Melissa Ricks willing to go daring but says no to breast exposure

Melissa Ricks on how far can she go sexy with her projects:"Basta sa ikagaganda ng kuwento [gagawin ko]. Kung bed scene, kung kailangan sa kuwento at depende kung paano gagawin yung bed scene.

"Breast exposure? No, hindi naman tayo nagse-sexy star. Hindi naman sexy star ang peg natin. I don’t think papayagan ako ng parents ko. Hanggang Elisa peg muna ako."


Bukas sa showbiz na hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Melissa Ricks at Jake Cuenca.

Hindi itinago ni Melissa na nasaktan siya at talagang dinamdam nito ang break-up nila ni Jake.

Naging vocal din ang Kapamilya actress na hindi pa siya handa para maging kaibigan at makatrabaho ang ex-boyfriend.

HAPPIER NOW. Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Melissa sa ASAP Rocks noong Linggo, October 9, ipinahayag ng aktres na mas okay na siya ngayon.

"A lot better compared to a couple of months ago. Ang masasabi ko ngayon, mas nag-e-enjoy ako sa buhay ko.

"Mas lumalabas ako with friends. Mas marami akong natutunan na hindi ko alam dati kasi close ako sa isang bagay lang.

"Now, mas marami akong nabe-venture na mga bagay. Marami na akong nakikilalang mga kaibigan, and I’m happy.

"Siguro, yung mga bagay na ganyan, nangyayari sa buhay natin to show us and appreciate things more. Kailangang pagdaanan mo talaga.

"Siguro, hindi lang one heartbreak, maybe there’s more [to come], pero at least napatibay ako."

NOT YET JAKE! Napatunayan din daw ni Melissa sa nangyari na malaking tulong ang lumayo muna sa taong nakasakit at mapaligiran ng mga taong tunay na nagmamahal sa kanya gaya ng kanyang mga kaibigan.

Aniya, "It’s a good factor na lumayo muna ako para maka-get over.

"Sobrang glad ako na nandiyan ang mga friends ko. Kasi kung wala sila, ’di ko alam kung ano’ng nangyari sa akin.

"Mas naramdaman ko na mahal ako ng mga kaibigan ko.

"Now, I go out more. Hindi naman sa gimik, chill-chill lang. Hang out.

"I go to my friend’s house. Naglalaro kami ng board games.

"Basta, it’s more me having fun. Basta lahat for me now.

"Naramdaman ko na parang matanda na ako, [and] I must be responsible of my actions."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naging pahayag ni Jake, na hindi nawala ang respeto niya kay Melissa, ayaw magbigay ng komento ng Nasaan Ka Elisa star.

"Wala akong masasabi. Hindi ako magre-react.

"Kung ano ang sasabihin niya, ’yun na lang.

"To be friends again? Sa ngayon, hindi," saad niya.

READY TO ENTERTAIN SUITORS? Bukas na ba si Melissa para tumanggap ng manliligaw uli ngayon?

"Sabi ko noon, hindi... I won’t entertain [suitors].

"Pero ngayon, na-realize ko, dapat i-enjoy ko yung life ko.

"Kung may dumating na tao na I think is right for me, na talagang magpapakita ng maganda sa akin, na malinis naman ang intensyon niya, why not?

"Pero ngayon, wala pa naman.

"Saka siguro, kung magku-commit ako, kailangang magsikap muna yung tao nang bonggang-bongga bago ako umoo.

"Siguro, I would prefer non-showbiz [guys] para hindi nauungkat yung buhay ninyo. Yung nai-issue [intriga].

"Kasi right now, six months na [since breakup] and yun pa rin yung issue ’di

ba?

"Sabi ko nga, ako, I’m moving on. Sana everyone else will move on na rin.

"Paulit-ulit na lang. Pag tuloy nakakarinig ako ng music tapos dim light, napapaiyak tuloy ako.

"So sana, tama na. Dapat happy na lang."

LIMITED APPEARANCES? Busy ngayon si Melissa sa pagte-taping ng Nasaan Ka Elisa.

Sa kabila ng patuloy na pagtangkilik ng marami sa kanilang palabas, may mga nagsasabing hindi raw nila nila masakyan ang maselan at sensitibong tema ng nasabing serye.

Ayon naman kay Melissa, "Natutuwa ako at masaya ako na ang taas ng ratings namin.

"And I’m very thankful na nagugustuhan ng mga tao ang kuwento kahit medyo risqué siya. Iba yung klase ng istorya.

"Kasi siyempre, may ganitong kuwento na ipinalabas sa atin na, ’yun nga, medyo sensitive kasi [ang tema].

"Medyo nagkakapalitan ng asawa, o nagkakagustuhan ang magpipinsan.

"It’s not normal, pero it’s only a show. It’s only to entertain.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero siyempre, hindi natin mapi-please lahat ng tao.

"Pero dun sa mga nagkakagusto, very thankful kami na nagugustuhan nila yung pinaghirapan namin.

"To be honest, hindi ko napanood nang buo yung original. I just watched some parts sa YouTube.

"Mayroong mga binago dahil siyempre iba ang culture natin. Pinasok natin yung culture ng mga Filipino dun sa kuwento. Like [nag-center] more on family.

"Pero kahit may touch ng culture natin, we have to stick to the original story kaya very minimal lang yung binago."

Si Melissa ang pinakabida sa nasabing serye, pero marami ang nakukulangan sa exposure ng young actress sa palabas.

Aniya naman, "At least hinahanap-hanap nila ako. Nami-miss nila ako. Gusto nila akong makita.

"In the original story, ganun talaga, e. Ganun talaga ang kuwento. Hinahanap nila ako.

"Hindi naman puwede na nandun ako all the time.

"And the good thing, at least lahat ng eksena, ako ang pinag-uusapan nila. Ako ang hinahanap nila.

"Kahit hindi ako nakikita araw-araw, very crucial ang role ko.

"Ang hirap ng mga pinagagawa sa akin, lalo na later on in the weeks coming.

"Very difficult siya and very challenging.

"I would say na this is one of the good roles na ibinigay sa akin ng ABS-CBN."

Simula na ba ito ng pagiging daring talaga niya?

"Sabi ko naman, kung maganda yung kuwento and tina-trust ako ng ABS to do the role, why not, ’di ba?

"Basta sa ikagaganda ng kuwento [gagawin ko].

"Kung bed scene, kung kailangan sa kuwento at depende kung paano gagawin yung bed scene.

"Breast exposure? No, hindi naman tayo nagse-sexy star. Hindi naman sexy star ang peg natin.

"I don’t think papayagan ako ng parents ko. Hanggang Elisa peg muna ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN