Sharon Cuneta on KC Concepcion: "As long as my daughter’s okay, I’m okay."

Sharon Cuneta on KC Concepcion’s request to join her in the United States: "I just wanna accompany her because she needs me. She requested for Mama, so Mama will be there. I don’t want her to think it’s only the little kids [Frankie, Miel, and Miguel] that Mama is spending time with."


Sa pahayag ni KC Concepcion sa interview niya sa The Buzz bago siya lumipad papuntang Spain at Paris, lalong tumibay ang hinala ng ibang tao na mukhang nagkakalabuan na naman sila ni Piolo Pascual.

Marahil ay dahil na rin ito sa pag-amin ni KC na aalis muna siya para makahinga, makapag-isip, at buuin muli ang kanyang sarili.

Nang tanungin kung sila pa ba ni Piolo, isang maikli ngunit makahulugang sagot ang nakuha mula kay KC: "Hindi ko alam." (CLICK HERE to read related story.)

SHARON TO THE RESCUE. Sa panayam naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ina ni KC na si Sharon Cuneta, hindi niya diretsahang sinagot ang tungkol sa isyung kinasasangkutan ng panganay na anak.

Nakausap ng PEP si Sharon sa opisina ng Star Cinema, kung saan ginawa ang story conference ng sisimulan niyang pelikula para sa film arm ng ABS-CBN.

Pero halata sa mga sagot ng Megastar na mukhang may bahid ng katotohanan ang mga lumalabas na balita tungkol sa relasyong KC at Piolo.

Kuwento ni Sharon, "KC got an invitation to Bill Clinton’s 65th birthday.

"It’s a fund-raising thing and she was supposed to bring one person.

"She sent me a message, ’Mama, I hope you can. I want you to be my other person.’

"Me naman, I’m very happy.

"I’ve always liked Bill Clinton, but I’m especially proud of my daughter.

"So, actually, alalay lang ako dun ni KC."

Patuloy ng Megastar, "Actually, one week lang, it’s not really a vacation because the event is two days. But it’s a good thing.

"Fund-raising for an event is great, so it’s just really an honor that I’d get to experience seeing an ex-president, kasi na-meet na niya [KC] before, ’di ba? She was introduced to him before.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The next meeting, there would be a concert with Bono, sila Usher, Lady Gaga... so manonood kami dun.

"I just wanna accompany her because she needs me.

"She requested for Mama, so Mama will be there.

"I don’t want her to think it’s only the little kids [Frankie, Miel, and Miguel] that Mama is spending time with."

BACK AND FORTH. Kagagaling lang ni Sharon from her European concert tour kung saan nag-show siya sa isa iba’t ibang lugar doon.

Pero dahil nga mismong si KC ang humiling, hindi ito mapahindian ng Megastar.

"I just had a European tour, I was there for three weeks.

"One week pa lang ako nandito [sa Pilipinas], aalis ako bukas with my eldest daughter. One week kami sa States sandali.

"I went to London, Ireland—and thank you to everyone who watched our shows there.

"Then, I had a vacation in Paris between weekends, then the following week I was in Sweden to do a show in Stockholm.

"Then I went to Tuscany in Italy, I went around in Florence, then we went to Vienna—and that was the last show.

"Actually, nagsaliwa nga kami, she’s [KC] now in her European tour, she’s now in Spain and Paris... we’ve been texting.

"Ang problema, mauuna ako sa LA [Los Angeles], pauwi pa siya dito.

"Then the next day, pupunta naman siya doon."

"SHE IS OKAY." Maituturing na ring pahinga para kay KC ang nasabing pag-alis, dahil nga raw sa sunud-sunod na mga trabaho at intrigang pinagdaanan nito.

Ayon kay Sharon, "All her close friends are all outside of the Philippines, tapos nag-asawa na yung isa, so happy naman sila."

Kumusta naman si KC ngayon?

"She’s okay now. She’s okay.

"I’m okay because my daughter is okay... As long as my daughter’s okay, I’m okay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong din ng PEP si Sharon kung ano ang bonding na gagawin nila ni KC sa abroad.

"Tingin ko, mamimili lang kami, magkukuwentuhan sa gabi.

"Siya magsa-shopping, ako hindi pa. Kasi reward ko ’yun pag na-hit ko na ang target weight ko.

"Magyu-Europe ako kahit mag-isa ako mamili!" saad ng Megastar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN