Nadine Samonte steps up to match Nora Aunor’s intensity as an actress

Nadine Samonte on her scenes with Superstar Nora Aunor: "Minsan, ayokong panoorin yung mga eksenang nakunan na namin. Kasi, iniisip ko baka mali yung nagawa ko. Or, hindi pa gano’n ka-full blast, e. Kasi si Ms. Nora iyon. At saka kung ano yung comments ng mga taong nanonood. Iyon ang nakakatakot, e. Na baka, ’Ano ba ’yan?’ Kaya talagang kada taping day namin, prepared ako. Darating ako sa set, galit na ako!"


Para kay Nadine Samonte, isang natatanging oportunidad at magandang karanasan na mabigyan siya ng pagkakataong makatrabaho ang Superstar na si Nora Aunor.

Aminado ang dalaga na ramdam niya ang pressure, maisip pa lang niya na ang kanyang kasama sa mga eksena ay ang itinuturing na isa sa mga institusyon ng Philippine cinema.

Hindi raw nga niya malilimutan kung paano siya natensiyon nang husto sa isang tagpo kung saan kailangan niyang sampalin at kaladkarin si Nora.

"Kasi baka masampal din ako ng mga fans niya!" natawang sabi ni Nadine nang makakuwentuhan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 9, bago siya sumalang sa "Presscon Express" segment ng Sunday showbiz-oriented show ng TV5, ang Paparazzi.

Dagdag pa niya, "Nasampal ko naman siya do’n sa eksena, pero hindi pa rin gano’n kaano [kalakas], e.

"Pero after no’ng drinag ko siya palabas ng door, do’n ko siya medyo nasampal."

Ang instruction daw ng direktor nilang si Mario O Hara, kailangang dumikit yung palad niya sa pisngi ni Nora kapag sinampal na niya ito.

"Para raw talaga maramdaman yung gano’n sa eksena," sabi ni Nadine.

"Tiningnan ko siya [Nora] kaagad after ng gano’ng instruction ni Direk.

"Sabi naman niya, okey lang. Ayun.

"Medyo nakakakaba, pero kailangan, e.

"Kaya nga yung sampal ko sa kanya, medyo hindi pa gano’n katodo kasi ilag pa rin ako sa kanya, e.

"Maldita ang character ko. Actually, kontrabida talaga.

"Kasi, lagi ko siyang [Nora] kinakalaban. Lagi akong galit sa kanya, e.

"Stepmom ko siya sa story."

INTIMIDATED. Bida siya sa unang seryeng ginawa niya sa TV5, ang The Sisters. Tapos ngayon, dito sa Sa Ngalan Ng Ina, pumayag siyang biglang kontrabida naman ang papel niya.

"Okey lang," sambit ni Nadine.

"Kasi sa akin naman po, kahit anong ibigay nila, e.

"Mas okey nga ’yon para paiba-iba. At iba-iba rin ng challenge.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos with Ms. Nora Aunor pa. Siyempre, sino ba naman ang tatanggi?"

Nai-intimidate ba siya kay Nora?

"At first, oo. Nakakatakot.

"Kasi kapag tumingin lang siya sa ’yo, talo ka na!" tawa niya.

Paano niya na-overcome yung gano’ng feeling?

"Dahil kay Direk Mario O Hara," sagot ng StarStruck alumna.

"Kasi lagi niyang sinasabi sa akin, ’Titigan mo rin, titigan mo rin!’

"So, wala akong choice. Kailangang titigan ko.

"Kailangang galingan ko. Kasi, nakakahiya kapag mag-take two pa ako o magkamali ako.

"Minsan, ayokong panoorin yung mga eksenang nakunan na namin.

"Kasi, iniisip ko baka mali yung nagawa ko. Or, hindi pa gano’n ka-full blast, e.

"Kasi si Ms. Nora iyon. At saka kung ano yung comments ng mga taong nanonood.

"Iyon ang nakakatakot, e. Na baka, ’Ano ba ’yan?’

"Kaya talagang kada taping day namin, prepared ako. Darating ako sa set, galit na ako!" tawa niya.

Maraming taping days na ang dumaan. Napi-pressure pa ba siya everytime na nakakaeksena niya si Nora?

"Yes, of course!" sambit niya.

"Hindi na mawawala iyon.

"Kasi kapag napi-pressure ako, iyon ang time na nagle-learn ako, e. Alam mo ’yon?

"Kasi kapag nawala ’yon, feeling ko, mawawala yung time na nag-aaral pa rin ako.

"Kasi siyempre, bawat ginagawa ko, pinag-aaralan ko pa rin."

JOROSS GAMBOA. Love interest ni Nadine sa Sa Ngalan Ng Ina si Joross Gamboa.

"Pero yung relationship naman namin ni Joross dito sa Sa Ngalan Ng Ina, gustung-gusto niya ako sa istorya.

"Pero ako, okey lang. Steady lang.

"But, may part na yayayain niya ako pakasal, sige, okey.

"Para lang maipakita sa mga taong-bayan na okey ako. Alam mo yung gano’n?"

Ito raw ang unang pagkakataon na nakatrabaho ni Nadine si Joross.

"First time ko to work with Joross, yes.

"Okey naman siyang katrabaho. Makulit.

"Madali kaming nagka-swak kaagad. Yung gano’n," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pareho silang single ni Joross ngayon, di ba?

Napahalakhak si Nadine.

"Hindi siya single, ’no! Hindi single ’yon, ’no!

"Alam na alam ko. Nagkukuwento siya, ’no, na hindi siya single."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN