Sheryl Cruz happy for Lovi Poe’s successful career

Kahit walang direktang relasyon si Sheryl Cruz kay Lovi Poe except anak ito sa ibang babae ng kanyang yumaong Tito Ronnie (Fernando Poe, Jr.), natutuwa siya sa magandang career nito ngayon. Nagkatrabaho na ang dalawa noon sa GMA-7 drama series na Bakekang noong 2006.

"I remember Lovi being sweet and magalang. Wala naman akong naging problema with her. Maayos kaming nagkatrabaho hanggang sa matapos yung Bakekang,"


Magaganda ang mga sinabi ni Sheryl Cruz tungkol sa showbiz career ngayon ni Lovi Poe.

Kahit walang direktang relasyon si Sheryl kay Lovi except anak ito sa ibang babae ng kanyang yumaong Tito Ronnie (Fernando Poe, Jr.), natutuwa siya sa magandang career nito ngayon.

Nakatrabaho na ni Sheryl si Lovi sa GMA-7 drama series na Bakekang noong 2006. Gumanap si Lovi bilang si Kristal, ang anak ni Bakekang (played by Sunshine Dizon) at si Sheryl ang naging kontrabida sa kanilang dalawa.


Sa pagkakaalala ni Sheryl ay magalang at mabait na bata si Lovi. Ito pa raw ang lumapit sa kanya para magpakilala.


"I remember Lovi being sweet and magalang. Wala naman akong naging problema with her. Maayos kaming nagkatrabaho hanggang sa matapos yung Bakekang.

"Noong matapos nga ang show, nagkikita pa rin naman kami ni Lovi sa iba’t ibang show kapag guest kami pareho. Hanggang ngayon naman, kapag aksidenteng nagkikita kami, lalapit siya para bumati.


"Yun naman ang gusto ko kay Lovi. Kahit na alam mong we’re not blood relatives, we consider one another family. Wala naman akong nakikitang masama roon," sabi ni Sheryl.


Never naman daw nilang napag-usapan ni Lovi ang tungkol sa ama nitong si FPJ. Kahit na alam din ng kanyang Tita Susan (Roces) na katrabaho nito si Lovi, never daw nilang pinag-usapan ito.

"Mas mabuti na rin yung gano’n, ’di ba? I respect my Tita Susan and I also respect Lovi. May kanya-kanya silang privacy. Ayoko namang simulan ang isang usapan knowing na may magiging uncomfortable na tao, ’di ba?


"Siguro darating din ang time na magiging okey na rin ang lahat. Huwag lang nating pangunahan. I know the time will come when both Tita Susan and Lovi will be able to talk to one another ," diin pa niya.


Tungkol sa career ni Lovi, happy si Sheryl dahil nakikita niya ang kasipagan nito sa kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lovi is everywhere. She’s on television, she has movies and she has endorsements. May mga acting awards na rin siya.

Nakakatuwa namang malaman that she works very hard for her career. And she should be proud of what she has achieved at a very young age. Magiging inspiration siya ng iba pang mga nagsisimulang artista ngayon," sabi ni Sheryl.


NO ADVICE. May mabibigay ba siyang advice kay Lovi para sa career nito?


"I guess she doesn’t need any advice from me, kasi she’s doing very well sa kanyang career. Pagbutihan pa niya and never forget to thank the Lord for all the blessings na dumarating.


"Alam naman natin sa mundo ng showbiz, may time na sikat na sikat ka pero darating ang time na bigla ka na lang mawawala. Mas maganda yung kahit hindi ka na gano’n kasikat, nandiyan ka pa rin and still working. Yung hindi ka nakakalimutan ng maraming tao.

"I should know kasi nga pinagdaanan ko na lahat ’yan. From being a child star to a teen star hanggang sa umabot ako sa edad ba ito. But what I am so thankful for is that I still get jobs and I am enjoying it. Kahit na kontrabida pa ako, it doesn’t matter.

"I thank the Lord for whatever is in store for me. Always count your blessings and be thankful."

Nagbabalik si Sheryl Cruz sa bakuran ng GMA-7 via the afternoon drama series na Ikaw Lang Ang Mamahalin kunsaan gumaganap siya bilang kontrabida na si Amara Luna. Ang last series na ginawa niya ay ang Grazilda bago niya gawin ang Mga Nagbabagang Bulaklak sa TV5.


NOT SO GAY DIVORCÉE. Sa personal life ni Sheryl, may isang taon na raw siyang divorced at hindi pa raw siya masyadong nakaka-get over sa pangyayaring iyon sa buhay niya. Kaya kahit daw na may mga gustong manliligaw sa kanya ngayon, hindi niya ito muna ini-entertain dahil hindi pa raw siya ready na pumasok sa panibagong relasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"I just want to work and be a good mom to my daughter Ashley," diin ni Sheryl.


"Hindi naman ako humihiling ng anumang malaking bagay kay Lord kundi ang peace of mind at ang strength na kayanin ko ang buhay na ito bilang single parent.


"So far, happy ako sa nangyayari sa buhay ko. Masaya na ako with my daughter. And she always tells me, ’Mom, you’re so beautiful!’ That—coming from my daughter, ang sarap pakinggan iyon."


Ayaw ba niyang manggaling ang ’You’re beautiful’ sa isang manliligaw?


"Actually, narinig ko na ’yan ng ilang beses na!" sabay tawa ni Sheryl.


"Hindi ko lang alam kung serious ba siya or ginu-goodtime lang niya ako. With matching harana pa nga. Kung sino siya? Basta isang nakatrabaho ko na before. It wasn’t serious. After ng show, nawala rin siya!


"Yun ang hirap sa tulad kong diborsyada. You can never tell kung sino ba ang seryoso sa ’yo. Mahirap for me na magtiwala agad. You will never know if he’ll be there for you talaga.


"In my case, may anak pa ako. I want to be sure if he’s also there for my daughter. I come with baggage and I want a man who will accept and help me with my baggage. I pray to God na sana ay may ganyan pang lalake ngayon.


"Kaya my life goes on even without a man in my life right now."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN