Julian Trono flattered to be called the next Mark Herras of the dance floor

Dahil mahusay sumayaw sa Party Pilipinas, si Julian Trono ang sinasabing the next Mark Herras sa pagiging "bad boy ng dancefloor." Kahit nga si Mark mismo, sobra ang bilib kay Julian sa pagsasayaw.


Kaka-fourteen years old lamang ng young male star/dancer na si Julian Trono last September 16, pero sa halip na mag-party ay ...

"Nag-bible study lang po kami sa bahay, para maiba. E nung kina-Sunday-an may surprise birthday party pala sina Tita Joy sa akin, sila mommy," umpisang kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Julian sa set ng taping ng Futbolilits sa Cainta last Wednesday, October 5.

Ang pinakamagandang regalong natanggap niya...

"Wala naman po akong natanggap except yung presence nung mga taong malapit sa akin. Nandun sina kuya Mark, si Ynna, ganun po."

Dahil mahusay sumayaw bilang isa sa mga mainstays ng Party Pilipinas, si Julian ang sinasabing the next Mark Herras sa pagiging "bad boy ng dancefloor."

Kahit nga si Mark mismo, sobra ang bilib kay Julian sa pagsasayaw. At flattered si Julian dito.

"Si Kuya Mark tatay-tatayan ko po sa Party P. Iyon po ang naging anuhan namin kasi para daw kaming mag-ama. Tatay-tatayan ko siya. Tatay tawag ko. Kay Ynna [Asistio, Mark’s GF] nanay ang tawag ko.

"Siyempre nakakatuwa po dahil siyempre Mark Herras na po siya, e. Na kumbaga isunod ka sa ganung pangalan, di ba? So, sobrang nakakatuwa, ang sarap ng feeling dahil okay naman po siya sa akin. Kumbaga tanggap niya na iyon na yun, kung ako yung kasunod, ganun."

Nagsimula ang career ni Julian sa Daisy Siete; alaga siya ni Joy Cancio.

Tuwing may dance showdown sila ni Mark, may effort ba siya na galingan, o umaalalay lang siya sa husay ni Mark?

"Hindi naman po, ano lang, kumbaga killer instinct lang. Kahit sino yung katapat mo, maliit man yan, o malaki ganun pa rin yung performance mo."

May image si Mark na babero; baka maging babaero rin si Julian?

"Sabi po ni Kuya Mark okay na yung babae huwag lang yung bisyo!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So mambababae nga siya?

"Ah hindi rin po! Kumbaga ano lang salita niya lang po iyon."

CRUSHES. May crush na ba si Julian?

"Hindi naman marami pero siyempre sa mga nakakasama po namin... pinaka? Siguro po ibang level sa crush, kumbaga sabihin natin na may halong respeto, idolo ganun.

"First siguro yung mga nakakasayaw ko [sa Party P], si Bea Binene. Pangalawa si Louise delos Reyes, kasi close yung mom ko at yung mom niya.

"Si Julie Anne San Jose, ina-admire ko yung boses niya, grabe!"

Walang girlfriend si Julian.

"Ako naman po kumbaga enjoy lang muna, wala munang commitment, di ba? Work muna kumbaga. I mean parang ano lang... meron akong kaibigan, actually meron po ngayon pero ano lang kumbaga happy lang kami sa company ng bawat isa.

Pero hindi pa raw sila magkarelasyon bilang boyfriend/girlfriend.

"Hindi, wala po, ano lang close lang kami. Hindi naman po super close, actually marami po sila, friends-friends lang, marami po actually, sa Party P."

Wala pa raw siyang gustong ligawan.

"Ah wala pa po, wala pa po sa isip ko ang manligaw.

"Work muna po kumbaga ano lang yun, kung puwedeng maghintay, di ba? Tsaka darating naman po ako dun, ayoko naman pong madaliin."

LEAVINGS. Hiningan namin ng reaksyon si Julian tungkol sa pag-alis ng ibang alaga ni Ms. Cancio sa poder nito, tulad na lamang nina Jopay Paguia at Rochelle Pangilinan.

"Siyempre malungkot po para kay Ate Joy dahil alam mo yun, dahil nagawa na niyang lumipat ng ibang station para lang mabigyan pa ng ..."

Nasa ABS-CBN na si Joy; mabuti at si Julian ay may work naman sa GMA.

"Ang maganda po ngayon winu-work out po na... actually kahapon po kausap namin sina Sir Arsi [Baltazar ng GMA Artist Center], tumawag po last week sina Ma’am Annette [Gozon-Abrogar ng GMA] sa amin, gusto po ako i-co-manage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre po para kay Tita Joy siyempre masaya siya dahil kumbaga hindi na niya ako iisipin sa ano niya.

CONTRACT SIGNING. "So yun po, kahapon kausap namin si Sir Arsi, so baka by Tuesday po, mag-contract-signing na kami.

"Okay naman po dahil may mga plano naman, so iyon happy naman po. Ang alam ko naman po nawo-work out naman nina Tita Joy, inaayos naman po."

Ilang years ang contract niya kay Joy?

"Five po, naka-two na rin po yata ako nung July."

Baka iwan na rin niya si Joy (ng Focus Entertainment, Inc.) after mag-expire ang contract niya?

"Ay hindi naman po siyempre...I mean kumbaga, pag natapos yung ano, hindi na ako [pipirma]? Depende rin naman po, e.

"Kung wala naman talagang nangyayari or di ba, mag-i-school na lang ako or kung meron talaga, di ba po?"

HOMESTUDY. Second year high school ngayon si Julian sa isang homestudy program.

Ano ang kukunin niyang college course?

"Hindi ko pa po alam, hindi pa ako makapag-decide, pero ang pangarap ko talaga, maging engineer.

"Nakita ko po sa mga tito ko yung, kumbaga sila yung naging idol ko pagdating sa studies.

"Parang na-inspire lang ako na iyon na lang, mag-engineer na lang. Pero siyempre hindi ko pa po alam yung tuition, hindi pa ako makapag-decide kung iyon na. Si daddy po, ano siya, sa mga engineer naman, siya sa mga electronic naman siya," pagtatapos na kuwento ni Julian sa PEP.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN