Rich Asuncion admits phobia in love and relationships

Rich Asuncion will be part of the indie film Migrante, which tackles the problems of OFWs. Her co-stars in this Joel Lamangan film include Jodi Sta. Maria and Allen Dizon.


Noong Biyernes, October 7, ay ginanap ang story conference ng bagong indie film na Migrante sa isang bar sa Timog area, Quezon City.

Ang Migrante ay magpapakita ng hirap at pasakit na dinaraanan ng mga OFW para sa bansa. Ididirek ito ni Joel Lamangan, at bida sina Jodi Sta. Maria at Allen Dizon.

Kasama sa cast ang young actress na si Rich Asuncion.

Siya ang gaganap bilang Mila, ang pinsan ng karakter ni Jodi. Si Rich ay isang nursing graduate na ayaw pumunta abroad para magtrabaho samantalang si Jodi naman ay isang government employee.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rich matapos ang storycon.

"Nagge-guest ako sa Time of My Life. Hindi ako actually sumasayaw dun. Producer yung role ko," kuwento ni Rich tungkol sa kanyang ibang proyekto.

MATURE ROLES. Ayon kay Rich, kung papipiliin siya ay mas mature roles ang nais niyang gawin. At dahil kadalasan ay kontrabida roles ang binibigay sa kanya ng GMA-7, ito raw ang nais niyang pagtuunan sa ngayon.

"Siguro lahat naman ng artista, gusto mag-lead ’di ba? Isa yun sa mga goal ko.

"Pero now, bilang mga kontrabida ang binibigay nila sa akin, gusto ko talagang maging mahusay ako sa larangan ng pagiging kontrabida," saad niya.

Para kay Rich, hindi naman ibig sabihin ng mature roles ay sexy na ang image niya.

Noong nasa cast pa siya ng katatapos pa lamang na afternoon soap ng GMA-7 na Sisid ay nag-pose na si Rich para sa men’s magazine na FHM. Hanggang doon na lang daw muna iyon.

"Parang yun na yung ultimate na pagpa-sexy. Siguro ngayon, ang goal ko kasi mas more on growing as an actor," saad nito.

ERVIC VIJANDRE. At dahil focused siya sa career, hinay-hinay muna siya sa lovelife. Pinabulaanan ni Rich ang mga usap-usapan na nagkakamabutihan na sila ng reality-show contestant na si Ervic Vijandre.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ay, hindi kami! Wala, wala talaga."



Paano ba nagsimula ang usap-usapan?

"Nag-date talaga kami," sagot ni Rich.

"So medyo, matagal-tagal din. Hindi talaga siya magwo-work out as ano. Hindi na lang namin talaga in-attempt.

"Hindi na, naging magkaibigan na lang talaga kami, and nag-click lang. Okay naman kami."

Inamin din ni Rich na may iba pang dahilan ang pag-iwas niya sa relasyon, bukod sa focus sa career.

"Saka may phobia na rin ako. Pagka relationship kasi, diyan na lumalabas yung pressure, yung naaano ka, naga-guard ka," pahiwatig niya.

Saan ba nagsimula ang phobia na ito?

"Sa past relationships," sagot ng StarStruck alumna.

"Wala naman akong inamin na kung sino. Pero ’yun, ayoko lang na ma-stress. Nakaka-stress kasi kung may relationship, e."

Gusto raw ni Rich na may mas kontrol siya sa kanyang buhay, na ayon sa kanya ay hindi nagagawa ng may mga relasyon.

"Yung, pagka-may ginawa ka, iisipin mo pa kung okay sa kanya. Yung ganun.

"Yung hihingin mo pa yung permiso niya. Yung hindi mo hawak yung buhay mo, hindi mo hawak yung oras mo.

"Saka maraming bawal-bawal. Hindi mo ma-explore yung buhay mo.

"Pagka wala kang boyfriend o relasyon, mas marami kang makikilala."

ON HER TOURISM COURSE. Abalang-abala rin si Rich sa iba pang bagay bukod sa career, kaya iwas-boyfriend muna siya.

"Goal ko, e, makatapos ng pag-aaral, siyempre," saad niya.

Third year na si Rich sa UP Diliman, at BA Tourism ang course niya.

"Siyempre, nakaka-stress talaga mag-aral, lalo na dun [UP]. More than 10 papers, yung ganun.

"Tapos, naii-stress ka, so, paano pa isisingit yung mga ibang bagay?"

At dahil taga-UP si Rich, natanong rin siya kung may balak siyang sundan ang yapak ng schoolmate niyang si Shamcey Supsup, na 3rd runner-up sa nakaraang Miss Universe pageant.

Matatandaang sumali sa Binibing Pilipinas si Rich noong 2009, at nanalo siya bilang 1st runner-up.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Rich, hindi raw bagay sa kanya ang pagsali sa beauty pageants.

"Hindi, parang hindi para sa akin yung beauty queen. Kasi yung, kunwari, mag-question-and-answer portion, nara-rattle ako, e.

"Parang, hindi ko naiisip nung bata ako na mag-beauty queen.

"Actually, yung pagsali ko nga, ’di yun desisyon ko. Desisyon yun ng manager ko, ng GMA," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN