Cristine Reyes surprised and delighted by box-office success of No Other Woman

Hindi makapaniwala si Cristine Reyes sa success na tinatamasa ngayon ng pelikula niyang No Other Woman.

"Sobrang thankful ako kay God sa blessings na binigay niya sa aming tatlo nila Anne [Curtis] and Derek [Ramsey]. Happy ako dahil blockbuster yung movie namin. Hindi ko iniisip na sobrang dudumugin ng tao, so surprise ito sa aming lahat," she says.



Isa sa mga unforgettable lines sa pelikulang No Other Woman ay ang nabitawan ni Carmi Martin kay Cristine Reyes: "I-pack up mo na si Lucy Torres at ilabas mo na si Gretchen Barretto. Ako na ang bahala sa red stilettos mo."

Ito ay pinag-uusapan nang husto at naging bukambibig ng mga nanonood ng nasabing pelikula.

Isa na nga dito ay si Gretchen Barretto na nagpahayag ng paghanga sa acting na pinakita ni Cristine sa pelikula. Ayon sa kontrobersyal na aktres, gusto niyang makasama sa isang proyekto si AA (palayaw ni Cristine) at kung may pagkakataon, ay maging magkaibigan din sila.

When PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) got the chance to interview Cristine at No Other Woman’s victory party last Wednesday, nagpahayag ang aktres na bukas siyang makatrabaho si Gretchen pero ang maging kaibigan ng kontrobersyal na aktres ay mukhang imposibleng mangayri sa kanila.

"Na-shock ako kasi siyempre si Ms. Gretchen Barreto yun di ba? Di ko inakala na ganun siya ka-thrilled, ganun siya nagandahan dun sa movie. Siguro naka-relate siya sa character ko, happy ako.

"Gusto niyang magkaroon kami ng show, kundi man show, film siguro na mas OK di ba? Ako, hoping ako na sana matuloy nga yun. If ever na mangyari yun, ma-e-excite ako," ang sabi ni Cristine.

"Pero kami maging magkaibigan? Parang malabong mangyari yun, Hello? Ang jologs, jologs ko di ba? Totoo naman e, ewan ko, di ko napi-picture. Kasi si Gretchen yun, celebrity na ang taas-taas nun di ba? Pag nangyari yun, wow! Happy ako."



Hindi makapaniwala si Cristine sa success na tinatamasa ngayon ng No Other Woman.

"Sobrang thankful ako kay God sa blessings na binigay niya sa aming tatlo nila Anne [Curtis] and Derek [Ramsey]. Happy ako dahil blockbuster yung movie namin. Hindi ko iniisip na sobrang dudumugin ng tao, so surprise ito sa aming lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Ate [Ara Mina], hayun, iyak nang iyak sa movie house. Siya yung una kong kasama. Then yung isang sister ko, iyakin din, iyakin kasi kaming lahat. Hayun okay naman."



Balitang naka-100 million pesos ang No Other Woman sa limang araw na showing nito sa mga sinehan. Ngayong patuloy itong pinipilahan sa takilya, malaki raw ang posibilidad na maging Box Office King and Queens sila Anne, Cristine at Derek for 2011.

"E di bonus na yun if ever man na mangyari, kasi ako naman pokus lang ako sa trabaho ko. Basta sobrang nakakatuwa, nakaka-overwhelm ang suportang ibinigay ng tao sa [movie].



Very proud din si Rayver Cruz, na boyfriend ni Cristine sa success ng pelikula.

"Oo, actually mas tuwang-tuwa pa siya kaysa sa akin. Panay ang text niya, ’O, nanood daw si ganito, sobrang dami ng tao.’

"Sobrang proud niya, hindi niya akalain na mangyayari ito sa akin. Parang feeling ko, mas natutuwa siya for me. Nakakatuwa din kasi very supportive siya.

"Siguro nga siya ang lucky charm ko kasi nandiyan siya palagi di ba? Siya ang umiintindi sa lahat ng mga sakit ko at thankful ako dun."



Kagagaling lang sa sakit na viral meningitis si Cristine nang ginagawa niya ang No Other Woman. Aminado ang aktres na nung ginagawa niya ito ay nagakroon siya ng hesitation kung magagawa niya nang mabuti ang kanyang role lalo na ang confronation scenes nila ni Anne na nauwi sa sampalan at sabunutan.

"Actually medyo hesitant pa ako sa fight scenes namin ni Anne kasi kagagaling ko lang ng hospital, three days lang ang pahinga ko, yun na agad ang kinunan.

"So far, so good naman. Positive naman ang mga feedback na natatanggap ko."



Kinumusta din namin kay Cristine ang mga kaganapan sa serye niyang Reputasyon.

"Hayun lalong gumaganda ang istorya, mas lalong umiinit ang laban namin ni Catherine Montemayor [played by Aiko Melendez]. Mas maraming twists at mas marami pang revelations na mangayyari so sana wag silang bibitiw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN