Aga Muhlach says daughter Atasha’s Sound of Music stint is just a one-time thing

"So, tulad ng sinasabi ko dati, just to make it clear at sana tama na, hindi talaga mag-aartista ang mga anak ko. Mag-aartista sila pag sa tamang edad na gusto na nila... Tutulungan ko pa sila," says Aga Muhlach when asked again if he will let his kids Atasha and Andres enter showbiz.


Nasa ika-17 taon na ang "MaAga ang Pasko" toy and books donation campaign ni Aga Muhlach at ng fastfood company na Jollibee.

Tuwang-tuwa nga ang 42-year-old na aktor at Pinoy Explorer host, dahil napakarami na raw natulungan ng kanilang kampanya.

"Ang masasabi ko lang ay isang matinding... Wow!" ani Aga sa kanyang speech nung sumampa na siya sa stage ng Skydome sa SM North Edsa, Quezon City, kaninang tanghali, Oktubre 14, para simulang muli ang taunang toys and books drive.

Pinasalamatan ni Aga ang fastfood company na iniendorso at ang taumbayan sa patuloy na pakikipagtulungan sa kanyang simpleng toys drive lang noon para sa isang orphanage.

"Ang taumbayan at lahat ng kababayan natin na, through the years, kept on donating their toys," pasalamat nga ni Aga.

"Umabot sa nagkaroon kami ng mga libro. And then umabot na rin—like last year, I mean two years ago, I think, sa Ondoy, ’di ba?—umabot sa mga classrooms..."

Hindi na nga lang mga laruan, kundi mga libro, classrooms, at mga gamit pang-eskuwela tulad ng computers, ang naibigay na ng kanilang kampanya.

At hindi para sa isang orphanage lang ngayon ang kawang-gawa nina Aga—katulad ng orihinal nilang plano noon—kundi para na rin sa iba’t ibang institusyon para sa mga batang ulila, mga kapus-palad na estudyante, at mga paaralang nasalanta ng kalamidad, katulad nga ng bagyong Ondoy.

SPENDING TIME WITH KIDS. Pero kakaiba raw ang kampanya ng MaAga ang Pasko ngayong taon, dahil bukod sa mga materyal na bagay, may bago raw dapat ibigay ngayon sa mga bata, lalo na ang mga magulang sa kanilang mga anak—ang kanilang oras at panahon.

"And I can attest to that," panimulang pagpapatotoo ni Aga.

"Napakaimportante na maibigay natin sa mga anak natin ang tamang values.

"Like for example, my kids are nine years old now. And as tumatanda sila nang tumatanda, pabagal nang pabagal at pakonti nang pakonti ang paghahanapbuhay ko, because I want to spend more time with them.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And I think the best thing that you can give to your children, is time.

"Importante siyempre sa atin ang pera, kailangan natin ’yun pang-eskuwela nila.

"But then, at the end of the day, really, it’s just the time that they want from us parents.

"And I can see that they’re nine years old now, and I think it worked.

"So, minsan, hindi lang puro yung material possessions lang, ’no, o materyal na bagay ang ibibigay natin sa mga anak natin, kundi yung oras natin. Yung pagmamahal natin. At mararamdaman nilang lahat yun.

"At paglaki nila, balang araw, ibabalik nila sa inyong lahat ’yun. Magpapasalamat sila.

"Because marami kaming alam na istorya na puro materyal, puro ganyan. Paglaki ng mga anak nila, nasisi pa nila yung mga magulang nila.

"Sabi nila, ’Nasa’n kayo nung kailangan namin kayo?’ So, masakit, ’di ba?" mahabang patotoo pa ni Aga.

PINOY EXPLORER. Matapos ang kanyang speech at ang programa nang araw na iyon, pinaunlakan naman ni Aga ang ma-interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang mga imbitadong press.

Kinumusta muna ang magandang pagtanggap ng mga manonood sa kanyang Pinoy Explorer, ang kanyang show sa TV5.

"Masaya.... Nagpapasalamat ako sa walang-sawang pagsuporta sa akin ng mga manonood.

"Asahan n’yong mas magaganda pang lugar at mas magaganda pang documentaries ang gagawin namin para sa inyo," patuloy ni Aga.

ATASHA IN SOUND OF MUSIC. Ngayong gabi ang premiere ng Sound of Music, kunsaan kasali ang isa sa kambal ni Aga na si Atasha, kaya kinumusta namin ang pakiramdam niya ngayong nasa teatro na ang kanyang anak.

"Okey naman. Hindi ako kinakabahan.

"Naniniwala ako sa kakayahan ng aking anak.

"Hindi ko naman siya pinakialaman. Kumbaga, it’s just my complete trust lang sa kanya."

So, okey na ba sa kanya na pasukin na ng mga anak niya ang showbiz? Matatandaang sinabi niya noon na ayaw niya munang ma-involve sa industriyang kinabibilangan niya ang kanyang mga anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman nila papasukin. Gumawa lang naman [si Atasha] ng ganito.

"Hindi ko minamasama ang industriya natin, kaya lang napakabata pa ng mga anak ko.

"So, tulad ng sinasabi ko dati, just to make it clear at sana tama na, hindi talaga mag-aartista ang mga anak ko.

"Mag-aartista sila pag sa tamang edad na gusto na nila.

"Pagkatapos ng eskuwela nila, kung gusto na nila. Tutulungan ko pa sila.

"Pero mas magagaling pa sila sa akin... So, hindi nila ako kailangan!" natatawa pang bida ni Aga sa kanyang mga anak na sina Atasha at Andres.

I THOUGHT IT WAS JUST ONE OF THOSE... Tinanong ng PEP kung paano nga ba napasok sa Sound of Music si Atasha.

"It was just from Tita GR," pagtukoy ni Aga kay Girlie Rodis, talent manager na nagha-handle kina Rachel Alejandro, Gaby dela Merced, Jimmy Bondoc, at Mikee Cojuangco.

"She happens to be a friend of ours, and sinabi niya na, ’O, you try it out, you try it out. You prepare your daughter.’

"Sabi ko, ’Why not? Atasha, do you want to... Yeah?’ Ganun lang.

"’Tapos hindi ko naman akalain na ganito palang kalaki ’tong Sound of Music na ’to.

"Hindi ko akalain na magiging ganito kalaki yung reaksyon ng tao, ’no?

"Parang I thought it’s gonna be one of those sa gilid-gilid lang na, like those sa gilid-giliran lang na play.

"Hindi ko naman akalain na malaki. Kaya nga hindi ako nakialam na.

"As a matter of fact, I did not even attend one of her rehearsals. Kasi ayoko nang mas lumaki pa siya. Ayoko lang kasing...

"Baka kasi nai-stress na yung anak ko, there’s nothing really...

"That’s why it’s still normal sa bahay namin. My daughter comes home from school, she goes to her rehearsals, she comes home.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We seldom talk about it.

"And I’m just happy and I’m proud of her that she’s being talked about. So, I get excited.

"But at the same time, para bang... hindi ko naman akalain na magiging malaking issue ’yun," nakangiti pang pahayag ni Aga.

Nagbigay ba siya ng pointers sa kanyang anak tungkol sa acting?

"Wala. We talked about it once.

"Ang sinabi ko lang, ’When you’re up there, just enjoy. Have fun.

"’Because if you pressure yourself, and you’re stressed out, then, sayang. It’s supposed to be fun.’"

NO NEXT PLAY FOR ATASHA. Ibig sabihin ba nito’y tuluy-tuloy na ang pagiging theater actress ni Atasha.

"No," mabilis at diretsong sagot ni Aga.

"Wala namang masama. Ayoko lang, tama na.

"Kasi...ano ba ’yan, lumaki na," nakangiti, pero naiiling na sabi pa ng aktor.

"Kasi when she accepted this, it was just for that play.

"So, parang... Masyado pang bata ang anak ko. I still want my daughter with me.

"So, yun lang ’yun."

Kagaya nga ng sinabi na niya, mas gusto lang niyang mag-aral muna’t mag-enjoy sa pagiging mga bata ang mga anak niya. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito na pipigilan na niya ang mga ito sa pag-aartista.

Basta ang kundisyon niya lang ay pagdating lang sa tamang edad.

"Diyan din naman pupunta ’yan, paglaki nila. Sigurado naman... Hindi ko naman pipigilan ’yang mga anak ko pag gusto nila.

"Pero sa ngayon, kaya ko pa silang pigilan, hindi talaga."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN