Maricel Soriano breaks silence on physical-abuse complaint filed by former househelps

Sa counter-affidavit ni Maricel Soriano, sinabi ng aktres na wala siyang kasalanan, bagkus, nalabag pa raw ang kanyang karapatan dahil sa hindi patas na pagtitimbang ng kaso na sinampa raw para takutin at perahan siya. Hindi rin aniya totoo na kinulong niya ang kanyang kasambahay dahil hindi nasususian ang kanilang kuwarto. Higit sa lahat, mali ang bintang na nagbanta siyang tutukan ng baril ang mga kasambahay dahil wala siyang baril sa bahay.


Sa wakas ay binasag na rin ni Diamond Star Maricel Soriano ang kanyang pananahimik tungkol sa isyu ng diumano’y pananakit niya sa kanyang dating mga kasambahay na sina May Cachuela at Camille Acojedo.

Bagamat hindi pa siya nagpapa-interview nang personal, inihayag ni Maricel ang saloobin niya sa pamamagitan ng kanyang counter-affidavit.

Sa ulat ni Mario Dumaual sa TV Patrol noong Huwebes, October 13, nakasaad sa counter-affidavit ng aktres na wala siyang kasalanan, bagkus, nalabag pa raw ang kanyang karapatan dahil sa hindi patas na pagtitimbang ng kaso na sinampa raw para takutin at perahan siya.

Wala aniyang medical certificate na magpapatunay na sinipa niya ang isa sa mga katulong.

Inako naman ni Maria ang pagmumura pero normal lang daw ito sa isang taong nagagalit, lalo’t nakita niya umano si Cachuela na pinapakialaman ang kanyang wallet.

Hindi rin aniya totoo na kinulong niya sina Cachuela at Acojedo dahil hindi nasususian ang kanilang kuwarto.

Higit sa lahat, mali ang bintang na nagbanta siyang tutukan ng baril ang mga kasambahay dahil wala siyang baril sa bahay.

Narito ang excerpts mula sa counter-affidavit ni Maricel:

"I did not commit any act that would constitute the crimes of grave threats, unjust vexation, slander, oral defamation and physical injuries.

"This complaint is clearly a form of harassment and an attempt to extort money from me.

"I saw her [Cachuela] holding my wallet and apparently rummaging through its contents.

"Worse, their allegation that I threatened to lock them up in their room is a complete lie considering that their room does not have a lock.

"Allegation that I attempted to reach my gun is utterly false considering that I did not keep any gun in my house."

WILL NOT GIVE UP THE FIGHT. Hindi nga muling nakasipot si Maricel sa itinakdang hearing noong October 3 sa Makati Prosecutor’s Office kaugnay ng mga reklamong isinampa nina Cachuela at Acojedo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nauna nang hindi sinipot ng aktres ang barangay hearing noong Hulyo matapos niyang magpadala ng sulat sa mga opisyales ng Barangay Poblacion, Makati na humihiling na ipagpaliban ang pagdinig.

Muli ngang nadismaya sina Cachuela at Acojedo sa pangalawang beses na hindi pagsipot ni Maricel. Pero desidido raw silang ituloy ang kaso.

"Malaki siyang artista. Although natatakot din kami or hindi, alam namin ang pinaglalaban namin. Yung dignidad na nawala sa amin," sabi ni Cachuela.

Ayon naman kay Acojedo, "Pare-pareho lang naman na malaking epekto ang nangyari sa amin, malaking abala, nagkabaun-baon na sa utang para lang makapunta, ipagpatuloy [ang laban]. Sana humarap na siya ngayon."

Samantala, nabuhayan naman ng loob ang mga dating kasambahay ni Maria sa suportang ibinigay sa kanila ngayon ng Congressional party-list na ALE o Association of Laborers and Employees.

Ayon kay Kongresista Catalina Bagasana, na dating kasambahay, susuportahan nila ang dalawa hanggang matapos ang kaso.

Itatakda pa ang susunod na pagdinig sa kaso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN