Gerald Anderson stalls lovelife to focus on "role of a lifetime"

Gerald Anderson plays a special child in the ABS-CBN primetime series Budoy, which will premiere tonight, October 10.


Nakakapanibago ang hitsura ni Gerald Anderson nang makaharap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon, October 9, sa studio kung saan umeere nang live ang The Buzz sa ABS-CBN.

Iba kasi ang hairstyle niya na siyang kinailangan nga para sa bagong seryeng pinagbibidahan niya, ang Budoy—malayo kung ikukumpara sa karaniwang clean cut na gupit ng kanyang buhok dati.

Matapos ang live interview niya sa show, nagmamadali na sanang palabas ng studio si Gerald. Pero naharang siya ng PEP para sa ilan pang katanungan.

Marami kasi sa mga nakapanood ng special screening ng Budoy ang pumupuri sa mahusay niyang pagganap sa kanyang role bilang isang special child.

"Siyempre, nakaka-proud," nangiting sabi ng binata nang hingan ng reaksiyon dito.

"Sobra talaga akong happy na nagustuhan nila.

"At wala pa ’yan. First week pa lang ’yan.

"Marami akong preparations na ginawa para sa role ko rito, especially mga research. Tapos immersion, mga workshops.

"Hindi lang ako kundi ’yong buong cast. Pati ’yong mga bata na kasama namin."

Mariin ding nasasabi ni Gerald na wala munang lovelife at sa kanyang career muna siya naka-focus ngayon. Pero talaga bang kaya niyang tiisin na wala muna siyang special someone?

"Talagang gusto ko lang muna pong mag-focus sa trabaho.

"Kumbaga, role of a lifetime nga itong Budoy, so gusto kong mag-concentrate dito," sagot niya.

Ano ang kadalasan niyang ginagawa sa mga pagkakataon na libre siya sa trabaho?

"Nagba-basketball ako kasama ko ’yong friends ko. Nanonood ako ng TV o ng sine. ’Yong mga gano’n.

"Kapag free time talaga, marami rin akong ginagawa para sa sarili ko," saad niya.

REUNION MOVIE WITH SARAH. Nakapagsimula nang mag-shooting si Gerald para sa pelikulang pinagtatambalan nilang muli ni Sarah Geronimo.

Una silang nagkasama sa Catch Me, I’m In Love na ipinalabas early this year.

How was it working again with the Pop Princess?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh, reunion! Siyempre, masaya.

"Mas nakilala ko na siya nang mas malalim. So, masaya.

"And marami pa kaming shooting days na pagsasamahan. So, marami pang mangyayari."

May tendency bang magkagustuhan din sila kagaya ng ibang nagiging magkatambal sa trabaho?

Nangiti ulit si Gerald.

Aniya, "E, siyempre, gano’n po talaga.

"Hindi po namin isinasara ’yong possibility.

"Kung mangyayari, mangyayari."

Pero nasaan na ’yong level ng magandang samahan nila ni Sarah sa puntong ito?

"Oh, friends!" sagot niya.

"Malalim na po ’yong mga pinag-uusapan namin. Mas marami na kaming mga pinag-uusapan."

Tungkol naman saan ’yong mga mas malalim at mas marami na nilang napag-uusapan ngayon?

"Secret!" natawang sabi na lang ng young actor.

"Sa amin na lang ’yon.

"Pero, alam mo ’yon? I’m just happy na nakasama ko siya ulit."

Hanggang gaano kaya katagal na wala siyang lovelife? Aabot ba ng Pasko?

"Tingnan natin," nakangiting sabi ni Gerald.

"Alam mo, kung single pa rin ako sa Pasko, hindi naman ako malungkot, e. Marami din naman akong kasama.

"At marami pang pwedeng mangyari."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN