TV5 VP and creative head Perci Intalan gives lowdown on big stars transferring to the Kapatid network

TV5 Vice President and Head of Creative and Entertainment Perci Intalan (in photo) on how negotiations start with stars who transfer to Channel 5: "Minsan uma-attend kami sa birthday ng talents namin, tapos nandu’n yung mga nakatrabaho nila from other stations. So, we got to meet other people. Siyempre, minsan napapa-joke kami na, ’O ano, tara, lipat ka na.’ Sometimes they take it seriously kaya minsan nauuwi sa pag-uusap."


Malaking isyu ngayon ang paglipat ng mga big stars ng GMA-7 at ABS-CBN sa TV5. Kabilang na nga rito sina Aga Muhlach, Lorna Tolentino, at pati na rin kamakailan si Gelli de Belen.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Perci Intalan, TV5 vice president and head of creative and entertainment production, tinanong namin siya kung marami pa ba silang "tina-target" na artista para maging Kapatid.

"Hindi naman sa tina-target. May wish list siyempre, yung mga gusto naming makatrabaho.

"Tapos, nagsi-circulate na rin kami sa mga showbiz functions.

"Minsan uma-attend kami sa birthday ng talents namin, tapos nandu’n yung mga nakatrabaho nila from other stations.

"So, we got to meet other people.

"Siyempre, minsan, napapa-joke kami na, ’O ano, tara, lipat ka na.’

"Sometimes, they take it seriously kaya minsan nauuwi sa pag-uusap," paliwanag niya.

Nakausap ng PEP si Sir Perci sa presscon ng unang show ni Gelli sa TV5—ang Gellicious—noong Miyerkules, October 12, sa Uncle Cheffy restaurant sa Eastwood Mall, Quezon City.

Madalas ngayon, kapag may nababalitang artistang lilipat ng ibang istasyon, ang unang naiisip ng mga tao ay lilipat ito sa TV5.

Ano ang comment ni Sir Perci rito?

"Oo nga, e. Well, nakaka-flatter, kasi ngayon, one of the three big networks na ang TV5.

"Dati, ang considerations lang ay ABS and GMA. Pero ngayon, iniisip na pag may lilipat ay sa amin pupunta.

"Usually nga, kahit wala pa talagang negotiations nababasa na lang namin sa articles," saad niya.

DEREK RAMSAY. Sa isang interview kay Derek Ramsay, inamin ng aktor na nagpahayag na ang TV5 ng interes na kunin ang serbisyo niya. (CLICK HERE to read related story.)

Totoo ba ito?

"Si Derek kasi... si Joji Dingcong [Derek’s manager] is close to our management at kaibigan ni MVP [Manny V. Pangilinan, TV5’s big boss]. So, I think napag-usapan, probably.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero, marami kaming ganyan na napag-usapan na, ’O si Ganito, si Ganyang artista hanggang kailan pa [ang contract]? Is there a possibility to work with him, or her?’

"So, I supposed that’s what happened."

Sa February 2012 pa matatapos ang kontrata ni Derek sa ABS-CBN.

VIVA ARTISTS. May talents ang Viva management na naiisyung lilipat sa TV5, katulad nina Cristine Reyes at Anne Curtis, pero hindi raw sila aware dito.

Pagdating ba sa talents ng Viva, si Boss Vic del Rosario lang ba ang kinakausap nila?

"Kasi ang Viva, nag-o-operate as a talent management company and because ka-deal namin si Boss Vic ay nag-uusap kami if there’s a project.

"Pero may mga talents sila na may existing contract sa iba, so inaalam namin kung kailan mag-e-end ang contract.

"Like si Gabby [Concepcion], may P.S. I Love You. So, continuosly nag-iisip kami ng concept for Gabby.

"But Viva is also free to offer Gabby sa ibang networks kung hindi type ni Gabby yung project sa amin."

SHARON CUNETA. Isa pang big star na hindi pa malinaw kung lilipat sa TV5 kahit may balita nang umiikot ay si Megastar Sharon Cuneta.

Ano ang stand ng network dito?

"Wala pa kaming confirmation doon."

Pero sino ba ang nakikipag-usap kay Sharon?

"Well, si Sharon ay Pangilinan. Kamag-anak ng asawa niya [Sen. Kiko Pangilinan] ang boss ko [Manny Pangilinan].

"Sa family reunion lang nagkikita na sila, e. So, kaya siguro lumalabas yung tsismis.

"Marami naman, to be fair. Maraming ganun na hindi ako yung unang nakausap, e.

"Ako lang, kaya hindi ko masabi kung confirmed, o denied, hindi ko alam kung ano yung status.

"They asked me what my opinion was, and of course I gave my opinion.

"They asked me what kind of shows and my suggestions, yun ang ibinibigay ko."

Nakatutulong ba yung sinabi ni Sharon na open siya na makipag-usap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes, it helps lalo na sa pag-iisip ng concept na pwede naming i-offer.

"Yun ang maganda pag nasasabihan kami na open ang artista.

"What if matuloy, ’di ba? At least we have something in mind."

NORA AUNOR. Naipahayag na ni Superstar Nora Aunor na willing siyang pumirma ng three-year contract sa TV5 pagkatapos niyang gawin ang mini-serye na Sa Ngalan ng Ina.

Nakapag-usap na ba ulit sila ni Ate Guy?

"Actually, mag-uusap na talaga. Dapat last week, pero na-cancel nga dahil nagkasakit siya.

"And now, hindi pa kami nagmi-meet ulit, kasi ngayon pa lang siya nagre-resume ng taping.

"Pero, ongoing naman yung trabaho niya. Naayos na lahat ng detalye about sa contract niyang bago, e."

So, pirmahan na lang ang hinihintay?

"Well, hopefully pirmahan na nga lang unless may questions pa siya at saka sina Kuya Germs [German Moreno, Nora’s manager]," banggit ni Sir Perci.

NOONTIME VARIETY SHOW? Tinanong din ng PEP si Sir Perci kung totoo bang gagawa ang TV5 ng noontime variety show, na tatapat sa Eat Bulaga! ng GMA-7 at Happy Yipee Yehey! ng ABS-CBN.

"Matagal na naming iniisip," pag-amin niya.

"Pero siyempre, may mga bagay kami na kinu-consider.

"Una, kailangan pa ba? Naghahanap pa ba ang mga tao ng noontime variety show, whereas may dalawa na dun?

"Parang mas successful kami kapag mero’n kaming bagong ino-offer.

"Plus, of course, kailangan naming bumusina sa mga taga-Eat Bulaga! na nasa amin, like si Joey [de Leon] at si Bossing [Vic Sotto], dahil maganda yung relationship namin sa kanila.

"So, lahat yun, dinadaanan namin.

"Kaya hindi namin sinasabi na, ’Yes, go kami diyan.’ Baka naman kasi may iba pang pwedeng gawin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN