Teejay Marquez cries during birthday/fans day; misses his mom and dad

Teejay Marquez on growing up without a mother: "Lumaki kasi ako sa lola ko at mga tita. Bata pa ako, siguro one year old... iniwan ako ng mommy ko at pumunta ng Japan at nagtrabaho. Naalala ko pa nga nung elementary days ko, lagi kong tinatanong yung lola ko kung sino ang mommy ko at nasa’n siya. Kasi, naiinggit ako sa mga classmate ko na laging inihahatid sila ng mommy nila sa school."


Hindi naiwasang mapaiyak ng tween star na si Teejay Marquez sa dami ng kanyang mga tagahangang pumunta sa kanyang first grand fans day at birthday show na ginanap kamakailan sa SM Valenzuela.

Naging espesyal na panauhin ni Teejay ang kanyang mga Tween Hearts co-stars na sina Kristoffer Martin at Kim Komatsu, kasama rin ang Star Magic talent at Gigger Boys member na si Benjamin de Guzman, ang Pinoy boyband na Upgrade, at Dance Squad Dancers.

Nagsilbing host ng event si Johna Chu Chu ng DZBB’s Walang Siyesta at Walang Tulugan with the Master Showman.

Kuwento ni Teejay sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na sobrang saya niya dahil kahit nga malakas ang ulan ay pumunta pa rin ang kanyang mga fans.

"Sobrang happy ako, kasi hindi ko talaga inaakala na darating yung mga fans ko.

"Noong una ngang sinabi ng manager ko na magkakaroon ako ng fans day at birthday show sa SM Valenzuela, kinabahan ako.

"Kasi iniisip ko, baka hindi mapuno, o kaya baka walang pumunta. Nakakahiya, ’di ba?

"Mas kinabahan pa ako nang lumakas yung ulan. Sabi ko na lang sa sarili ko, ’Kahit anong mangyari, may tao man o wala, magpe-perform ako.’

"Kaya nga nagulat ako, kasi pagdating ko sa venue ng fans day ko, ang daming tao. Kaya ’di ko talaga naiwasang maiyak sa sobrang saya.

"Ito bale ang first time kong nag-celebrate ng birthday ko na artista na ako. Kaya very memorable ito sa akin.

"Pero, medyo malungkot kasi wala yung parents ko para sana kasama ko din sila sa selebrasyon ko."

MISSING HIS PARENTS. Bakit hindi nakadalo ang kanyang mga magulang?

Kuwento niya, "Lumaki kasi ako sa lola ko at mga tita.

"Bata pa ako, siguro one year old... iniwan na ako ng mommy ko at pumunta ng Japan at nagtrabaho.

"Naalala ko pa nga nung elementary days ko, lagi kong tinatanong yung lola ko kung sino ang mommy ko at nasa’n siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, naiinggit ako sa mga classmate ko na laging inihahatid sila ng mommy nila sa school.

"Lagi lang sinasabi ng lola ko na nasa ibang bansa ang mommy ko at nagtatrabaho para daw sa kinabukasan ko.

"Pero, hindi talaga maalis sa akin ang inggit sa mga classmates ko noon. Kasi, may mommy sila, samantalang ako wala.

"Hangang sa lumaki ako, hindi ko nakikita ang mommy ko. Hanggang tawag lang [sa telepono kami nagkakausap].

"Kaya lumaki ako na walang mommy sa tabi at tanging lola at mga tita ko lang ang kasama ko.

"Hangang mag-15 years old ako... bale 16 years old na nang makita ko ang mommy ko nang personal.

"Dahil sa webcam ko lang siya nakikita nung bata ako at first time niyang umuwi ng Pilipinas.

"Nung nakita ko siya, ’di ko alam kung yayakapin ko ba siya, o hahalikan.

"Kinabahan ako noon. Kahit siya, alam ko ganun din ang naramdaman.

"Medyo matagal-tagal na nagtinginan kami, tapos lumapit siya at niyakap niya ako.

"Ang saya-saya ko noon, kasi first time kong mayakap ng mommy ko. Tapos, pinakain niya kami sa labas at nagkuwentuhan.

"At doon niya sinabi sa akin na may pamilya na siya sa Japan. May dalawa na akong kapatid sa Hapon [Japanese].

"Ngumingiti lang ako sa kanya, pero nasa isip ko na ang suwerte ng mga kapatid ko sa Japan.

"Kasi, kasama nila ang mommy ko at lalaki silang kasama ang mommy ko.

"Samantalang ako, 16 years old nang makita ko siya at mayakap.

"Pero, okay na rin sa akin. Kasi, at least, nakilala at nayakap ko na siya.

"Sanay na kasi ako na lola at mga tita ko ang kasama.

"’Tsaka alam ko naman na ’di siya magtatagal sa Pilipinas at babalik din siya sa Japan dahil nandun ang kanyang bagong pamilya."

WHY HIS MOM LEFT. Hindi ba niya natanong kung bakit natagalan bago nakabalik sa Pilipinas ang kanyang mommy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko na siya tinanong, kasi sinabi na sa akin ng lola ko. Na noong nagsasama pa daw ang mommy at daddy ko, lagi silang nag-aaway.

"Nabubugbog ng daddy ko ang mommy ko, kaya nagdesisyon na lang ang mommy ko na mag-Japan at doon na magtrabaho.

"Pero siguro, okay na rin yun kesa kasi magkasama nga sila, pero hindi naman sila okay at laging nag-aaway.

"Kaya siguro ’di rin namin masisisi ang mommy ko kung mag-asawa siya ng iba.

"Kasi, sa nangyayari nga sa kanila ng daddy ko [noon], na hindi sila magkaintindihan."

BUSY DAD. Nasaan naman na ang ang kanyang daddy?

"A, kasama ko ang daddy ko at lola ko sa bahay," banggit niya.

"Pero lagi siyang busy kaya ’di rin siya nakakapunta sa mga shows ko.

"Pero, okay lang yun kasi nasanay na rin ako nang ganoon. Kasi bata pa ako, lola at mga tita ko na ang nag-alaga sa akin.

"Masaya na rin ako kasi mahal na mahal ako ng lola at mga tita ko. At least, alam kong may mga taong nagmamahal sa akin kahit papa’no."

Wala ba siyang balak sundan ang mommy niya sa Japan?

"Sa ngayon, hindi ko pa alam, kasi may sarili na rin siyang pamilya dun.

"Ako naman, busy din sa pag-aartista ko.

"Siguro, bakasyon lang if imbitahan ako ng mommy ko. Pero yung magtagal dun, ’di siguro.

"Ayokong iwan yung lola ko kasi matanda na siya at mahal na mahal ko ang lola ko."

Masama ba ang kanyang loob sa parents niya?

"Masama? Noong bata pa ako, oo.

"Pero, nung lumalaki na ako at naiintindihan ko na yung sitwasyon, hindi na. Parang okey na sa akin.

"Siguro, nasanay na ako. Kahit kasi anong gawin ko, hindi na mababago yung kung ano man ang nangyari sa family namin.

"Masaya na rin naman ako sa buhay ko kasama ang lola ko. Natupad na yung dream ko na maging commercial model at maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yun na lang ang pinagtutuunan ko ng pansin. Wala naman kasing tutulong sa akin kung hindi ako lang.

"Marami pa kasi akong magagandang bagay na gustong mangyari sa buhay ko at sa lola ko.

"Sana nga lahat ng dream ko matupad. Kaya nga nagtatrabaho ako nang maayos para mas dumami pa ang show ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN