Kristoffer Martin denies rumors of PDA gone too far with Joyce Ching: "I swear, wala po talagang ganung insidente."

Ngayon ay pinag-uusapan sa loob at labas ng industriya ang diumano’y sobra-sobrang PDA (Public Display of Affection) ni Joyce Ching (left) at Kristoffer Martin (right) sa taping ng kanilang mga shows, Tween Hearts, Party Pilipinas, Munting Heredera at Ikaw Lamang ang Mamahalin.



Isang matunog na halakhak ang sumalubong sa amin nang tanungin si Kristoffer Martin patungkol sa mainit na isyung kinasasangkutan niya at ng girlfriend at ka-loveteam niya na si Joyce Ching.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kristoffer sa presscon ng Ikaw Lamang ang Mamahalin, ang upcoming afternoon soap na pinagbibidahan niya sa GMA-7.


Ngayon ay pinag-uusapan sa loob at labas ng industriya ang diumano’y sobra-sobrang PDA (Public Display of Affection) ng dalawa sa taping ng kanilang mga shows, Tween Hearts, Party Pilipinas, Munting Heredera at ILAM.


May mga insidente pa nga daw na nahuhuli silang dalawa na nagkakandungan habang naghaharutan sa set, na mariin namang pinabulaanan ng tinaguriang Drama Prince ng GMA-7.

Kaya naman ni katiting ay di mababanaagan ng pagkabahala sa kumakalat na isyu si Kristoffer. Bakit daw kasi kailangan niyang magpaapekto sa tsismis na ito samantalang wala naman daw katotohanan at pawing gawa-gawa lang.


Nahihiya lang daw siya kay Joyce. Bukod pa sa babae ito at di nga naman maganda ang masulat nang ganito, lalo na’t bata pa ito at napaka-wholesome ng imaheng ipinaaabot sa mga manonood.


Pero nag-usap na daw sila ni Joyce tungkol sa nasabing isyu at nagkasundong dedeadmahin na lang dahil purely tsismis lang ito at para hindi daw maapektuhan ang maganda nilang samahan.


"Natatawa na lang ako, pati si Joyce sa mga isyung lumalabas sa amin. Totoo kasi na close kami, na naghaharutan [kami] minsan pero hindi naman umaabot sa puntong sobrang cheesy na talaga at nagkakandungan.


"Alam naman namin na every taping e, maraming tao ang nakamasid, bukod sa mga kasamahan naming tweens. Kaya bakit naman naming gagawing magkandungan sa harap ng maraming tao?


"Bukod pa sa napakabata pa namin ni Joyce, basta I swear, wala po talagang ganung insidente na ginawa namin katulad ng sinasabi nila," sabi ni Kristoffer.


Naapektuhan ba ang samahan nila ni Joyce sa mga isyung lumalabas?


"Hindi naman, kahit kasi hindi pa kami ganoon katagal na magkakilala ni Joyce, parang pakiramdam namin matagal na kaming nagkasama. Yun bang, huli na namin ang isa’t-isa.


"Tsaka, hindi naman kasi namin iniintindi kung ano mang tsismis ang lumalabas sa amin, especially pag hindi totoo. Ayaw naman naming magkasiraan dahil lang gusto ng ibang tao.


"Basta sa amin masaya kaming magkasama kaya walang puwedeng sumira sa magandang pinag-sasamahan namin sa ngayon," aniya.


Ano na ba ang real score sa kanilang dalawa ni Joyce?


"Real score? Ganun pa din. Super close kami. Kami kasi ang laging magkasama most of the time. Kasi kami ang magka-loveteam, pero magkaibigan lang talaga kami.


"Nag-usap na kami na mas bibigyan muna namin ng focus yung trabaho namin. Sayang naman kasi yung chance na binigay sa amin ng GMA-7 kung sa love life lang kami magpo-focus.


"Bukod sa pareho pa kaming bata, tsaka na lang siguro yan. Ang mahalaga, click kami sa isa’t-isa at marami kaming bagay na parehong gusto," sabi ni Kristoffer.


Pero balak ba niyang ligawan si Joyce?


"Bakit naman hindi! Mabait at maganda naman si Joyce, siguro may time para dyan. Pag nasa tamang edad na kami at ready na kaming pareho na magkaroon ng karelasyon.


"Sa ngayon kasi, trabaho talaga ang gusto naming tutukan, alam kasi naming mahirap pagsabayin ang trabaho at love life.


"Katulad ko po, bukod sa showbiz nag-aaral pa ako, kaya mahirap na pagsabay-sabayin baka may mapabayaan ako," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Anong paghahanda ang ginawa nilang apat (Kristoffer, Barbie Forteza, Joshua Dionisio at Joyce Ching) sa ILAM?



"Naku grabeng paghahanda po ang ginawa namin, pinag-aralan talaga namin yung mga roles na binigay sa amin, nagkaroon kami ng acting workshop nang sa ganun ay magampanan namin nang tama ang mga characters na ibinigay sa amin.



"Medyo napi-pressure nga kami kasi alam naming super hit ang ILAM nung unang lumabas ito at pinagbidahan nina Angelika Dela Cruz, Sunshine Dizon, Sherwin Ordoñez at Cogie Domingo, na 10 years na po ang nakaraan.



"Sinasabi nga nila sa amin na maganda daw ang ratings ng ILAM noon, kaya naman sana suportahan din ng mga manonood yung version namin ng ILAM na talaga naming pinaghandan at pinaganda naming lahat.


"Sana kung di man naming mahigitan, mapantayan man lamang namin ang naabot ng ILAM noon," aniya.



"Gagawin ko lahat lahat para magampanan nang maaayos yung role ni Jepoy na ginampanan noon ni Cogie, na isa ring mahusay na actor.



"Kaya sana panoorin nila ang ILAM na magsisimula nang mapanood sa Oct 10," pagtatapos ni Kristoffer.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN