Sheena Halili has become good friends with Yasmien Kurdi

Nagkaroon ng isyu noon si Sheena Halili at si Yasmien Kurdi ngunit ngayon ay maayos na ang sitwasyon sa pagitan nila.

"Before meron, oo, siyempre. Ikaw ba naman, ako yung dyowa [ni Rainier Castillo], tapos, tinatago ako hindi ako puwedeng aminin. Okay lang yun e, pero alam naman natin na nagka-something sa kanila ni Yasmien habang ano, di ba?" ang kwento ni Sheena.

"Siyempre kahit papaano naman may isyu ak


Bilang StarStruck avenger ng Season 1, hiningan namin ng comment si Sheena Halili tungkol sa pagkaka-detain ng mga StarStruck avengers na sina Vivo Ouano at Jerico Rizalado na may kinalaman diumano sa drugs.

"Naku alam mo sa totoo lang, nalaman ko lang yan kay Aljur [Abrenica] kahapon sa [Amaya] taping. Sa totoo lang, hindi ko ka-close yung dalawang yun, pero siyempre nakakasama ko naman sila sa mga shows dito sa GMA.

"Wala, sana lang lumabas lang talaga yung katotohanan. Sinasabi nga nila na hindi totoo, sana maging ano lang sila, panindigan lang nila na kung sinabi nila talagang hindi, hindi talaga sana," pahayag ni Sheena nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa thanksgiving/presscon ng Amaya kahapon, October 13, sa 17th floor ng GMA TV complex.

Pagpapatuloy pa ni Sheena...

"Kasi napakabata pa nila para masangkot sa mga ganyang ano, di ba? Sa ganyang problema, sa ganyang isyu. So sana lumabas yung katotohanan.

"Naaawa ako sa kanila. Siyempre kung kailangan naman nila ng tulong, kung may maitutulong naman kami na puwede naming gawin, why not, di ba?"

At bilang produkto ng StarStruck, ano naman ang masasabi niya sa pagpapatawad ng ka-batch niya sa Season 1 ng StarStruck na si Yasmien Kurdi kay Baron Geisler.

Tulad ng alam ng lahat, nagkaroon ng demandahang may kinalaman sa sexual harassment sa pagitan ng dalawa.

"Oo naman, siguro naman yung mga ganung ano... lahat naman tayo kailangan marunong naman tayong magpatawad, di ba?

"Tsaka matagal nang isyu yun, naparusahan naman na si Baron din naman, di ba? Nabigay na rin naman yung gusto nilang mangyari kay Baron.

"So okay naman siguro, napagbayaran na ni Baron yun, ngayon, silang dalawa, mag-start sila ng bagong buhay, magtrabaho sila ulit, di ba? Iyon."

WORKING WITH YASMIEN. And speaking of magtrabaho, kasama na nga nina Sheena at ng buong Amaya cast si Yasmien bilang special guest sa nabanggit na epicserye ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Korek! Ayan, siya si Apila, kontrabida siya dito. Oo lagi ko siyang nakakaeksena, siya yung nang-aaway ngayon kay Amaya."

At sa Amaya, first time na nagkatrabaho nina Sheena at Yasmien sa isang soap opera.

"Oo first time namin actually magkasama sa soap. Nakasama ko kasi siya noon sa Joyride pa, yung unang-una naming show, yun lang."

Noon ay si Yasmien ang ka-loveteam ni Rainier Castillo, at si Sheena naman ay naging girlfriend ni Rainier.

"Iyon nga pinag-uusapan namin, may nag-interbyu sa kanya, ’Sino ang nami-miss mo sa showbiz?’

"Tapos ako ang sumagot, ’Si Rainier Castillo!’

"Gumanun ako. Parang wala na rin naman, wala na rin naman."

Nagkaroon sila ng isyu noon ni Yasmien.

"Before meron, oo, siyempre. Ikaw ba naman, ako yung dyowa tapos, tinatago ako hindi ako puwedeng aminin. Okay lang yun e, pero alam naman natin na nagka-something sa kanila ni Yasmien habang ano, di ba?

"Siyempre kahit papaano naman may isyu ako sa kanila pero wala na yun, tapos na rin naman. Wala na yun, napatawad ko na siya, sila ni Rainier. Tsaka part talaga yun ng relationship siguro, tsaka bata pa kami noon. Okay lang."

So ngayon ay maayos na maayos na ang sitwasyon sa pagitan nila ni Yasmien?"

"Yes, yes, okay na okay."

May eksena ba sa Amaya na magkakasakitan sila ng pisikal ni Yasmien?

"Naku, wala, parang silang dalawa ni Yanyan [Marian Rivera]."

What if magkaroon ng eksenang sakitan sa pagitan nila ni Yasmien; hindi kaya maging totohanan?

"Naku, huwag naman.

FRIENDSHIP. Nadiskubre ni Sheena na puwede pala silang maging magkaibigan ni Yasmien...

"Oo kinukuwentuhan nga niya ako, actually hindi ko naiintindihan yung mga pinagsasasabi niya, tungkol kasi sa pinag-aaralan niya, kung anu-anong bacteria, tsaka mga parts ng katawan, mga sakit.

"Sabi ko, tama na kasi as in nosebleed na ako, hindi ko naiintindihan. ’Lovelife na lang ang pag-usapan natin!’ Mag-share siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May boyfriend ba si Yasmien?

"Oo yata, hindi niya kinaklaro, pero ’Parang uwi na tayo!’ parang ganun."

Sina Sheena at ang nali-link sa kanyang si Rocco Nacino, kailan sila huling nagkita?

"Last week, nanood kami ng sine."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN