Katrina Halili denies rumors saying that a DOM is financially supporting her

"Ang message ko po dun sa mga nagpapakalat ng mga ano na yan, isyu ng DOM, bahala kayo. Kasi ano di ba, kahit naman pakiusapan ko wala namang akong... di ba, hindi naman sila susunod sa akin," says Katrina Halili.


Aminado si Katrina Halili na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay, partikular na dahil sa sex video scandal na kinasangkutan niya at ni Hayden Kho Jr.

Personally, naniniwala ang Starstruck alumna at two-time FHM Philippines Sexiest Woman na pinatibay siya ng naturang pangyayari.

Malaki ang pasasalamat ng aktres sa suporta ng kanyang pamilya, mga kaibigan, katrabaho at fans na hindi nang-iwan sa kanya.

Ngunit kamakailan may panibagong isyung ibinabato kay Katrina.

Iniintriga kasi ang kakayahan nitong gastusan ang mga hinaharap na problemang legal.

Totoo bang may DOM (dirty old man) na tumutustos sa kanyang pangangailangang pinansiyal?

Sinagot ito ni Katrina sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon, October 8, Sabado.

"Wala! Dahil wala akong trabaho? Inaamin ko naman po, yung pagsasampa ko ng kaso e wala naman akong binabayaran.

"Kahit papaano may ginagastos naman ako pero hindi naman ganun kalaki.

"Basta ako alam ko sa sarili ko kung ano po yung totoo. Wala na po akong kailangang patunayan sa mga tao.

"Ang message ko po dun sa mga nagpapakalat ng mga ano na yan, isyu ng DOM, bahala kayo. Kasi ano di ba, kahit naman pakiusapan ko wala namang akong... di ba, hindi naman sila susunod sa akin."

Sampung buwan na ang nakalipas mula ng i-dismiss ng korte ang kasong kriminal na isinampa ni Katrina laban kay Hayden.

Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ang aktres kung bakit bigla itong nabasura gayong hindi man lang sumalang sa witness stand si Hayden.

"Bigla na lang sinabi wala na daw yung kaso. Iyon lang yung nakakakuwestiyon dun. Parang, ’Ano’ng nangyari?’

"Hindi man lang siya nagpunta sa harap para interrogate, di ba?

"So kung sa tingin po nila e ganun, wala naman po akong magagawa.

"Basta ako pinaglalaban ko lang ang sarili ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN