Baron Geisler denies allegedly paying Yasmien Kurdi to withdraw case against him

Baron Geisler on rumor that he paid Yasmien Kurdi to withdraw case against him: "Imposible. Unang-una, wala po akong trabaho nang matagal. So, wala akong perang pambayad kay Yasmien. Siguro, talagang gusto niya na ring matapos yung kaso. Gusto na naming matapos ito at maka-move on sa buhay, hindi ho lamang sa career."


Muling bumabangon mula sa pagkalugmok ang aktor na si Baron Geisler.

Sinimulan nga niya ito matapos siyang mag-public apology noong October 11 kaugnay ng ginawa niyang pambabastos sa aktres na si Yasmien Kurdi sa set ng kanilang taping noong 2009.

Tinanggap naman ni Yasmien ang paghingi ng tawad ni Baron na nagresulta sa pag-urong ng aktres sa kasong Acts of Lasciviousness na isinampa niya kontra kay Baron. (CLICK HERE to read related story.)

Pero, kaugnay nito ay ang paglabas naman ng iba’t ibang isyu na sinagot lahat ni Baron sa kanyang live interview kay Boy Abunda para sa "Ikaw Na" segment ng late-night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 13.

Diumano’y binayaran daw ni Baron si Yasmien para tanggapin ang kanyang apology.

Diumano’y ginawa ni Baron ang pag-a-apologize para mabuhay ang karera nilang dalawa. Ano ang comment ni Baron dito?

"Imposible.

"Unang-una, wala po akong trabaho nang matagal. So, wala akong perang pambayad kay Yasmien.

"Siguro, talagang gusto niya na ring matapos yung kaso.

"Gusto na naming matapos ito at maka-move on sa buhay, hindi ho lamang sa career," paliwanag ni Baron.

Dahil nag-apologize na siya kay Yasmien, gagawin din ba niya ito kay Patrizha Martinez, anak nina Yayo Aguila at William Martinez, na nagsampa rin ng kasong pangmomolestiya laban sa kanya?

"Pending pa rin po yung kaso, so I cannot comment on that po."

WANTS TO BE LIKE JOHN LLOYD. Pag naririnig niya ang pangalan ni John Lloyd Cruz, na kaibigan at kasabayan niya, pero ngayon ay sikat na sikat na, ano ang unang pumapasok sa kanyang isipan?

"I love John Lloyd. I’m proud of him," sagot ni Baron.

Seventeen years in the business, ano ang pinakaimportanteng leksiyon na kanyang natutunan?

"Kailangan kong magpundar at kailangan kong seryosohin. I really need to think smart dito sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kita mo si John Lloyd, ginamit niya ang utak niya. Where is he now? Sobrang successful niya.

"And I wanna be like him."

ON BEING AN ALCOHOLIC. Bakit ba siya naging alcoholic?

"Ewan ko, siguro naging shield ko sa lahat ng bagay. Maybe before I was a coward.

"Takot akong harapin yung mga problema ko, o yung mga issues.

"So, ginamit ko po yung alcohol. And siguro nag-enjoy din ho ako."

What was the worst thing about being an alcoholic?

"Nawalan ako ng self-worth and nawalan ako ng focus sa buhay.

’Wala, wala talaga."

GOING TO REHAB. Ilang beses nang sinubukang magpa-rehab ni Baron noon, pero hindi siya nagtatagumpay na magbago. Ano ba ang naging mali noon bago ang recent niyang pagpapa-rehab?

"Marami, kasi half-baked po ako nun, e.

"Half-hearted po akong pumasok during that time dahil in denial ho ako."

Pero itong huli ay tinanggap na raw ni Baron ang kanyang mga pagkakamali kaya masasabing na-achieve niya ang maayos na rehabilitation.

"Kailangan na talaga. May problema po talaga ako."

Sa ngayon ba ay 100 percent rehabilitated na siya?

"Not yet. But I am on my way to recovery."

Tumikim na ba siya ulit ng alak pagkatapos ng rehabilitation niya?

"You know, I’ll tell you the truth... Asiong cast party. But you know, I felt really bad.

"It’s not how you fall but kung paano ako nakapag-bounce back right away."

Ang tinutukoy ni Baron ay ang pelikulang Asiong Salonga, kung saan kasama siya sa cast. Pinagbibidahan ito ni Laguna Governor ER Ejercito, na kinuha si Baron kahit noong nasa loob pa siya ng rehab.

Bukod sa alak, nag-drugs din ba siya?

"A long, long time ago. Sobrang teenager pa ako noon. Siguro noong Tabing Ilog times pa."

Para sa mga alcoholic na nanonood sa kanya, ano ang kanyang advice?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Stop being in denial and accept na may problema talaga kayo. Seek help."

ON BEING A GOOD ACTOR. Sinasabing ang brilliant actors ay may sayad daw talaga. May sayad ba siya?

"Hindi ho, excuse lang ho siguro yun just to get away with so many things siguro."

Nanalo siya ng Best Actor trophy para sa pelikulang Jay, kung saan gumanap siya bilang gay producer.

How did he do it? Sino ang kanyang naging inspirasyon?

"Si Direk Francis Xavier Pasion [director ng Jay] ho. Kumbaga, nag-mirror exercise kami.

"So, I’m just following his movement. Ginaya ko lang po siya."

Nagkarelasyon na ba siya sa isang bakla?

"Wala pa po."

Ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang pamilya?

"Thank you for all the support and the love. I love you guys.

"Kung wala kayo, siguro talagang mahihirapan ako sa aking recovery."

BARON’S FAVORITES. Medyo light questions na tungkol sa mga paborito ni Baron ang sumunod na mga tanong ni Boy sa aktor.

Favorite color - "Blue."

Favorite sound - "Birds chirping."

Favorite smell - "My cologne now."

Favorite expression - "Wow."

Favorite person - "Jesus noong tao pa siya."

Favorite actor - "John Lloyd."

Favorite actress - "Cherry Pie Picache."

Kaya niya bang pumasok sa isang kasunduan sa Diyos na hindi na siya muling iinom?

"Hindi ko po maipapangako ’yan. Kahit kanino pa po.

"But, maipapangako ko na gagawin ko ang lahat para tuluyan na talagang magbago ang aking buhay."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN