Isabel Oli readies herself for whatever may happen to her comatose dad

Isabel on her dad who is in coma for two months now: "Yes, we are praying for a miracle. Gusto namin na madugtungan pa ang buhay ni Dad kung pagbibigyan kami ni Lord. Pero kung gusto ni Lord na kunin na si Dad, wala na kaming magagawa. Masakit pero kailangan tanggapin namin iyon."


Hindi makikita sa mukha ni Isabel Oli ang stress at ang matinding pag-aalala. Ayaw kasing ipahalata ng aktres na dumadaan sa isang matinding krisis ang kanyang pamilya.

Dalawang buwan nang comatose ang 74-year-old dad ni Isabel na si George Daytia dahil sa malubhang sakit nito.

Ayon kay Isabel, hindi nila alam kung kailan magigising ang kanyang ama, o baka hindi na raw ito gumising pa.

Pero hindi raw sila tumitigil sa pagdarasal at sa paghingi ng milagro.

CEREBRAL DEGENERATION. Apat na taon nang may sakit ang ama ni Isabel. Na-diagnose ito na may "cerebral degeneration."

Tanggap na ng pamilya ni Isabel na walang gamot para sa sakit ng kanyang ama.

Ayon sa website na www.steadyhealth.com: "Cerebral Degeneration is a disease process in which neurons in the cerebellum deteriorate and die. Cerebellar degeneration is most often the result of inherited genetic mutations that alter the normal production of specific proteins that are necessary for the survival of neurons. This cerebral degeneration is also manifested by somewhat greater neuropsychiatric features than Alzheimer’s with more prominent hallucinations. Diseases that cause cerebellar degeneration can also involve areas of the brain that connect the cerebellum to the spinal cord."

Naikuwento ni Isabel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), during her signing contract for Viva Artists Agency (VAA) last October 7 sa Viva Entertainment Office, na handa na ang kanyang pamilya sa anumang pwedeng mangyari sa kanyang ama.

Aniya, "I try not to be affected lalo na kapag may work ako.

"Nagpapasalamat nga ako sa Viva Artists Agency at sa bago kong manager na si Tita Becky [Aguila] dahil sila na ang hahawak sa career ko.

"But I am also grateful sa GMA-7 because even if I am no longer with GMA Artist Center, they still offered me a network contract kaya may mga shows pa akong gagawin sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every Sunday, I host Party Pilipinas, at nasa cast din ako ng Daldalita with Jillian Ward."

Sabi pa ni Isabel, labas-pasok ang kanyang ama sa ospital noon, pero ngayon ay sa bahay na lang daw nila ito inaalagaan.

"Hindi basta-basta ang ginastos namin for my dad for the past years."

"Noong nasa ospital siya, lagi siyang nasa intensive care unit. Ngayon, sa house na lang siya and we hired a nurse na nag-aasikaso sa kanya.

"So, I am thankful sa mga trabaho ko ngayon at sa mga trabahong darating pa.

"Malaki ang tulong nito sa amin financially."

READY FOR WHAT MAY HAPPEN. Masakit man isipin, pero kailangan daw maging handa na si Isabel sa anumang pwedeng mangyari sa kanyang ama.

"Emotionally and spiritually, handa na ako. Pati na ang buong family ko, handa na rin.

"We have to be ready dahil alam namin na darating din sa ganito ang lahat.

"We could only pray that things would be better.

"Kinakausap pa rin naman namin si Dad.

"Naikuwento ko nga sa kanya na pipirma ako ng kontrata sa Viva at magkakasunod ang work ko.

"Masaya ako pag ikinukuwento ’yon sa kanya.

"Yes, we are praying for a miracle. Gusto namin na madugtungan pa ang buhay ni Dad kung pagbibigyan kami ni Lord.

"Pero kung gusto ni Lord na kunin na si Dad, wala na kaming magagawa.

"Masakit pero kailangan tanggapin namin iyon."

GAB VALENCIANO. Kasama ni Isabel ang kanyang boyfriend na si Gab Valenciano sa pagdarasal para sa kanyang ama.

Naging malaking tulong daw si Gab sa kanya dahil ito ang nagturo sa kanya na maging handa sa anumang pwedeng mangyari.

"I like to thank Gab for being there with me and my family. Isa siya sa mga umaalalay sa aming lahat.

"Pati ang buong family niya, they are helping us to be ready for whatever will happen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Gab din ang nagsabi sa akin na huwag akong panghinaan ng loob. I need to be strong for my family.

"Kaya heto, kahit na may problem sa amin, nagagawa ko pa ring ngumiti at harapin ang mga trabaho ko.

"I know that my dad would rather see me happy and working kesa sa maging malungkot ako," saad ni Isabel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN