Martin Nievera wants son Robin to be his successor as Concert King

Martin Nievera says cracking jokes is just one of his ways to mask nervousness: "This is where I fooled you, because I’m very insecure, I’m very shy. My jokes, my sense of humor, or the lack of it, is because I’m nervous..."


Sa Paparazzi Showbiz Exposed ng TV5 noong Linggo, October 9, isang masayang Martin Nievera ang nagpaunlak ng panayam kay Mo Twister para sa segment niyang "Answer Mo."

Masaya ang naging balitaktakan ng dalawa na parehong Inglesero at mabilis magsalita.

Unang tanong ni Mo ang tungkol pagsasayaw niyang muli sa stage o TV.

Halos napagdaanan na kasi ni Martin lahat, pati na ang pag-arte sa pelikula, pero ang kanyang pagsayaw ay minsan lang nasulyapan ng publiko.

Pasakalye ng Concert King, "I don’t know, if I don’t see myself doing it, I don’t... I don’t wanna do it.

"Tried it with Gary V [Valenciano] when we were on tour. As soon as they scream, they start laughing.

"So it’s good to dance, and then right before the laughter comes in, dance off the stage.

"So, until I can do a dance step, it’s only like about eight bars, I won’t be doing one!" sabay na nagkatawanan sila ni Mo.

MARTIN AFTER POPS. Sumunod na topic ang mga "setback" sa career ni Martin noong nagkaroon ng samu’t saring isyu sa pagitan nila ng dating asawa na si Pops Fernandez.

Sabi ni Mo, "Do you think the fans treat you differently after everything that’s happened in your life?"

Sagot naman ni Martin, "Right after the setbacks, yes!

"I mean, even to this day, if you look at the cyberspace or the Internet, there’s a lot of people who still dislike me because of that whole chapter."

Naramdaman na kaya niya ngayon na parang napatawad na siya ng kanilang mga tagahanga?

Tugon ni Martin, "I’d like to think people have moved on just as I have attempted to, again.

"But there’s always an exception to the rule, there’s always, meron yung iba na talagang ayaw na ayaw sa akin or nag-move on din sila sa ibang artist."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gusto pa ba niyang magkaanak ng isang babae?

Aniya, "We always wanted a daughter, we always got a son.

"I mean, I’m talking about... with my marriage to Pops."

MARTIN, OFF-CAM. Sa telebisyon, maingay, madaldal, at mahilig magbiro si Martin.

Pero paraan lang daw niya iyon para maitago ang kanyang nerbiyos.

Sagot niya sa Juicy and Paparazzi host, "This is where I fooled you, Mo, because I’m very insecure, I’m very shy.

"My jokes, my sense of humor, or the lack of it, is because I’m nervous.

"Or because I don’t know the dance step or I didn’t memorize the song, so you’ll see me adlib to death at my most insecure time.

"Yung trying to avoid that moment of... of stress by making jokes and going around it."

Hirit na tanong pa ng DJ kung nakagising ba na "happy" si Martin. Pero ang sagot naman ni Martin ay tungkol sa pagtulog.

Ang sabi ng balladeer, "I do... Actually, I do. When I wake up in the morning it’s... it’s anxious.

"I’m always anxious now because, what am I gonna do, where am I gonna do it, how am I gonna do it?

"Is this gonna take me the next level? Is it gonna bring me down? Will I make it to this thing, will I, will the crowd be full, will the crowd be great?

"So, there’s always some sort of expectation and that’s usually why I can’t sleep. I’m not a good sleeper."

Ano naman kaya ang mga pinagkakabalahan ng Concert King sa kanyang mga bakanteng oras?

"I love to re-decorate my house or other friends’ houses. That’s my hobby, that’s my way of relaxing, organizing furniture, re-arranging it, buying a new bed, changing the beddings, it sounds almost gay, but it’s..." sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nasa bahay lang daw siya kapag walang trabaho.

"Oo, that’s what I... I long for that. Hinahanap ko talaga yung peace and quiet tapos yung moments where I can just listen to music."

Ang sumunod namang tanong ay kung ano bang klase ng kanta ang makakapag-describe sa kanyang buhay sa ngayon.

"A, that’s so hard because there’s so many songs to describe where I am now.

"I mean like, I’m in the meantime.

"I like this, whatever there’s a song for the meantime, that’s where I am."

29 YEARS AND STILL COUNTING. Sa loob ng halos tatlumpong dekada sa industriya, nakagawa na ng halos 36 albums si Martin, 11 movies, at di na rin mabilang na mga awards.

Kung bibigyan siya ng pagkakataong magsulat, ano kayang "headline" ang feeling niya ay "ideal" para sa isang Martin Nievera?

"Martin Nievera here to stay. Here to stay.

"I mean, that’s the biggest fear of every singer especially now, after 29 years, tomorrow may be another day, there’s a new singer, there’s a better-looking host, you know."

Pero kung meron mang magmamana ng kanyang Concert King title, sino kaya?

Sa unang pagkakataon, nagbanggit siya ng pangalan.

"I never had an answer to that before but I do now—and it’s my son.

"Because I see Robin as a newly reinvented me.

"’Coz you know why? ’Coz he’s everything I’m not.

"And I think that’s what makes it so endearing to watch.

"I mean... I go, who’s his parents?

"He’s nothing like Pops, although he has some facial expressions like her.

"He’s nothing like his father, although he has some tones like I do.

"But his whole style, his whole attack of music, he’s trying so hard to be an original.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Although that’s what I strive for all my life, but originality today means a whole world different things as it did back when I started.

"So, I would love my successor to be my son, Robin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN