Yeng Constantino says she is "guarding her heart"; hopes to penetrate the Asian music scene

"’Wag mo sadyain na masaktan ka. Yung parang sabi nila na experience is a good teacher. That’s true. Pero, paano kung aware ka na, na pag ginawa mo ’to, masasaktan ka? Parang sinabi mo na tutusukin ko yung sarili ko para malaman ko na masakit pala pag natusok ng karayom. Parang walang logic," says Yeng Constantino on why she remains unattached to this day.


Noong Martes, October 11, ay present ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng fourth album ni Yeng Constantino sa Rai Rai Ken, SM North EDSA, Quezon City.

Yeng Versions Live ang title ng first live album ni Yeng, at ini-record ito sa harap ng audience sa Teatrino, Greenhills noong June 17.

Siyam sa sampung tracks sa Yeng Versions Live ay mga cover songs ng mga kantang lokal na—ayon kay Yeng—ay humubog sa kanyang kabataan.

Ilan sa mga ito ay ang "Alapaap" ng Eraserheads, "Kahapon Lamang" ni George Canseco," at "Esem" at "Banal na Aso, Santong Kabayo" ng Yano.

Alam ni Yeng na kontrobersiyal ang Yano songs na pinili niya, kaya naman aminado siyang tumaas ang kilay ng ilang tao sa Star Records nang sinabi niya ang nais niyang track list.

Pero satisfied naman ang record company sa final album, kaya proud si Yeng dito.

"Nu’ng natapos namin’ to, para akong nanganak, parang ganun, e. Hindi ko naman na-experience ’yun.

"Pero para maglabas ka ng isang product na alam mong nagpakaba sa ’yo at hindi nagpatulog sa iyo ng dalawang linggo, tapos-tapos na, ayun," kuwento ng young singer.

EXTREME & COMPLICATED. Nakatatlo nang studio albums si Yeng—Salamat, Journey, at Lapit—at ikinuwento niyang ibang-iba ang experience ng paggawa ng live album.

"I think, iba, extreme, e. Parehong complicated gawin.

"Kasi yung album na recorded, puwede mo edited, puwede ganyan.

"Kaya lang, sa sobrang haba ng process, minsan, ang haba ng evolution! Change nang change.

"So minsan, nakakapagod din.

"Yung pressure naman nito, gagawin mo siya ng one time sa isang stage, pag nagkamali ka, ’yun na ’yun.

"So, ang pinakamabuting way, praktisin mo yung song nang perfect.

"Both na extreme mahirap, pero both na extreme masarap na matapos, e."

ASIAN MARKET. May isa pang good news si Yeng para sa press: may posibilidad na ma-penetrate niya ang Asian market.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Noong isang buwan kasi ay nag-guest si Yeng sa concert at album launch ni Piolo Pascual sa Singapore.

Nagustuhan naman daw si Yeng ng producer ni Piolo na S2S, kaya’t may negosasyon na para mag-release din siya ng album all over Asia.

"Pero hindi pa po sigurado yun," pauna ni Yeng.

"Kasi lumabas po kami ng country, ako po, si Kuya Piolo, sa Singapore. Nakita ako ng producer niya. And ako po yung next na ina-eye. Baka po."

Para paghandaan ito, nagsusulat na si Yeng ng mga kantang Ingles. Halos Tagalog kasi ang lahat ng komposisyon niya kaya hindi pa siya makabubuo ng album para sa Asian market sa ngayon.

"Para kung sakali ngang matuloy yung album, meron na akong bala," sabi niya.

GUARDING HER HEART. Kung busy sa career si Yeng, tila hindi niya naman pinapansin ang estado ng kanyang lovelife.

Pag-amin niya, hindi pa siya nagkakaroon ng boyfriend at wala pa siyang planong magkaroon nito.

Sa ngayon raw ay pakikipagkaibigan muna ang pinagtutuunan niya ng pansin.

"Naniniwala kasi ako na ano, e, every good relationship starts with a friendship.

"So, dun muna tayo sa estado na ’yan. Nakikipagkaibigan."

Hindi kaya takot lang siyang masaktan?

"Di naman masasaktan. Siguro ano lang po, waiting.

"Kasi pag padalus-dalos, yung experience na matatamo from a relationship, equivalent yun ng sobrang laking heartbreak."

"Guarding the heart" daw kasi ang motto niya sa ngayon.

"’Wag mo sadyain na masaktan ka, yung parang sabi nila na experience is a good teacher. That’s true.

"Pero paano kung aware ka na na pag ginawa mo ’to, masasaktan ka?

"Parang sinabi mo na tutusukin ko yung sarili ko para malaman ko na masakit pala pag natusok ng karayom. Parang walang logic," paliwanag niya.

Naniniwala rin si Yeng na kung iibig siya, darating ito sa tamang panahon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mararamdaman mo ’yun, e! Iba yung tibok ng puso mo, e. Parang may mahika, e.

"Naghihintay po ako sa moment na yun. Pero ngayon? Wala po talaga akong nararamdaman.

"Though may mga crush ako, halimbawa, nakikita ko, ’Uy, guwapo!’

"Pero yung hindi naman ako in-approach, ako yung gagawa ng paraan para lumingon, mapansin ako?

"Hindi ko naman kaya yun. Ayokong mag-manipulate ng situation.

"Kung sino yung dumarating, kung sino yung mga taong naging kaibigan ko, nakiki-mingle ako. ’Yun lang."

Kung wala pala siyang experience sa love at relationships, paano niya kaya nasusulat ang mga magaganda niyang kanta tungkol dito?

Sagot ni Yeng, "’Yun ang sikreto ng pag-e-exaggerate ng emosyon.

"Pag may crush ako, ganun. Pag may crush ako, nagsusulat ako about love.

"Yung napi-feel ko for my crush, ini-exaggerate ko.

"Halimbawa, nakita ko sa hallway, hindi ako pinansin. Parang feeling ko breakup na yun, e.

"Parang ganun, e, malakas yung imagination ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN