Ryan Agoncillo on rumors saying he and Judy Ann Santos are always bickering: "Minsan sinasadya na nga namin, e. Para lang magkarooon ng away."

After two years of marriage, have Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos turned into a bickering couple?

"Wala! Hindi, sa totoo, ha? Pero may mga issues, may mga times na may mga issues pero hindi madalas. Parang... di ba sa pagsasama naman ng mag-asawa, hindi naman yan bed of roses na perfect, e," ayon sa pahayag ni Judy Ann sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon.


Sa mahigit na dalawang taong pagsasama nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos, tila nahaharap ngayon sa matinding isyu ang power couple.

Hindi mamatay-matay ang mga balitang madalas diumanong nagtatalo ang dalawa.

Madalas nga bang nag-aaway ang mag-asawa dahil sa selos?

"Wala! Hindi, sa totoo, ha? Pero may mga issues, may mga times na may mga issues pero hindi madalas. Parang... di ba sa pagsasama naman ng mag-asawa, hindi naman yan bed of roses na perfect, e," ayon sa pahayag ni Judy Ann sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX na ipinalabas kahapon.

Sa pahayag naman ni Ryan...

"Hindi kami madalas mag-away, actually. Madalas ba? Minsan sinasadya na nga namin, e. Para lang magkarooon ng away," ang natatawa pang pahayag ni Ryan.

Pero nakaramdam ba si Judy Ann ng selos sa pagkaka-link ng kanyang mister sa kasamahan ni Ryan sa Eat Bulaga! na si Daiana Menezes?

"Hindi, noh! Wala, walang dahilan para magselos ako.

"Pangalawa maliban sa...imbes na magselos ako, naawa pa nga ako kay Daiana kasi parang, di ba? Magkaibigan lang naman sila ni Ryan, binigyan ng ibang kulay, na-hassle pa siya ng ibang tao, nakakahiya."

Ayon naman kay Ryan...

"Ang korni! Ang korni nun, di ba? Pero okay lang, yung mga ganung intriga nakakapogi e," at tumawa ang actor/TV host.

"As far as I know it was just on Twitter, and then meron tayong kaibigan sa press na sinulat, lumaki, tumagal pero...ganun lang talaga yun! So we just keep on telling her, ’You know what, don’t mind it!’

"Pero siyempre dahil hindi naman siya tagarito at hindi naman niya naiintindihan ang takbo ng Pilipino, ini-explain sa kanya na ’Huwag mo nang pansinin.’

"Eh patola rin si lola, e! So ako, parang ’Huwag mo ng pansinin yan!’"

May mensahe naman si Judy Ann sa Brazilian actress/TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sorry, Daiana! Yes you can be friends with my husband, we can all be friends, the three of us. Mas masaya nga iyon na maging magkaibigan tayo."

May pagkakataon rin bang si Ryan ang nagseselos, lalo na ngayong marami ang nag-aasam sa muling pagsasama nina Judai at ang dati nitong ka-loveteam na si Piolo Pascual?

"Selos? Hindi sa kanya, pero napogian ako, oo! Definitely yung medyo, parang ano, parang ’Hindi yata patas laban, ah,’" at muling tumawa si Ryan.

Pero totoo nga bang ayaw muna ni Judai na makasama si Piolo sa isang proyekto?

"Hindi naman sa ayaw. It’s just that...Okay naman kami, as individuals na nagtatrabaho ng sapat, sa kung anuman ang gusto naming gawin. Ayos na rin, kung magtatrabaho, magtatrabaho, hintayin na lang natin.

"Kasi the more na tinatanong, the more na mailap e, di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN