutan yung dalawang pelikula. Ang direktor kasi namin dito is si Jerrold Tarog, isang batang direktor na kakaiba ring mag-isip."

First raw ito ni Direk Jerrold, ayon kay Paulo...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Actually, for a full-length movie. Ginawa niya yung ’Punenarya [episode]’ ng Shake Rattle & Roll 12 last year. Kaya ayun napaka-kakaiba.

"Marami kasing hinalong...horror film, pero parang nandun rin yung action, at pagka-comedy in a different sense."

Masasabi ba niyang mas kapano-panood ang Aswang kaysa sa Patient X pagdating sa kuwento at pagkakagawa?

"Sa panahon na ito, ngayong taon na ito."

Ipapalabas ang Aswang sa November 2.

KAPAMILYA. Dalawang buwan na ang nakaraan since naging Kapamilya si Paulo. Kumusta na siya ngayon?

"After two months, okay naman, kumbaga, nagsisimula na ako, kakatapos lang ng guestings ko sa 100 Days, ngayon po may ginagawa po akong MMK episode with Ms. KC Concepcion."

Sila ang magkapareha dito ni KC.

"Opo. Heavy drama, ipapalabas po yata siya sa end ng October."

Tapos na silang mag-taping?


"Hindi pa po, pero part po siya ng anniversary special ng MMK.

"Nakakadalawang taping days pa lang po so may naiwan pa pong isang araw. Hinihintay lang si Miss KC na bumalik, hindi ko po alam kung nag-abroad siya.

"Ang kuwento naman nitong MMK ay tungkol sa isang babaeng ilustrado [mayaman], period po kasi ito, 1950s po kasi ito tapos ayun na-in love siya sa isang indio, ako yun.


"Dun nangyari yung parang trial nung babae, na nawala lahat sa kanya para sa minamahal niya at bumangon siya dahil sa sarili niyang sikap."

Kumusta ang working conditions sa ABS-CBN?

"So far okay naman po sila, kumbaga production, production. Wala namang masyadong pagkakaiba pero...maalaga din naman sila. Medyo ngayon hindi ko pa kasi totally masasabi kasi hindi pa talaga ako nakakatapos ng isang soap talaga, kumbaga ngayon, guesting-guesting pa lang."

Wala pa rin siyang super ka-close na artista sa ABS.

"May mga kakilala ako pero wala pa talagang sobrang close."
Kulang pa raw ang two months para magkaroon na siya ng ka-close talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sino naman ang nami-miss niya sa GMA?

"Halos lahat po, e! Kumbaga sa production, yung mga boss natin, yung ibang staff ng mga shows kasi nakilala ko rin silang lahat at medyo matagal-tagal rin po ako sa 7."

Five years si Paulo sa GMA.

Sa mga artista ng GMA, hanggang ngayon ay close pa rin kay Paulo kahit wala na siya doon ay si Aljur Abrenica.

"Palagi ko pa rin siyang nakakausap. Nagkikita pa rin [kami]. Kasama ko rin siya lagi sa gym ngayon."

Noong umalis si Paulo sa GMA ay hindi niya agad nasabi kay Aljur. Ikinagulat pa iyon ng aktor nang malamang nasa ABS na si Paulo.

"Kasi dire-diretso po siya sa abroad, nagpunta sa States, bumalik dito tapos nag-Japan agad."

Nagkausap na raw sila at supportive si Aljur kay Paulo.

Bukod kay Aljur...

"Sila Jan Manual, yung mga ka-batch ko talaga sa StarStruck siyempre sila yung kasabay kong pumasok dito sa industriya, sila rin yung pinakamami-miss ko sa kabilang istasyon."

Kaya daw umalis si Paulo sa GMA ay dahil na-insecure daw kay Aljur, na hindi naman pinaniwalaan ni Aljur.

Hindi raw totoo iyon, na sinang-ayunan naman ni Paulo.

"Ah hindi, hindi totoo yun. Si Aljur, ever since, very supportive e, very giving. Hindi naman siya yung taong gustong [nasasagasaan] niya ang iba pag-akyat niya.

"Gusto niya umaangat rin yung mga nasa paligid niya."

Sinabi rin ni Aljur na at least, pareho silang produkto ng StarStruck na nakakagawa ng pangalan sa dalawang top TV stations sa bansa.

"Sana, sana po!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN