Gelli de Belen returns to TV5 after almost 18 years

Gelli de Belen on her first show on TV5 before and her return to the said network: "Six years old lang ako nun, so medyo okay lang. Okay lang naman, ’no. Pero, ang tagal na rin talagang hindi ako nakakalabas sa Channel 5. And I’m happy and excited to be back."


Magbabalik na sa kanyang dating "tahanan" si Gelli de Belen.

Noong 1994, matatandaang naging bahagi si Gellie ng sikat na sikat noong gag show ng ABC-5—ang Tropang Trumpo.

Tumakbo nang halos limang taon sa ere ang nasabing comedy show ng Singko.

Kasama noon ni Gelli sina Ogie Alcasid at Michael V, na pareho nang nasa GMA-7 hanggang ngayon.

Four years din ang inilagi ni Gelli sa show bago siya lumipat sa ABS-CBN para mapasama sa noontime musical-variety show na ’Sang Linggo nAPO Sila.

Kahapon, October 9, sa Paparazzi Showbiz Exposed, isang panayam ang pinaunlakan ni Gelli kasama ang isa sa mga host ng show na si Ruffa Guttierez.

Pagkatapos ng halos labingwalong taon, muling umapak si Gelli sa tahanan ng ngayo’y tinatawag nang Kapatid Network, o TV5.

Aniya, "Tropang Trumpo was 1993, ’94, ’95, I think. Yes, but I was only six [years old] then!" natatawang biro niya.

"Six years old lang ako nun, so medyo okay lang. Okay lang naman, ’no.

"Pero ang tagal na rin talagang hindi ako nakakalabas sa Channel 5. And I’m happy and excited to be back."

HER NEW SHOW. Ginanap ang panayam ng Paparazzi kay Gelli sa taping ng bago niyang show sa TV5, ang Gelli-cious, isang food magazine show na malapit nang ipalabas sa istasyon.

"Okay, we’re not going to be cooking. We’re not... we’re going to be tasting food from everywhere.

"So, yung mga interesado sa food, yung mga foodies, marami silang madi-discover na delicious," pahayag ni Gelli tungkol sa bago niyang show.

Daily raw ang show na ito at tiyak na maraming matututunan ang mga manonood sa paboritong paksa ng mga Pinoy—ang pagkain.

THE WIFE. Ipinahayag naman ni Ruffa ang kanyang paghanga sa actress-TV host dahil pinalaki nina Gelli at asawang si Ariel Rivera ang kanilang dalawang anak, sina Joaqui at Julio, na walang yaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ani Gelli, "We have helpers at home, pero they never touch the kids.

"Kasi, gusto ko, ako lang, e. Gusto ko, kami lang ni Ariel.

"It’s hard lang naman in the beginning talaga. Pero, nagiging lifestyle siya, e.

"Masasanay at masasanay ka, e. Ganon lang."

Parehong abala ang mag-asawa sa ngayon sa kani-kanilang mga career. Paano nila nagagampanan ang pangangalaga sa kanilang dalawang anak na lalake?

"Kasi naman, siyempre si Ariel, certain days of the week he works, and there are certain days of the week that I work.

"So, on the days that he works, I try to stay at home. Or, on the days that I work, siya naman ang kapalit ko.

"If in case talagang pareho kaming may trabaho, ’yan, papasok na ang mga lola.

"’Yan din ang plus side of not having a yaya, kasi ang nangyayari, since we as parents we also have lives na separate from our kids, maaga pa lang, tinuturuan ko silang maging independent," dagdag pang paliwanag ni Gelli.

FOLLOWING THEIR FOOTSTEPS? Nararamdaman na ba nilang mag-asawa na susunod sa yapak nila ang kanilang mga anak? Papasukin din kaya nila ang showbiz?

Ani Gelli, "Wala naman silang plano palagay ko. Parang wala, pero kung gusto nila, okay lang.

"Gusto ko lang sana muna na, you know, they finish first their school.

"Tapos, if they really want to go [sa showbiz], ’di sige, bahala kayo. Tapusin lang nila [pag-aaral nila]."

Nag-aaway rin kaya sila ng husband niyang si Ariel?

"You know what, we’ve been together [for] almost 20 years.

"So, more or less, siguro kilala ko na siya, at kilala na rin niya ako.

"So, bago pa man kami umabot sa puntong mag-aaway kami dahil sa nainis kami sa isa’t isa, ano na, hindi.

"One of us steps back, o parang understood, ’Ay, alam ko maaasar ka pag ginawa ko yan. Di ko na gagawin.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CIRCLE OF FRIENDS. Maraming magkakaibigan sa showbiz na minsan ay nagkakasiraan, o nagwawatak-watak.

Pero ang friendship nina Gelli, Ruffa, Carmina Villarroel, Candy Pangilinan, at Aiko Melendez ay sinubok na ng panahon, pero nananatiling matibay hanggang sa ngayon.

Paano nila nasu-sustain ang ganitong klaseng "bond."

"Oo, constant communication. Buti na lang nga, ’di ba may cell phone, text-text. May Facebook, may Twitter, lahat ’yan!

"’Yan ang means of communication namin. Kasi,we don’t get to see each other often," paliwanag niya.

At paano kaya ang bonding moments nilang magkakaibigan?

"Siyempre lots of food. Some drinks involved!" halakhak niya.

"Sometimes, yun. Tapos, puro kuwento. Mga apat, limang oras na kuwentuhan yun."

Pagdating naman daw sa intriga, palaging to the rescue si Gelli sa kanyang mga kaibigan.

At isa na nga rito ay ang pagbibigay advice niya raw lagi kay Aiko kapag may pinagdadaanan ito.

"’Tumahimik ka!’" sabay tawa ni Gelli.

"Yun ang sinasabi ko sa kanya. ’Wag ka nang magsalita!’

"Yung mga ganyan. At saka parang, kasi si Aiko, parang ikaw [Ruffa], reaksiyonada rin yun, e.

"Hindi ko naman ginagatungan yung kanyang init ng ulo.

"Kahit na nakakapang-init ng ulo yung nangyayari sa kanya, parang, ’Relax muna tayo. Relax, okay. Let’s look at the big picture, what’s going on.’ ’Yan!"

At pagdating naman sa kanilang mga buhay pag-ibig, sabi ni Gelli, "Usually, what I say is, ’Aba, e, kung ayaw, ’wag pilitin.’

"’Di ba, parang, ’Move on! If you’re not happy, ’di move on. Isa lang ang buhay natin.’"

Pagdating naman daw sa kanilang kaibigang si Carmina, wala naman daw silang masasabi pa.

Super happy naman daw sa kanyang buhay may-asawa at pati na rin sa kanyang career si Carmina.

Pero, may advice pa rin si Gelli sa kaibigan, "Just be joyful, iba yung happy, e.

"Happy, happy outside lang yun, e. Parang joyful, meaning sa loob. From within talaga yung happiness mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, yung mga ganyan. ’Just know what you want. Go for it!’"

Biniro naman ni Ruffa si Gelli na nasa Kapatid Network na rin ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi, baka raw gustong anyayahan ni Gelli si Carmina na lumipat na rin sa TV5.

"Carmina, you wanna join us?" sabay tawanan nila ni Ruffa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN