Hayden Kho says he and Vicki Belo’s son, Direk Quark Heneras, have settled their differences

Hayden Kho and Vicki Belo’s son Direk Quark Henares have talked things over.

"Okay naman, nakapag-usap na kami at sa kasal namin ni Vicki, siya ang mag-e-escort kay Vicki sa simbahan. Kung anuman ang napag-usapan namin, amin na lang yun kasi yung mga ganung bagay, pribado yun," says Hayden.



Alam ng lahat sa show business na simula pa lang ay hindi pabor si Direk Quark Henares sa relasyon ng inang si Dra. Vicki Belo kay Hayden Kho.

Balita na kamakailan ay personal na kinausap ni Hayden si Quark kung saan siniguro nito na malinis ang intensyon niya kay Dra. Vicki at pakakasalan niya ito.


Sa nakaraang Maldita Man launching sa Trinoma kung saan si Hayden ang bagong endorser ng nasabing brand, ikinuwento niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naayos na kung anuman ang hindi nila pagkakaintindihan.

Si Direk Quark pa nga ang maghahatid sa ina sa altar pag kinasal na ito kay Hayden.

"Okay naman, nakapag-usap na kami at sa kasal namin ni Vicki, siya ang mag-e-escort kay Vicki sa simbahan. Kung anuman ang napag-usapan namin, amin na lang yun kasi yung mga ganung bagay, pribado yun," sabi ni Hayden.


Klinaro rin ni Hayden na walang katotohanan ang mga lumabas na balita na sa darating na Christmas daw ang kasal nila ni Dra. Vicki.


"Walang Christmas wedding na magaganap. Ang wedding ay mangyayari next year pa, basta di siya Christmas wedding. Basta ang sigurado ako, di rito sa Pilipinas mangyayari yun."



Sa ngayon ay masaya si Hayden sa magagandang nangyayari sa kanya. Unti-unti ay nakakabawi at nakakalimutan na niya ang mga di magagandang pinagdaanan niya.


"Masaya ako, masaya sa mga magagandang nangyayari sa akin ngayon. Unti-unti akong nakaka-recover, dahan-dahan and lahat ng magagandang nangyayari sa akin, nagpapasalamat ako sa Diyos na binibigay sa akin.



Sa interview kay Hayden sa nakarang Stars for A Cause ng PMPC ay nakapagbitaw ito ng salita na tuluyan na niyang tatalikuran ang showbusiness dahil pakiramdam niya ay di talaga siya tugma sa mundong ito.

Nang tanungin namin ngayon, consistent pa rin si Hayden sa pagsabing ayaw na niya muna sa show business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Mayroon na akong avenue ngayon na tinatahak na maganda naman so wala akong nakikitang reason para bumalik sa showbiz.

"I don’t think I’m really cut out for showbiz. Pero, lahat yan depende pa rin. For example, nung nag-guest ako kay Vice Ganda—masaya naman siya, maganda naman yung show, I’m a fan of Vice Ganda so bakit hindi? Pero kung let’s say, yung show puro intriga or kunwari bastos, di ako kumportable sa ganung mga bagay."



Tatanggapin ba niya kung sakaling i-offer siya uli na mag-guest sa Gandang Gabi Vice?


"Okay na siguro yung once pero siyempre depende pa rin. Di ko naman sinasarado ang doors ko sa lahat ng bagay."



Isa sa magandang nangyari ngayon kay Hayden ay ang pagkakapili sa kanya bilang endorser ng Maldita Man. Para sa kanya ay napakalaking bagay nito dahil patunay lamang daw na may mga tao pa ring naniniwala sa kanya.


"Unang-una, masaya ako na mayroong brand o may mga tao pa rin pala na nagtitiwala sa akin. Nagpapasalamat ako kay Eric Teng at kay Ms. Imelda Teng for getting me as their endorser. I find that a boost of confidence so I’m very happy.


"Bago nito, nagkaroon [ako] ng ibang mga offers pero di ko tinaggap. Nung nilapitan ako ng Maldita Man for the endorsement and nakita ko yung products nila, yung collections nila, sabi nila, nung ginagawa pa lang daw nila yung mga designs, ako na raw ang nasa isip nila.

"Nakita ko maganda naman yung quality, ito yung mga damit na talagang susuotin mo so di siya mahirap sa akin na tanggapin."

Ayon kay Hayden marami na siyang offers to endorse products, pero siya na mismo ang tumanggi dahil di siya naniniwala sa mga ito.

"Hindi ko gagawin yun, marami akong offers na natanggap before—may mga vitamins, may mga offers na di ganun ka-pleasant pakinggan, mga pang-reproductive health, mga ganyan, tinaggihan ko ang mga yun. Hindi ko kailangan talaga, hindi ako naniniwala sa produkto so bakit ko i-endorse?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Naka-tie-up din ang Hayden Fragrances sa Maldita Man na parehong ineendorso ni Hayden.


"One of the major collaborations of Malditan Man and Hayden Fragrances —lahat ng fragrances with different variants available sa lahat ng Maldita stores."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN