Jessy Mendiola on working with Gerald Anderson: "I find him a very, very good actor, he’s so nice."

"Di ako makapaniwala na isa siya sa big stars ng ABS-CBN ngayon, coz ang bait-bait niya. Masaya ako na nakasama ako dito sa soap na ganito kalaki. This is also my first primetime show e, so malaki rin ang pressure," says Jessy Mendiola on being Gerald Anderson’s leading lady in Budoy.



After being launched as a solo actress in Sabel, ngayon ay leading lady ni Gerald Anderson si Jessy Mendiola sa seryeng Budoy ng ABS-CBN.

Medyo matagal-tagal namahinga sa paggawa ng mga serye ang aktres. Ngunit tiyak na tatatak naman daw ang karakter ni Jessy as Gerald’s leading lady in this new soap opera of the Kapamilya network.

Kapansin-pansin raw ang chemistry ng dalawa sa nakaraang special screening ng Budoy kagabi sa Podium. Marami ang nagsasabi na tiyak na magre-react ang mga Kimerald fans na dati’y nabalitang nagpadala pa raw ng mga hate mail kay Jessy.

Sa interview ng Pep.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jessy sa nasabing special screening, binalita sa amin ng young actress na natigil na ang ganitong mga pangayayari, at sa nakikita niya ay mukhang tanggap na ng mga masugid na tagahanga nila Kim at Gerald ang bagong tambalan nila ng aktor.

"Salamat naman at nag-stop na sila. Siguro na-realize nila na trabaho lang din naman ang ginagawa ko, trabaho lang din naman ang ginagawa ni Gerald.

"Mabuti naman at nag-stop na sila at masaya ako, nakakagaan ng loob na parang ang bait-bait nila, nagpapa-picture pa sila sa akin. Every taping nandito sila hanggang umaga," ang sabi ni Jessy.



Maging si Kim ay nagbigay ng suporta sa tambalan nila Gerald at Jessy sa Budoy.

"Thankful ako sa kanya na naiintindihan niya na trabaho lang naman talaga."

Eere na ang serye sa Monday, Oct. 10.

"Nagulat kami kasi ang biglang sabi sa amin last Monday, ’Eere na kayo ng Oct. 10. Ha?

"Proud naman kami na napili ang show namin na eere na, medyo kabado, pero okay lang."

Ano ang masasabi niya ngayong nakatrabaho niya si Gerald bilang kanyang leading man?

"Siyempre ang mapapanood natin dito ay yung kakaibang Gerald kasi launching soap niya ito as solo actor. Kahit kami ang magka-partner, sa kanya talaga yung show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako para sa kanya, abangan nila kung paano niya ipo-portray si Budoy. Sobrang adorable siya at kahit sobrang hirap, para talagang totoo, aniya.

"I find him a very, very good actor, he’s so nice. Di ako makapaniwala na isa siya sa big stars ng ABS-CBN ngayon coz ang bait-bait niya. Masaya ako na nakasama ako dito sa soap na ganito kalaki. This is also my first primetime show e, so malaki rin ang pressure."

Naging honest si Jessy na nung una ay hindi niya crush si Gerald pero habang tumatagal ay nagugustuhan niya ang mga nakikitang magagandang characteristics sa aktor.

"Sa ngayon, nandun pa rin sa level na nagkakakilala kami pero ngayon mas nakikita ko yung mga magagandang characteristics niya. Very charming naman off-cam and on-cam, so hayun.

"Siguro kung manliligaw [siya], oo naman, mayroon naman [chance] kasi sobrang bait niya, wala akong masasabing masama kay Gerald.

"Sa ngayon, medyo may kumukurot na...Ayoko namang sabihing, oo crush ko siya tapos di naman, gusto ko, friends muna kami, makilala muna naming mabuti ang isa’t-isa."

Hindi ba naging issue sa aktres na as leading lady ay parang naging support na lang siya sa Budoy?

"As leading lady ni Gerald Anderson, it’s a big opportunity and masaya ako na ako ang napili. Ang dami ring may gusto sa role ko ngayon so masaya na rin ako.

"Okay lang ako kung support ako kasi in a way, bida na rin ako kasi leading lady ako ni Gerald."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN