Rufa Mae Quinto defends Pia Guanio’s decision to have a "private wedding"

Rufa Mae Quinto on why her wedding didn’t push through: "Hindi naman sa hindi natuloy. Hindi naman madaling magpakasal, e. Lalo na ’yong nangyari sa akin, namatayan ako, nagka-cancer ang mommy [Lola Lucing], so naka-focus ako sa kanya, e. Tapos may babayaran kang malaking-malaking bill, so I have to work, ’di ba? Tapos, may mga magulang ka din na siyempre, paghahandaan mo din, ’di ba, magkasakit siya o emergency sa family. Siye


Nagsisimula nang bumangon muli ang comedienne na si Rufa Mae Quinto matapos pumanaw ng kanyang Lola Lucing noong nakaraang Agosto sa sakit na colon cancer. (CLICK HERE for related article.)

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press si Rufa Mae kagabi, Oktubre 10, sa set visit ng Bubble Gang sa Studio 6 ng GMA Network.

Sinabi niya na ngayon ay unti-unti na niyang kinakalimutan ang sakit na kanyang nararamdaman sa pagpanaw ng kaniyang lola, at nagpo-focus na lang siya sa pag-aalaga sa kanyang sarili.

"Parang ngayon, ’yung after ng forty days, didiskarte ka na ng sarili mo, e, so para kang medyo nakahinga.

"Siyempre, natanggap mo na.

So, parang gusto mo asikasuhin yung sarili mo din dahil ang tagal mong kinalimutan ’yon, dahil nga hindi mo na maisip ang sarili mo, dahil nga may mahal ka sa buhay na naghihingalo, e.

"Kaya ngayon, yung time ko na I love myself.

"Kasi, parang ang heavy, tapos gusto mo naman tama na yung heaviness.

"So, mas in love ako sa sarili ko," saad niya.

PIA’S WEDDING. Madami ang nagulat sa naging rebelasyon ng TV host na si Pia Guanio, matapos niyang aminin noong Linggo, October 9, sa Showbiz Central, na siya’y ikinasal na sa businessman na si Steve Mago. (CLICK HERE for related article.)

Naging pribado ang naturang wedding, na nilimitahan ng newlyweds sa kanilang mga kapamilya.

Isa si Rufa Mae Quinto sa mga kaibigan at kasamahan sa trabaho ni Pia na hindi naimbitahan sa naturang kasal.

Ano ang reaksiyon dito ni Rufa Mae?

"I respect her," bulalas niya.

"Siguro ano, gusto nila family to family lang.

"Actually, alam mo, bago siya ikasal, hindi kami nag-abot kasi two Sundays akong wala sa Showbiz Central.

"Tapos, nang bumalik ako, siya naman ang wala.

"’Yon na pala, nagpakasal na pala."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, "She never lied to me naman na she’s engaged, alam mo ’yon?

"She’s vocal naman sa akin, si Pia, pag may chance kami na tsumika-chika alam mo ’yon, chikahan?

"Pero, hindi ko naman ugaling magtanong nang magtanong kasi baka mamaya, mag-leak or something, hindi mo masabi.

"So, mas mabuting lagi na lang akong... wala na lang akong alam para kahit na tanungin ako, hindi ako makakapagkuwento kasi wala talaga akong... hindi ko na inalam."

Dinipensahan din ni Rufa si Pia sa desisyon nitong ilihim ang pagpapakasal nito.

"May wedding naman for everybody, supposedly nga sa Europe.

"So, I think, plano niya, e, magkaro’n ng wedding na malaki for sure.

"Pero, parang sa kanila kung may civil, sa kanila parang gano’n, e. Feeling ko lang.

"’Tsaka, respeto ’yon, e.

"Kasi, kung hindi ka invited, hindi naman sa hindi ka invited, na-explain naman niya na gusto nila sila-sila lang.

"Nangyari naman yung gusto niya, kaya masaya kami para sa kanya."

WEDDING NEXT YEAR? Samantala, hindi naiwasan na tanungin din si Rufa Mae tungkol sa kanyang naantalang pagpapakasal.

Pero paglilinaw niya, "Hindi naman sa hindi natuloy. Hindi naman madaling magpakasal, e.

"Lalo na yung nangyari sa akin, namatayan ako, nagka-cancer ang mommy [Lola Lucing], so naka-focus ako sa kanya, e.

"Tapos, may babayaran kang malaking-malaking bill, so I have to work, ’di ba?

"Tapos, may mga magulang ka din na siyempre paghahandaan mo din, ’di ba, magkasakit siya, o emergency sa family.

"Siyempre, kailangan marami kang ipon, e, yung mga ganong bagay.

"So, ’yon ang dahilan din kung bakit deadma din muna yung ano, wedding this year."

Dagdag pa niya, hindi naman daw sila nagmamadaling magpakasal ng kanyang non-showbiz boyfriend—na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya isinisiwalat ang tunay na katauhan.

Pero, gusto daw sana niya’y maikasal sila sa susunod na taon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ayaw ko naman kasi na porket may ikakasal lang, ’di ba, sasabay ka na, e, ’di ba?

"I want it to happen na... gano’n din ang gagawin ko, surprise.

"By next year sana, I’m hoping next year, gusto ko na.

"Ako naman, e, ako naman ang mamimili, e.

"Kasi, siyempre, ako ’to, e. Ayaw ko naman mapuwersa dahil lang kailangan, dahil sa sinabi ko na, alam mo ’yon?

"Kailangan dahil nagkahiyaan na, ayoko ng gano’n."

Bukod pa dito, may ilang bagay ring ikinukunsidera si Rufa Mae bago siya magdesisyong magpakasal.

"Hindi naman madali na may makasama sa buhay araw-araw, lalo na hindi ka sanay," pahayag niya.

"So, parang iniisip ko, okey na ba sa akin may kasama ako beinte-kuwatro oras? I mean, no offense, may mga gano’n tao.

"Kasi, gusto ko ’yong sure na sure talaga ako, e, yung ready.

"Hindi lang ready sa financially, everything, yung may makasama ka beinte-kuwatro oras. Alam mo yung gano’n?

"Na-imagine ko lang ’to, ha, parang sanay ka na lahat ng gamit sa bahay mo sa ’yo lang.

"E, ito siyempre, pag nag-asawa ka, join-join na kayo, e.

"’Yon ang hindi ko alam... Ewan ko, kakayanin ko pa lang, ta-try.

"Pero, unti-unti ko nang pine-prepare yung sarili ko, dahan-dahan na masanay na may makasama.

"Kaya magaganap ’yon, hindi ko pa lang binibigyan ng takdang date."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN