Sharon Cuneta continues diet and workout for new movie; bares new management team

Sharon Cuneta on why she needs to lose weight: "Nakakahiya naman kung pag-uwi [ko], e, lumobo ako, dahil nag-France ako. So, sabi ko, dapat talaga, dahan-dahan. Pag-uwing pag-uwi ko talaga, I went straight back on diet and I just keep dropping the pounds. Tuluy-tuloy lang, because I’m going to do a movie soon."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-showbiz media si Sharon Cuneta noong Sabado ng gabi, October 8, sa Yñares Stadium and Fair Grounds, Pasig City, matapos ang grand finals ng The Biggest Loser Pinoy Edition ng ABS-CBN.

Sharon was happy with the result of the competition and felt that the winner, Larry Martin, deserved to win the title of the very first Pinoy Biggest Loser, after losing 101 lbs. (39.61%) sa buong duration ng competition.

"Nakita n’yo po na talagang pinaghirapan ng winner ang contest," sabi ni Sharon.

"I knew na, of course, lahat sila, gustong manalo. I felt na yung lima deserving, kahit sino doon.

"But Larry, in particular, from day one talaga, kahit yung mga kasama niya, kahit before the elimination, ang sinasabi talaga, tulog na yung iba, nagwu-workout pa siya.

"At yung sinasabi niya, sobrang nakadagdag ng inspirasyon [sa akin].

"Hindi lang yung katawan niya at kagustuhan niyang makabalik sa police force yung naibalik namin sa kanya, kundi yung tiwala at dangal niya sa sarili niya.

"It hit me talaga straight here in my heart.

"He is really so deserving of the title, the very first Pinoy Biggest Loser."

SHARON’S OWN WORKOUT. "I’m going on, yeah. Tuluy-tuloy lang. As often as possible," sabi naman ni Sharon tungkol sa sarili niyang pagwu-workout.

"Pero it’s really also keeping your calories in check.

"Nung nag-Europe kami, may times na kakain ako, may times na talagang tigil ako. May times na limited lang.

"Kasi, I didn’t want to come... nung umuwi ako, October 4, e, ang grand finals ng Biggest Loser, October 8!

"Nakakahiya naman kung pag-uwi [ko], e, lumobo ako, dahil nag-France ako.

"So, sabi ko, dapat talaga, dahan-dahan.

"Pag-uwing pag-uwi ko talaga, I went straight back on diet and I just keep dropping the pounds.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tuluy-tuloy lang, because I’m going to do a movie soon."

NEW MOVIE. Binanggit din ni Sharon sa interview ng PEP ang tungkol sa gagawin niyang pelikula.

"Star Cinema [movie]. It’s about a girl, working in a call center, pero it’s a family movie, e.

"So, hindi siya love story pa."

Ang bagong movie ay idi-direk ni Lauren Dyogi, na direktor din niya sa Biggest Loser.

Wala pa raw matukoy kung magkakaroon ng love interest ang Megastar sa nasabing movie.

"Parang may... parang surprise pa, sa end lang [ng kuwento].

"Hindi siya talagang major part. I think, ha. It’s really a family story.

"It’s about a girl na makakahanap ng ibang pamilya pa, sa call center, gano’n.

"Maganda siya. Exciting. Kasi makikita ko yung mundong [call center] ’yon.

"So, we’re gonna start shooting this month.

"So, for next year na [ang release ng movie]. Hopefully, Valentine’s Day."

TRANSFER TO TV5. Inusisa rin uli ng PEP kay Sharon ang napabalitang paglipat niya raw ng TV station. Usap-usapan pa rin ngayon na sa TV5 siya lilipat.

Nasa Europe si Sharon nang maiulat ang balita.

As of last Saturday, October 8, wala pang kumpirmasyon, pero ang usap-usapan ay may kaugnayan sa panibagong management team, o pagbabalik ni Sharon sa dating manager at movie outfit.

Ayon kay Sharon, Sandra Chavez and Vic del Rosario of Viva Entertainment Productions are now co-managing her.

"For the first time, in so many years, Boss Vic is co-managing me," sabi ni Sharon.

"Going home, ’di ba? Working again with Viva.

"I’m not really leaving anyone behind, not leaving Star Cinema behind.

"Pero, to be honest with you, I have yet to meet with Boss Vic.

"So, I have not committed to anybody, ABS, or any other channel.

"So, to be honest with you, I think I owe it to myself to hear other people... what Boss Vic has to say. And then decide later on.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Para naman yung decision mo, informed ka, ’di ba?

"So, I just pray for that. I pray for that," huling sambit ni Sharon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN