Miss Philippines-Earth 2011 Athena Mae Imperial clarifies misconstrued statement about Shamcey Supsup

Athena Mae Imperial (main photo) on previous statement about Shamcey Supsup (inset): "I would like to clarify na ’yun po mismong question ay what will make you outshine Shamcey, so meron po talagang particular person dun sa tanong. So, parang na-pinpoint lang po si Ms. Shamcey dun. Ako naman po, ang sinabi ko d’un is my forte, yung Question and Answer portion.


Nagpapasalamat si Miss Philippines-Earth 2011 Athena Mae Imperial sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pagbibigay sa kanya ng pagkakataon para magpaliwanag tungkol sa isyu ng diumano’y "rivalry" nila ni Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup.

Hindi na raw kasi nagkaroon ng pagkakataon na magpaliwanag si Athena matapos maging isyu ang tungkol sa mga binitiwan niyang salita tungkol kay Shamcey sa kanyang interview kay Boy Abunda para sa Bottomline noon pang June 25, 2011.

Ang tanong kasi ni Boy kay Athena ay: "If you are to compete with Shamcey in a pageant, what part of it will you standout?"

"Question and Answer portion," ang mabilis na sagot ni Athena.

Hindi naman inakala ni Athena na magiging isyu pala ang kanyang honest answer, lalo na nung nakatanggap na siya ng negative comments at feedback sa Internet at mga social networking sites.

Paglilinaw ni Athena, wala naman siyang intensiyong magmalaki o magyabang sa kanyang sagot.

"I would like to clarify na ’yun po mismong question ay what will make you outshine Shamcey, so meron po talagang particular person dun sa tanong.

"So, parang na-pinpoint lang po si Ms. Shamcey dun.

"Ako naman po, ang sinabi ko du’n is my forte, yung Question and Answer portion.

"Du’n naman po sa Bottomline, sinabi ko lang po kung ano yung unang nasa isip ko," paliwanag ni Athena.

Nakausap ng PEP si Athena sa Gabay Guro Grand Gathering ng PLDT-Smart Foundation na ginanap sa SM Mall of Asia Music Hall noong October 9.

Siya ang nagputong ng korona sa nanalong 2011 Gandang Guro mula sa mga guro na tumanggap ng libreng makeover kay Ricky Reyes.

Hindi na nga lang daw pinapansin ni Athena ang mga negative comments sa kanya.

Aniya, "Sa nangyayari po ngayon, ayoko na lang din pong patulan yung mga nagsasabi ng hindi maganda sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pag pinatulan ko po kasi, lalo lang lalaki yung isyu."

WANTS TO BE FRIENDS WITH SHAMCEY. Ayon kay Athena, hindi niya minamaliit si Shamcey.

Sa katunayan, sa Top 5 finalists nga sa nakaraang Miss Universe pageant ay si Shamcey raw ang hinangaan niya sa pagsagot.

"In fact, sa Question and Answer po sa Miss Universe, siya po talaga yung may pinakamagandang sagot, pinaka-truthful po," sabi niya.

Gusto niya bang maging kaibigan si Shamcey?

"Opo naman. I think maiintindihan naman po niya yung isyu."

Kung mabibigyan siya ng pagkakataon na makasama si Shamcey, hihingi ba siya ng advice dito?

"I will," sagot ni Athena.

"She’s the perfect person to give me advice dahil katatapos lang niyang sumabak sa international pageant.

"I think marami akong matututunan sa kanya."

MORE INSPIRED. Mas may pressure ba sa kanya ngayon, lalo na at naging matagumpay ang pagsabak ni Shamcey sa Miss Universe?

"Actually, hindi po pressure yung right term. I’m more inspired na pagbutihin pa at paghandaan yung nalalapit na pageant.

"And sabi nga po ng parents ko, kung hindi ko man po maipanalo, as long as nag-enjoy ako dun sa pageant.

"Kasi being a representative of the Philippines, it’s enough, dahil na-prove ko yung sarili ko du’n sa title na hinahawakan ko ngayon."

Dahil ba sa isyu, kaya mas kailangan niyang galingan sa Miss Earth Question and Answer portion para ma-outshine niya si Shamcey?

"Hindi ko po iniisip na ma-outshine siya," sabi ni Athena.

"Ang akin lang po, masagot ko nang tama yung tanong sa akin. Kasi nandun po talaga yung kaba, e.

"Sa Question and Answer po kasi, it’s not how you deliver... makikita kasi ng mga tao yun kung galing sa puso mo ’yun at hindi kinabisado.

"Kasi kung mapapansin n’yo po sa mga beauty pageants, marami sa mga candidates kinakabisado na nila yung sagot. May mga general answers na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi sa mga candidates, pag galing sa puso nila ang sagot, makikita ng mga tao yun.

"And hindi po ako dapat kabahan or kailangang ma-pressure dahil nga du’n sa intriga, kasi wala naman akong sinabing anything wrong about Shamcey.

"At saka Magna Cum Laude siya and we’re both alumni of UP Diliman.

"So, walang dapat ipag-away sa aming dalawa."

PREPARATIONS FOR MISS EARTH. Si Athena Mae Duarte Imperial ay mula sa Casiguran, Aurora. Ipinanganak siya noong February 2, 1987, at 24 years old na siya.

Bago siya sumali sa Miss Philippines Earth ay nagtatrabaho siya bilang researcher at writer sa News and Public Affairs department ng GMA-7.

Napanalunan ni Athena ang korona at titulo ng Miss Philippines-Earth sa pageant na ginanap sa Puerto Princesa City Coliseum sa Palawan noong June 5, 2011.

Ano na ang mga nabago sa kanya matapos niyang manalo sa Miss Philippines?

"After winning the pageant, mas naging concerned ako sa environment.

"Nung manalo po ako mas namulat pa ako na, ’Oo nga, madami palang problema hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa buong mundo.’

"Kung iisipin, parang mahirap solusyunan. Pero kailangan lang nating isipin na may magagawa tayo. Kailangang magsimula sa atin at ngayon."

Ano ang ginagawa niyang preparations para sa parating na Miss Earth pageant na gaganapin sa December 3 sa Bangkok, Thailand?

"Nagte-training po ako sa trainors na nagte-train po sa Binibining Pilipinas.

"Nagbabasa rin po ako ng books about environmental problems. Nagte-training din po ako ng paglakad ko."

Gaano siya kapositibo na mananalo siya ng Miss Earth title?

"Iniisip ko lang po na dapat maiuwi ko rin yung crown, kahit anong crown po dun sa Top 5.

"Parang yung nangyari lang din po sa national pageant, hindi ko po inisip na ako yung mag-uuwi nung title.

"Kahit isa lang po d’un sa limang top at meron akong posisyon, malaking achievement na po sa akin yun," saad ni Athena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN