Kapuso tween star Hiro Magalona says it’s possible for him to fall for Kapamilya young comedienne Kiray

"Ba’t naman hindi? Sa akin kasi, hindi naman mahalaga ang panlabas na anyo ng isang tao. Mas nagma-matter kasi sa akin yung ugali ng tao. Ayoko naman kasi na, maganda nga sobrang arte, mayabang at masama ang ugali. E, ’di mas pipiliin ko na ang hindi kagandahan, pero maganda at busilak ang puso," says Hiro Magalona when asked if he can fall in love with Kiray.


Tuluy-tuloy na talaga ang pagsabak sa pelikula ni Hiro Magalona, pamangkin ng yumaong Master Rapper na si Francis Magalona.

Regular na napapanood si Hiro sa Tween Hearts, Iglot, at Walang Tulugan with the Master Showman.

Ngayon naman ay kasama raw siya sa pelikulang Ded Na Ded Sa U ng Regal Films, with Ruffa Guttierez and Gabby Concepcion at sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Sobrang happy nga si Hiro nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa bakuran ng GMA-7 recently dahil tinupad daw ni Mother Lily Monteverde ang pangakong isasama siya sa mga pelikula nito bago matapos ang taon.

Maalalang pumirma si Hiro ng four-year contract para sa 16 movies sa Regal Films last November 23, 2010 sa Imperial Palace .

Bukod sa Ded Na Ded Sa U, kasama rin si Hiro sa Metro Manila Film Festival 2011 entry ng Regal Films na Shake Rattle & Roll 13.

"Sa wakas, may pelikula na ako!" unang namutawi sa bibig ng young actor.

"Matagal-tagal ko na rin kasing hinintay na magkapelikula.

"Natutuwa ako, kasi tinupad na ni Mother Lily yung promise niya sa akin na isasama niya ako sa mga pelikula niya.

"At ito na nga yun dahil kasama ako sa Ded Na Ded sa U."

WILL CHOOSE KIRAY? Anong role niya sa Ded Na Ded Sa U?

"Bale, ako si Emil dito na 16 years old. Typical na bagets na boyfriend at in-love na in-love kay Amy na ginagampanan ni Kiray.

"Medyo kabado nga ako. Kasi, biruin mo, first movie ko, director ko si Joel Lamangan na isa sa most-awarded directors sa bansa.

"Alam kong marami akong matutunan kay Direk Joel.

"Marami nga akong naririnig na medyo istrikto daw si Direk.

"Pero, okey raw kasi pag nahawakan ka niya, after ninyong magkatrabaho, gagaling ka nang artista.

"Bukod kay Direk Joel, excited din akong makatrabaho si Ate Ruffa [Guttierez ] at Mr. Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bale first time ko silang makakatrabaho. Bale lahat, first time ko dito.

"First movie ko. First [time] ko makakatrabaho ang mga artistang makakasama ko dito, at first ko rin na naging director si Direk Joel."

Sa tingin ba niya pwede siyang ma-in love kay Kiray?

"Ba’t naman hindi? Sa akin kasi, hindi naman mahalaga ang panlabas na anyo ng isang tao.

"Mas nagma-matter kasi sa akin yung ugali ng tao.

"Ayoko naman kasi na, maganda nga, sobrang arte, mayabang at masama ang ugali.

"E, ’di mas pipiliin ko na ang hindi kagandahan, pero maganda at busilak ang puso.

"’Tsaka, kailangan din kasi aprubado ng pamilya [yung girl].

"Yung kailangan, close siya sa family ko para walang hassle at walang kokontra kasi gusto siya ng lahat."

Nagka-girlfriend na ba siya?

"Sa totoo lang po, mero’n, pero hindi seryoso kasi bata pa ako noon.

"Kaya hindi nagtagal, text-text lang kami nun. Pero, hindi masyadong nagkikita kaya siguro hindi lumalim yung relationship namin.

"Pero yung seryoso [na relasyon], wala pa talaga."

SHAKE RATTLE & ROLL. Ano naman ang role niya sa Shake , Rattle & Roll?

"Sa totoo lang, hindi ko pa po alam kung ano yung role ko sa Shake Rattle & Roll at kung saang episode ako kasama.

"Pero, sinabihan na ako ng manager ko at ni Kuya Germs... at ni Mother Lily na kasama ako.

"Actually, ’yun pong Shake Rattle & Roll movie ang alam kong gagawin ko.

"Kaya nagulat na lang ako nang sabihin sa akin na dalawa yung gagawin ko sa Regal Films.

"Excited na rin po akong mag-shooting kasi bata pa ako napapanood ko na ang Shake [Rattle and Roll]."

HIS DEPARTED BROTHER. Nakakapagpahinga pa ba siya dahil dalawa ang pelikulang naka-lineup for him? May tatlo pa siyang regular shows sa GMA-7.

"Nakakatulog pa naman po. Kasi inaayos naman po kasi ng manager ko yung schedules ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bale, sinisigurado niya na may pahinga ako kahit papano.

"Pero kung sunud-sunod na naman po yung taping at shooting ko, natutulog na lang ako sa set kapag hindi pa ako sinasalang.

"Sa akin naman po kasi, ang mahalaga may trabaho, kasi ayoko naman na mas marami ang pahinga mo kasi wala kang trabaho.

"Tsaka nae-enjoy ko naman ang ginagawa ko.

"Pinagbubuti ko po yung trabaho ko, kasi alam kong kung ano man ang mero’n ako ngayon dito sa showbiz, alam kong masaya yung namatay kong kuya.

"Kasi, siya talaga ang gustong mag artista at siya sana yung nasa lugar ko.

"Minsan nga napapanaginipan ko siya na nakangiti sa akin. Kasi, alam kong natutuwa siya sa tinatakbo ng career ko.

"If maging successful po kasi ako dito sa showbiz, parang naging successful na rin ang kuya ko kahit nasa ibang mundo na siya.

GOING STEADY WITH KIM? Gaano naman katotoo na sila na raw ng ka-loveteam niya sa Tween Hearts na si Kim Komatsu dahil sinagot na raw siya nito?

"Naku, hindi po totoo ’yan," tanggi niya.

"Sobrang close lang kami ni Kim, pero hindi totoo na sinagot na niya ako.

"Totoo na crush ko si Kim. Lagi ko namang sinasabi ’yan. Kasi bukod sa mabait si Kim, maganda pa.

"Yung mga katangian na hinahanap sa isang babae, nasa kanya nang lahat.

"Pero, mahirap kasing pasukan ng lovelife ang career. Kasi sabi nga nila, isa daw lagi yung nagsa-suffer—either lovelife o career mo.

"E, sa ngayon, pareho kaming career ang priority kaya mas okey kami na espesyal lang sa isa’t isa, pero walang commitment na kami [na], kasi ayaw naman naming madiskaril ang karir namin.

"Pareho kasi naming mahal ’tong pinasok naming trabaho kaya nag-usap kami na trabaho muna bago na ang ligawan. At pareho naman kaming nag-agree dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Who knows, di ba? Pag nag-reach na kami sa tamang edad, baka yung time na ’yun, pwede na.

"Basta ang mahalaga, masaya kaming magkasama sa mga lakaran at sa taping ng show namin [Tween Hearts]."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN