LJ Reyes supports boyfriend Paulo Avelino’s transfer to ABS-CBN

"Ako naman, I’m happy for him. I’m very happy for him, because he’s taken good care of, doon sa kabila [sa ABS-CBN]," says LJ Reyes about boyfriend Paulo Avelino’s transfer to the Kapamilya network.


"Nando’n na siya, lumipat na siya sa kabila," umaarteng malungkot na sabi ni LJ Reyes tungkol sa paglipat ng kanyang boyfriend na si Paulo Avelino sa ABS-CBN.

Pero bawi niya, na nakangiti na, "Ako naman, I’m happy for him.

"I’m very happy for him, because he’s taken good care of, doon sa kabila."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si LJ sa taping ng dance-serye ng GMA-7 na Time of My Life noong October 6, Huwebes, sa Studio 7 ng GMA-7 Network Center.

Paano sinabi ni Paulo sa kanya ang desisyon nitong paglipat sa ABS-CBN?

"Uhm, siyempre, di ba, pag may mga ganyang bagay, importanteng bagay, na kailangan mong gawan ng desisyon, siyempre sasabihin niya sa taong pinakamalapit siya.

"Sinabi naman niya sa akin na, ’Ganito, may offer, blah, blah...’

"Tapos, tinatanong niya ako kung okay, or kung ano dapat desisyon niya.

"Pero sabi ko sa kanya, ’No, you make your own decision. These are the pros and cons, but you have to make your own decision."

Kumusta naman daw si Paulo sa Kapamilya network?

"Okay siya, happy siya do’n," masayang tugon ni LJ.

"Magaganda kasi yung projects na binibigay sa kanya.

"At feeling ko, nae-excite siya kasi, ano, e, magaganda talaga yung binibigay.

"So, napi-feel niya na maggo-grow siya as an actor, na yun yung hinihingi niya, e, yun yung gusto niya."

SWEET MOMENTS. Kumusta naman ang relasyon nila ngayon ni Paulo?

"Okay kami, okay kami, happy naman," sambit ni LJ.

Paano sila nagkakaroon ng oras para sa isa’t isa, lalo na ngayong magkaiba na sila ng network na pinagtatrabahuhan?

"Siyempre, we find time, we find time, e.

"Gano’n lang naman talaga ’yon kapag gusto mo, it will happen, di ba?

"Kung gusto mo magkaroon ng time, you will make time, di ba?" sabi ni LJ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "Kahit na busy, ganyan, siyempre magkakaroon at magkakaroon naman ng time.

"At saka minsan, hindi naman kailangan mahaba yung oras n’yo together.

"Minsan, kahit konting oras lang, pero quality yung time, yun naman yung mas importante."

Ano ba yung kadalasang bonding moments nila ni Paulo?

"Masaya na kami sa DVD marathon, mga ganyan.

"E, kahit nga isang DVD lang, isang movie lang, masaya na kami, at saka Cheetos!" sabay tawa niya.

THEIR SON. Kinumusta rin ng PEP kay LJ ang anak nila ni Paulo na si Ethan Akio, na one year and two months old na.

"Terrible na nga, wala pa siya sa two, e, sobrang likot, grabe!" tugon ni LJ.

How does she spend time with her son?

"Ay, naku, takbuhan kami sa bahay, naghahabulan kami.

"Ang likot-likot na, sobrang likot na!"

Lumalabas ba sila kasama si Paulo?

"Lumalabas naman kami, pero kasi since busy na, minsan mas gusto namin na lang sa bahay, ganyan.

"Pero minsan, para lang sa amusement ng bata, lalabas kami sandali, para makapag-play siya sandali sa mga playroom, ganyan."

Kanino mas close si Ethan—kay LJ o kay Paulo?

"Sa akin," sagot ng Kapuso actress.

"Lalo na pag yung medyo masama pakiramdam. ’Mommy, mommy!’ gano’n siya."

Pero hinahanap din naman ni Ethan si Paulo?

"Oo, minsan may sumpong ’yan, na pag kotse, bumaba lang saglit [si Paulo], ’Dad, dad, dad...’

"Nakakatawa, di ba?

"Sabi ko, ’Saan ba pupunta Daddy mo?’" biglang tawa ng malakas ni LJ.

LJ AS A MOM. Paano ba siya bilang isang ina kay Ethan?

"Very... I can say na very hands-on naman ako na mom, ganyan," sabay ngiti ng aktres.

"Kasi, kahit na galing taping, ganyan, kapag gusto na niya na ako mag-aalaga sa kanya, ako nag-aalaga sa kanya.

"Ako nagpapaligo, ako nagpapakain, gano’n. Tapos sasabayan ko na lang siya matulog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag nasa taping ba si LJ ay hinahanap-hanap din siya ng kanyang anak?

"Well, hindi natin maiiwasan yun, kasi very, very close siya sa akin.

"Kasi nagbi-breastfeed ako, so talagang hinahanap niya ako."

Until now?

"Until now!" sabay tawa ni LJ.

"Nangangagat na nga siya, e, pag-ayaw niyang magdede.

"So, papagalitan mo siya, gano’n. Sinasabi ko sa kanya, ’No!’

"Pag napagalitan siya, ha-hug ka niya, so di ka na magagalit.

"Explain mo na lang sa kanya, ’Mommy got mad, because ganito, ganyan, ganyan.’"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN