Zoren Legaspi admits feeling guilty about his "revelations" on Paparazzi

Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg">

Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg">

Zoren Legaspi on hosting a showbiz talk show: "Nag-e-enjoy ako, pero afterwards, kunwari meron akong slip of the tongue na nangyari, nag-iisip ako kung magagalit ba sa akin yung tao na yun."


Excited na si Zoren Legaspi sa muli niyang pagsabak sa paggawa ng primetime teleserye.

This time ay sa TV5 siya nagte-taping para sa Glamorosa, na nakatakdang mapanood sa Nobyembre kapalit ng Sa Ngalan ng Ina, ang mini-series ni Nora Aunor.

Sa GMA-7 pa huling gumawa ng teleserye si Zoren, ang panghapong soap na Nita Negrita, na nagtapos noong Hunyo 2011. Nakalabas din siya sa Machete bilang ama ng bidang si Aljur Abrenica.

Bukod sa Glamorosa, napapanood din si Zoren sa showbiz talk show ng TV5, ang Paparazzi Showbiz Exposed.

Ibig sabihin ba nito ay tuluy-tuloy na ang pagtatrabaho niya sa Kapatid network?

"So far, nandito kasi yung magagandang opportunities, e. Not the deal, ha. Mas tinitingnan ko yung opportunity, e," sabi ni Zoren.

Paglilinaw pa niya, per-project basis daw kasi siya sa TV5.

"Hindi kasi ako nagpapatali, e. Pero okay lang din magpatali kung talagang maganda yung opportunity.

"Pero parang nasanay na ako na hindi ako natatali."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zoren sa first taping day ng Glamorosa kahapon, October 11, sa location nila sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

WORKING WITH LORNA AND ALICE. Ang ikinaka-proud pa ni Zoren sa Glamorosa ay ang pagkakataong makatrabaho ang magagaling na artistang sina Alice Dixson at ang bagong Kapatid na si Lorna Tolentino.

Ani Zoren, "Katulad niyan, dito ko lang mae-experience na maka-partner si Lorna Tolentino and si Alice Dixson.

"Sa ibang channel naman, hindi. Umiikot lang ako kina Sheryl Cruz, Ruffa Gutierrez, Carmina [Villarroel, his partner], Aiko [Melendez], Gelli [de Belen], Lotlot [de Leon], yung mga ganun.

"Ngayon lang ako lumabas dun sa circle na yun."

Kumusta naman katrabaho si Lorna?

"Accommodating si Lorna," sabi ni Zoren.

"Hindi siya mahirap katrabaho dahil marami siyang kuwento na interesado akong pakinggan.

"First time kong makatrabaho si LT, kaya it’s really something new sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How about si Alice?

"Si Alice ganun din nu’ng nagkasama kami sa pictorial.

"Ngayon pa lang kasi kami mag-start ng mga eksena namin, kasi ito nga yung first day namin.

"Kami naman ni Alice, madalas din kaming nagkikita. Pero batian lang, ganun.

"Ngayon lang kami nai-pair, e."

PLAYING A SANGGANO. Ginagampanan ni Zoren sa Glamorosa ang role ni Karl Marciano, na may pagka-sanggano at siga raw ang dating. Madalas daw siyang mapaaway at makipagbugbugan.

Kaya naman nang kausapin siya ng PEP at iba pang press ay may make-up na pasa pa siya sa mukha.

"Ako si Karl na laking mahirap. Siga ako dito, e.

"May ampun-ampunan akong mga bata kaya ako nagnanakaw para mapakain ko sila. Parang may pagka-Robin Hood type siya."

Sa istorya, mapapagitna si Zoren kina Alice at Lorna.

"Si Alice yung girlfriend ko dito.

"Dumating sa puntong gustong yumaman ni Alice. So, parang gusto niya akong i-set up kay Lorna.

"Si LT, anak-mayaman talaga, anak ng doktora. Hanggang sa kailangan kong mapaibig si Lorna para yung kayamanan niya, makuha ni Alice.

"So, ikinasal nga ako kay LT.

"Mahal na mahal ko si Alice kaya parang naging sunud-sunuran ako sa kanya.

"Pero later on, mai-in love ako kay Lorna dahil nakita ko na mabait siya.

"Personal ang galit ni Alice kay Lorna pero hindi ko na pwedeng sabihin kung ano, kasi sobrang give away na yung story pag sinabi ko.

"So, ganun tatakbo yung story," paglalahad ni Zoren.

Kasama rin sa cast ng Glamorosa sina Tonton Gutierrez, Ronaldo Valdez, Lotlot de Leon, Ritz Azul, Martin Escudero, Victor Silayan, Meg Imperial, Jenny Miller, at Celeste Legaspi.

Sa direksiyon ito ni Eric Quizon.

IS HE A TSISMOSO? Bukod sa pag-arte, ine-enjoy rin ni Zoren ang pagiging showbiz talk show host.

Pero hindi ba siya apektado pag sinasabihan siyang tsismoso dahil na rin sa kadalasang revelations niya sa Paparazzi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"For a guy, offending yun," sabi niya.

"Kasi pag ang lalaki sinabihang tsismoso, parang hindi maganda.

"So, ako, mahirap kasi yung nasa thin line ka lang ng nagnu-news ka lang ng showbiz news at saka dun sa spreading the rumors.

"Nasa thin line yun, e, so mahirap talagang itawid yun.

"So, ako, kung meron man akong ibabalitang news, kailangan, I guess, yung alam ko talagang totoo.

"Mahirap magbalita ng hindi totoo."

Bagamat ine-enjoy niya ang pagho-host sa Paparazzi, aminado si Zoren na minsan parang may guilt feeling on his part.

"Nag-e-enjoy ako, pero afterwards, kunwari meron akong slip of the tongue na nangyari, nag-iisip ako kung magagalit ba sa akin yung tao na yun."

Hindi ba niya sinusubukan na maging maingat sa kanyang revelations?

"Careful naman ako bago mag-roll, bago umere yung show.

"Pero pag roll na, minsan nakakalimot ako, e.

"Parang nasa ano lang kasi, e... alam mo ang artista pag nasanay na sa TV, akala namin casual lang na you can say whatever you want. Kasi sanay na sanay ka na sa TV, e, sa camera.

"Hindi mo alam may obligasyon kang dala-dala talaga."

Nararamdaman ba niya na may mga artistang umiiwas na sa kanya, sa takot na maibalita niya sa Paparazzi?

"Wala naman," sagot ni Zoren.

"So far, lahat sila, yung mga nakakasalubong kong mga artista, ang comment lang nila ay natutuwa sila sa akin doon. Wala namang nagagalit."

Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg">


Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg"> Paparazzi" data-url="https://www.pep.ph/news/31455/zoren-legaspi-admits-feeling-guilty-about-his-revelations-on-paparazzi" data-desc="Zoren gets a new experience by being paired with Lorna Tolentino and Alice Dixson in new TV5 drama series." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/d981dc903.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN