Bea Alonzo doesn’t feel pressured to outgross No Other Woman

(In Photo) Bea Alonzo: "Alam mo, kaniya-kaniyang moment ’yan. Parang napakasama ko namang kaiinggitan ko ’yong moment ng ibang tao. Every movie naman [may pressure], pero hindi ko ico-compare sa movies ng iba, ang gusto ko lang basta kumita. Actually, it happened naman sa akin and John Lloyd, si Sarah and si John Lloyd, pero never ko naman kinompare sa lahat na mas mataas ang kinita ng pelikula nila."


Inamin na ng Kapamilya actress na si Bea Alonzo ang halos pitong buwan na nilang relasyon ng aktor na si Zanjoe Marudo.

Sinabi ni Bea na hindi pinagplanuhan ang mga pangyayari, at tila kusa na lang niyang naramdaman na handa na siyang pasukin ang isang relasyon. (CLICK HERE for related article)

Ngayong mayroon na siyang magandang showbiz career, family life, at love life, may mahihiling pa ba si Bea?

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang entertainment press si Bea kanina, Oktubre 13, sa kanyang birthday presscon sa Restaurant 9501 sa 14th floor ng ELJ Building sa Quezon City.

Kung mayroon man siyang mahihiling, ito’y ang tumagal sa kanya kung ano man ang mayroon siya ngayon.

"Siyempre, mag-last ’to kung ano yung mayro’n ako sa lahat— sa career, sa love life... itong pagiging okey ng pamilya ko, sana mag-last."

OTHER NETWORK OFFERS. Bukod sa kanyang kaarawan sa Oktubre 17, nagdiriwang din si Bea ng kanyang ika-10 taong anibersaryo sa showbiz.

Labing-apat na taong gulang si Bea nang maging bahagi siya ng ABS-CBN, nang mapabilang siya sa Star Circle Batch 10.

Isa siya sa mga Kapamilya talents na may mga top-rating TV shows tulad ng Kay Tagal Kang Hinintay (2002), Maging Sino Ka Man (2006), Betty La Fea (2008), at Magkaribal (2010).

Kaya naman, hindi maiwasang isipin ng iba na nakakatanggap ng offers si Bea galing sa ibang network.

Pero paglilinaw niya, sa ngayon ay wala siyang balak na iwanan ang ABS-CBN.

"Ang tagal pa ng contract ko, until December pa," natatawang sagot ni Bea.

"So, wala naman... As of the moment, I’m happy and na-appreciate ko naman yung mga ganitong events.

"So, wala pa naman, parang I’ll cross the bridge when I get there.

"Ngayon hindi ko pa alam... ang tagal pa, so ngayon I can only say ngayon sa kung ano yung sa ngayon, and I’m happy."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON MOVIES. Bukod sa kanyang top-rating TV shows, naging popular din ang ilang pelikulang ginawa ni Bea, lalo na noong katambal niya ang matinee idol na si John Lloyd Cruz.

Ang pelikula nilang One More Chance noong 2007 ay nag-gross ng 18 million pesos sa first day ng showing nito.

Ang pelikula rin na ito ang naging dahilan para tanghalin ang tambalang John Lloyd-Bea na Box Office King and Queen noong taon na iyon.

Kaya naman, hiningan si Bea ng reaksyon tungkol sa tagumpay ng kalalabas lamang na pelikula ng Star Cinema na No Other Woman.

Natalo ng nasabing pelikula ang box office hit noong nakaraang taon na You Changed My Life—na pinagbidahan nina John Llyod Cruz at Sarah Geronimo.

Para kay Bea, masaya siya sa naging tagumpay ng nasabing pelikula lalo pa’t mga kaibigan niya ang mga main cast nito.

"Alam mo, they deserve it, especially Anne.

"Anne is my friend, actually friend ko din naman si Derek at si Cristine, I’m very happy."

Dagdag pa niya, "Alam mo, kanya-kanyang moment ’yan. Parang napakasama ko namang kaiinggitan ko yung moment ng ibang tao.

"Every movie naman [may pressure], pero hindi ko iko-compare sa movies ng iba... Ang gusto ko lang basta kumita.

"Actually, it happened naman sa akin and John Lloyd, si Sarah and si John Lloyd, pero never ko naman kinompare sa lahat na mas mataas ang kinita ng pelikula nila."

Ngunit, kung panibagong pelikula nila ni John Lloyd ang pag-uusapan, hindi pa daw ito mangyayari ngayong taon.

"Ang pagsasamahan namin, soap opera muna by first quarter of next year.

"May mga tatlong story na pinagpipilian for us, hindi ko pa alam kung ano yung ia-approve nila.

"Pero, definitely siya yung makakasama ko."

Samantala, muli namang magkakatrabaho ni Bea si Sam Milby, na nakasama niya noon sa Maging Sino Ka Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagamat wala pang title, si Direk Olive Lamasan daw ang magiging direktor ng kanilang pelikula, na talaga namang ikinatuwa ni Bea.

Kuwento niya, "Siya yung unang nag-direct sa akin sa Kay Tagal Kong Hinintay.

"So, ilang days lang ’yon, yung Book One. Tapos na-[lipat] ako kay Direk Lauren Dyogi, kasi, ’di ba, siya na nag-pilot no’n?

"So, ngayon lang full time [niya ako ide-direct]."

Challenging daw ang magiging role ni Bea sa pelikulang ito, dahil sa pagiging misteryosa ng kanyang karakter.

"Hindi physically daring... matured," saad niya.

"Hindi ko pa siya nagawa na gano’n kapangahas. Ano siya, e, sobra siyang misteryosang babae, yung character.

"Misteryosa siyang babae na hindi mo akalaing kaya niyang gawin yung ginagawa niya, without anyone knowing about it.

"Pini-pitch kay Sam [Milby] today [yung story], so hindi ko alam kung siya talaga ka-partner ko."

Kahit pa man madami na siyang nagampanang karakter, marami pang roles na gustong subukan si Bea kagaya ng, "Gusto ko gumawa ng light, gusto ko din gumawa ng sobrang dramatic.

"Gusto ko na iba-ibang characters naman."

Sa kabila ng mga tagumpay na natamo ni Bea, wala naman siyang sikreto kung paano siya umani ng tagumpay at nagtagal sa industriya.

Sinabi niya lang na, "Siyempre passion, kailangan mahal mo yung trabaho mo, ganiyan.

"’Tsaka kailangan, makisama ka sa mga dapat mong pakisamahan, ultimo do’n sa mga utility man, alam mo ’yon, that’s really important."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN