Jay Aquitania plans to study filmmaking, wants to do more indie films

"Ako, gusto ko sana sa mga indie films. Pag [sa] indie kasi, parang mas maraming ginagawa; at saka, [yung] hindi ginagawa [ng karaniwan]. Iba yung ginagawa sa indie, [kaysa] sa mainstream," Jay Aquitania explains why he wants to do more indie films.



Former teen actor, Jay Aquitania, has been relegated to character roles in television soap operas, but he doesn’t regret it.



At 23, gusto lang ni Jay na mag-trabaho, kahit hindi isang sikat na aktor, para sa isang kapuri-puring mithiin o career goal.



"Gusto kong mag-ipon ng pera; balak ko kasi talagang mag-aral ng filmmaking," sabi ni Jay, who’s a regular with TV5’s Sa Ngalan Ng Ina.



"Hindi naman [ganu’n] kalayo, kasi filmmaking... cinematography [ang gusto kong kuning course], kung makakaipon talaga nang maayos."



Nakausap ng PEP.ph [Philippine Entertainment Portal] ang young actor, kamakailan, sa isa sa kanyang tapings sa nasabing mini-serye. Mostly ay sina Christopher de Leon at Rosanna Roces ang nakaka-eksena ni Jay.



As co-actor, tahimik at matiyaga siya sa kanyang pagta-trabaho.



At mahiyain siya. Bagay na hindi kataka-taka dahil isa siya sa apat na huling pinamahalaang talent ng yumaong Douglas Quijano, simula sa pagpasok ng bagong milenyo.



Ang mga naging kasabayan ni Jay, noong 2002, ay sina Andrew Schimmer, Benj Basa, at Ken Rodriguez.



Fourteen years old lang daw si Jay nang ma-discover at pamahalaan ni Douglas Q.



Kumusta na ang grupo nila mula noon?



"Si Andrew, hindi na po nag-aartista masyado yun," ani Jay.



"Si Benj, ngayon, nag-aaral siya. ’Tsaka more on modelling.



"[Si Ken],wala na po akong masyadong balita," banggit din niya.



PREFERENCE FOR INDIE FILMS. Maski nuong mina-manage pa siya ni Douglas Quijano, kabi-kabila ang naging paglabas ni Jay Aquitania sa mga pelikulang independently produced, o indie films.



Nagbida si Jay noon sa ilang mahahalagang produkto ng indie cinema, tulad ng Roxxxanne (2007) ng debuting writer-director Jun Lana; at sa Cinemalaya entry, Concerto (2008), also by debuting filmmaker Paul Alexander Morales.



"Actually, yun [Concerto] ang sa lahat ng nagawa ko, yun ang pinaka-favorite ko.



"Gano’n yung mga gusto kong character, parang kakaiba ang gumagawa no’n," according to Jay, who plays a Japanese spy in the World War II drama, na tinampukan din nina Shamaine Buencamino at Meryll Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Gumawa rin si Jay ng isang gay indie film, ang Padyak (2009), directed by Aloy Adlawan. Pero, dagdag niya, wala siyang naging sexy exposure sa mga nasabing indie movies.



"Wala naman," aniya. "Meron lang akong hindi makakalimutan... sa Roxxxanne kasi, tatay ko si Kuya Bodjie [Pascua]. Sa Padyak naman, bading siya roon; sumakay siya sa akin [as pedicab driver], tapos,e, parang kailangan ko ng pera..."



Wala naman daw explicit sex scenes; ’ika nga, suggestive lang. Tapos, hindi raw tinupad ng gay character ang usapan nila ukol sa amount na ibibigay ng "customer" na pasahero.



"Parang ’naloko ako!’ gano’n. E, mabait yung character ko," natatawang pagri-recall pa ni Jay.



Since last year, ayon din kay Jay, si Annabelle Rama na ang nagma-manage sa kanya.



Nasasangkot man si Tita Annabelle sa mga asunto na may kinalaman sa pagma-manage, hindi rito apektado si Jay.



With Annabelle Rama, maraming trabahong pan-telebisyon ang napunta kay Jay, kaya nagpapasalamat siya rito.



"Yung Langit Sa Piling Mo, kay Heart [Evangelista], ’tsaka kay Mark [Herras]; kapatid ako ni Heart.



"Meron pang isa, yung Nagbabagang Bulaklak; loveteam ko si Ritz Asul," banggit din ni Jay about the TV5 drama series.

Mula rito, nai-cast si Jay sa bagong TV5 mini-series, ang Sa Ngalan Ng Ina, starring Nora Aunor.

Ginagampanan ni Jay sa SNNI ang papel ng [dating] henchman at tagapag-alaga ng former governor, played by Boyet de Leon.



When he joined Annabelle Rama’s stable of talents ay nagkasunud-sunod naman ang TV assignments ni Jay.



He observed, "Napansin ko kay Tita Annabelle, hindi siya mahilig magpalagay [ng talents] sa indie films.


"Ako, gusto ko sana sa mga indie films," pagtukoy rin ni Jay. "Pag [sa] indie kasi, parang mas maraming ginagawa; at saka, [yung] hindi ginagawa [ng karaniwan].



"Iba yung ginagawa sa indie, [kaysa] sa mainstream," pag-observe din ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Meaning, mas nakakapag-experiment daw sa kanyang role ang isang indie, kaysa mainstream, actor.



"Uhm... oo," pagsang-ayon pa ni Jay.



FILMMAKING STUDIES. Ang passion ni Jay Aquitania sa kanyang pagiging aktor ang naging bunsod ng kanyang hangarin na mag-aral ng kursong filmmaking.



Pero hindi sa abroad, kundi sa isang filmmaking school, sa Cebu City, balak mag-enrol ng aktor.



"Gusto ko du’n, kasi yun yung nakita kong school na naka-focus sa filmmaking," paliwanag pa ni Jay.



"Kasi, yung sa ibang school, like ’pag kumuha ka ng MassComm, parang ituturo nila sa ’yo yung hindi mo na kailangan sa [pag-aaral ng] filmmaking.


"Gusto ko, extensive," sabi rin ni Jay.



"Hindi ko pa [lang] natanong yung [tungkol sa] Mowelfund workshop," sabi pa niya.



May filmmaking workshops din nga, sa iba’t ibang aspeto ng aralin ukol sa paggawa ng pelikula, ang nasabing ahensiya, o ang Movie Workers Welfare Foundation, Inc., na nasa pamamahala ng aktres at socio-civic leader, Ms. Boots Anson-Roa.



"Dalawa ang pinag-iipunan ko ngayon, actually. Yung para sa enrollment [fee] at yung camera na gusto kong bilhin," sabi rin ni Jay.



SUPPORTIVE BRO. Naunang pumasok sa showbiz ang older brother ni Jay na si Antonio Aquitania.



Habang ang mga magulang nila ay nasa Angeles, Pampanga, sina Jay at Antonio ay magkasama sa tinutuluyang bahay, dito sa Metro Manila.



"Hindi kami masyadong nagkukuwentuhan, pero kaming dalawa ni Kuya Tonio ang magkasama sa bahay," sabi ng mas batang Aquitania.



"Busy din naman kasi siya, e. Supportive naman siya [Antonio]," sabi rin ni Jay.



PREFERENCE FOR CHARACTER ROLES. Bilang manager, is Annabelle Rama strict?



"Sa ibang mga alaga niya," wika ni Jay. "Actually, [sa] mga babae... halos mga babae yung [tinututukan niya]..."



Wala naman daw conflict sa kanila ni Tita Annabelle. O maging sa young actor din na si JC de Vera, na bida ngayon sa isa pang ongoing TV5 drama series, Ang Utol Kong Hoodlum.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Uhm, wala naman," pagsang-ayon ni Jay. "Kasi, matagal na siya [JC] kay Tita Annabelle.



"Nu’ng pumasok kami kay Tita Annabelle, parang nagkanya-kanya kami ng [preference]... yung iba, pam-bida, tapos yung iba, pang-kontrabida.



"Hindi ko na kasi [ambisyon na mag-bida]," Jay said.



"Kung papipiliin mo ako, [gusto ko yung] parang main character, na character; na kakaiba, [kahit] masama yung ugali. Gusto ko yung extreme. Yung gano’n."



May nagsasabing kamukha, o katipo, ni Jay Aquitania, ang dati ring alaga ni Douglas Quijano na si Jomari Yllana.



"Yun yung sinabi ni Tito Dougs," pagre-recall pa ni Jay. "Sabi niya, ’Para kang si Jomari...’"



MISSING ’TITO’ DOUGS.
Hanggang ngayon, nami-miss pa rin daw ni Jay Aquitania ang kanyang discoverer at unang manager na si Douglas Quijano.



"Oo naman. Sobra," pagtukoy ni Jay.



"Iba si Tito Dougs, di ba? Yung buong time na nasa kanya ako, lahat ng kinita ko, diretso sa akin.



"Never siyang nag-cut," o nangumisyon, pagtukoy rin ni Jay A.



"Nagku-komisyon siya, ’pag sikat na, [like] sila Richard Gomez," banggit din ni Jay sa isang katangian ng yumaong manager na nabatid rin ng mga naging malalapit nitong kaibigan sa industriya.

Douglas Quijano died on June 13, 2009, sa kanyang tahanan sa Lucban, Quezon.



May insider’s account si Jay Aquitania, hinggil sa malungkot na pangyayari ngayon, ugnay sa yumao.



"Hindi [kasi] nakapag-iwan ng last will [and testament] si Tito Dougs," banggit ni Jay.



Paano kung may conflict ngayon ang mga naiwan niya [mga kapatid at iba pang kaanak], sanhi ng kanyang natuklasan?



"Hindi ko lang alam [ang] totoo... ang alam ko, parang narinig ko lang, yung pera niya [Douglas] sa bangko, parang na-hold, kasi nga, walang beneficiary," lahad rin ni Jay.



Sa ganitong sitwasyon, diumano, ang hindi makukuhang salapi ng isang yumao, ay mapupunta sa pamahalaan, o sa munisipyo ng kanyang kinatatalaang bayan, bilang isang dating lehitimong mamamayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Parang gano’n nga yung narinig ko," sambit din ni Jay.







WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN