Shamcey Supsup receives kiss and flowers from crush Jericho Rosales in Gandang Gabi Vice

Vice Ganda and the audience of Gandang Gabi Vice agreed that there was a noticeable chemistry between Shamcey Supsup and Jericho Rosales (in photo).


Isa sa kakulitang guests ni Vice Ganda sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, October 9, ang Miss Universe 2011 3rd runner-up na si Shamcey Supsup.

Alam ng mga regular na tagapanood ng programa na sa Gandang Gabi Vice ay may mga kakaibang tanong at pambubukong ginagawa si Vice sa kanyang mga panauhin.

Sa kaso ni Shamcey, ibinuking ni Vice na idol at crush ng beauty queen si Erik Santos.

Inamin naman ito ni Shamcey, at sinabing crush niya ang singer noong nasa college pa raw siya sa UP Diliman.

Kuwento pa niya, may concert daw si Erik noon sa kanilang school at hindi niya napigilang kunin ang poster ng Prince of Pop na nakapaskil sa dingding ng kanilang eskuwelahan.

Sadyang nagagalingan daw si Shamcey kay Erik bilang singer.

JERICHO ROSALES. Sunod na pambubuko ni Vice kay Shamcey ay ang pagkakaroon din nito ng crush sa Kapamilya young actor na si Jericho Rosales.

"Sinong nagsabi niyan?" medyo nahihiyang reaksiyon ni Shamcey.

Tanong pa ni Vice: "Kung nasa harapan mo ngayon si Jericho Rosales, ano ang sasabihin mo sa kanya?"

Halatang nagulat ang beauty queen nang biglang lumabas si Jericho na may dalang bulaklak.

Nahihiyang napalakad palayo kina Vice at Jericho si Shamcey.

Tilian naman ang audience na halatang kinilig kina Shamcey at Jericho.

Nang maiabot ni Jericho ang bouquet at makahalik sa pisngi ni Shamcey, "May chemistry sila, ’no?" panunuksong muli ni Vice.

Nag-blush naman ang beauty queen at hindi nakapagsalita.

Sabi ni Vice, "Bakit ganun? Bakit ganun yung kinang ng mata mo, iba?"

Sagot ni Shamcey, "Nakakahiya, e!

"Hindi, kasi tanong ko sarili ko noon, makikita ko kaya siya in person?" pagwi-wish daw ni Shamcey kung mami-meet niya si Jericho nang personal noon.

"Parang impossible," patuloy ng beauty queen.

Tanong ulit ni Vice, "Ngayong nakita mo na si Jericho at nasa harap mo na siya ngayon, ano’ng nararamdaman mo?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot naman ni Shamcey, "Na, everything is possible."

Hiningan ng message ni Vice si Jericho para kay Shamcey.

"Well, congratulations. Of course, grabe, ang hirap nun, ha," sabi ng aktor, na ang tinutukoy ay ang pagkakapanalo ni Shamcey bilang 3rd runner-up sa Miss Universe.

Patuloy ni Jericho, "I’m very much honored na nandito ako ngayon, na i-surprise kita at nabigyan ka ng flowers.

"And I wish you well sa lahat ng mga responsibilities na gagampanan mo.

"And you made us proud. Maraming-maraming salamat.

"All the best! God bless you!"

Matatandaang noong September 25, sa ASAP Rocks, isa si Jericho sa naghandog ng awitin o nangharana kay Shamcey—kasama sina Sam Milby at Luis Manzano—bilang selebrasyon sa pag-uwi ng architect turned beauty queen ng karangalan sa bansa.

We wonder kung ano kaya ang naramdaman ni Shamcey habang kinakantahan siya ni Jericho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN