Lorna Tolentino reveals son Rap Fernandez will soon become a father

"Meron namang Aga Muhlach, ’di ba, Piolo Pascual, and the rest. Hindi naman natin itinatago ’yon," pag-amin ng aktres na si Lorna Tolentino sa balitang magkakaroon na ng anak ang panganay niyang si Rap Fernandez.



Hindi ikinaila ng aktres na si Lorna Tolentino ang balitang magkakaroon na siya ng apo sa kanyang panganay na anak na si Rap Fernandez.

"Meron namang Aga Muhlach, ’di ba, Piolo Pascual and the rest. Hindi naman natin itinatago ’yon," pahayag ni Lorna sa isang panayam nang bisitahin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media ang set ng bago niyang teleserye sa TV5, ang Glamorosa, sa Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City, kahapon, Oktubre 11.

Nasabi na rin daw nila ito sa ABS-CBN nang pumirma ng kontrata si Rap sa Kapamilya network bilang kabahagi ng talent arm nitong Star Magic.

Matatandaan na pormal na naging Star Magic talent si Rap at ang nakababata niyang kapatid na si Renz ngayong taon lamang.

Sabi pa ni Lorna, "Alam ng ABS-CBN when we signed up. Alam ng Star Magic.

"Alam ni Mr. M [Johnny Manahan, Star Magic head] and Ms. Mariole [Alberto]. Okay naman [sa kanila]."

Inaasahan daw na manganganak ang non-showbiz girlfriend ni Rap sa susunod na buwan, at sabik na raw si Lorna na maging lola.

Dagdag pa ng aktres, babae ang kanyang magiging apo at papangalanang Lyla Victoria.

Ang Lyla ay hango sa pangalan ng girlfriend of four years ni Rap; samantalang ang Victoria ay hango sa tunay na pangalan ni Lorna—Victoria Lorna Aluquin-Fernandez.

RAP BEING TRAINED AS A DIRECTOR. Samantala, natanong din si Lorna tungkol sa mga magiging proyekto ng kanyang mga anak sa ABS-CBN.

Sabi niya, nakatakdang maging bahagi ng isang TV show si Renz na pinamagatang Little Champ.

Si Rap naman ay kasalukuyang nagte-training sa pagdidirek sa ilalim ng patnubay ni Direk Johnny Manahan.

"Nagte-train siya every day sa live shows with Mr. M," kuwento ni Lorna.

"Noong una sa booth siya.

"Later on, sabi ni Mr. M, ’Sige, bumaba ka, i-feel mo ’yong floor, ’yong choreography tingnan mo.’"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa mga nakaraang interbyu kay Rap, nabanggit niya na film directing at pagpo-produce talaga ang interes niya.

Subalit habang naghihintay ng directorial project, tinanggap niya ang tapos ng adventure series na Buhawi Jack, na pinagbidahan ni Gerald Anderson.

"’Yon naman talaga ang contract niya with ABS-CBN. Hindi naman talaga as actor," sabi ni Lorna.

"Kapag may magandang roles na ibibigay sa kanya as an actor, kukunin niya.

"Pero meron din siyang behind-the-scene.

"So, kahit na [training muna], kapag medyo natuto na siya, ipapasok o isasalang na siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN