Joey Marquez has no plans of marrying again

"Nasa tahimik na ako. Mas tahimik nga yung ganito, e. ’Yan yung mga frustrations ko sa buhay na hindi ko na pwedeng gawin ngayon," says Joey Marquez when asked if he wants to get married again.


Nag-celebrate ng kanyang kaarawan ang comedian na si Joey Marquez noong Biyernes, October 7.

Sa nasabing selebrasyon, kasama ni Tsong (palayaw ni Joey) ang kanyang loyal friends and supporters mula sa Parañaque, kung saan siya nagsilbing vice mayor at mayor.

Noong Linggo, October 9, sa Paparazzi Showbiz Exposed ay nakapanayam naman si Joey ng kanyang ex-girlfriend na si Dolly Anne Carvajal.

Naging masaya ang usapan ng dalawa na nagsimula sa isang tour sa condo unit ni Joey.

Ipinasilip ni Joey kay Dolly at sa viewers ng Paparazzi ang kanyang condo unit sa may San Juan.

Ang nasabing unit daw ang nagsisilbing "halfway house" ni Joey kapag may mga trabaho siya sa TV, o showbiz appointment.

Very simple yet elegant ang nasabing condo ni Joey na may dalawang malalaking kuwarto.

Ang isang kuwarto ay ginawa na lang daw niyang music room dahil happily single naman daw si Tsong ngayon.

TALK TO ME! Pagkatapos ng tour, isang sit-down interview naman ang ginawa ni Dolly Anne kay Joey.

Una niyang tanong ay kung ano pa ang hindi alam ng publiko sa isang magaling na artista, dating pulitiko, at basketball player na gaya ni Joey.

Tugon ni Joey, "Ano, magaling [akong] magluto. ’Tsaka minsan, gumagawa ako ng sarili kong kanta."

Pagkatapos nito ay naggitara si Tsong at kumanta.

Kasunod na tanong ay ang tungkol sa pagiging lapitin nito sa mga babae.

"Correction, hindi naman. Nagiging friendly [lang] sa babae. We could never say no," paliwanag ng komedyante.

So, feeling niya habulin din siya talaga ng girls?

"Hindi rin naman habulin. Siguro, masama rin na itini-treat mo rin ang babae na parang princess, o parang queen.

"Siguro, nabibigyan ng ibang kahulugan. Siyempre, kapag ka gano’n, nagpa-kiss [ang isang babae], alangan namang tumalikod ako," pabirong sagot naman nito.

SETTLE DOWN AGAIN? Ngayon kaya sa estado niya ay balak pa rin niyang magpakasal kung sakali?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nasa tahimik na ako. Mas tahimik nga yung ganito, e.

"’Yan yung mga frustrations ko sa buhay na hindi ko na pwedeng gawin ngayon," sabi niya.

So, wala na sa bokabularyo niya ang pagpapakasal?

"Wala na," ang tanging sagot nito sabay tawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN