Pancho Magno says GMA-7 called and offered him a role in top-rating epicserye Amaya

Pancho Magno says GMA-7 called him—and not his mom Redgie Acuña-Magno who is the network’s Assistant Vice-President for Drama—to offer him a role in the top-rating epicserye, Amaya.

"So sina Tita Wilma [Galvante, lady boss ng GMA] tinawagan ako, ’Pancho, gusto mong ano, mag-Amaya ka na lang,’ ganyan ganyan. ’Kakayanin mo ito, at marami kang matututunan.&am


First project ng baguhang si Pancho Magno ang Amaya ni Marian Rivera at isang top-rating epicserye agad ang ibinigay sa kanya ng GMA.

"Oo nga, e. Sobrang overwhelming talaga! Hindi lang yun, yung mga kasama ko kasi siyempre, bago lang ako, first time, at sobrang dami kong natututunan sa kanila. Tinuturuan nila ako, kapag magkakasama kami sa set, sobrang close friends kami, sa mga scenes, at kahit sa labas, close kami.

"Tinuturuan nila ako kung paano ang technique in acting, halos sa lahat, ganun, kaya sobrang okay naman," kuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ni Pancho nang makausap namin last Thursday, October 13, sa thanksgiving Mass and presscon ng highly successful epicserye ng GMA na ginanap sa 17th floor ng GMA TV complex.

Kanino masasabi ni Pancho na marami siyang natutunan?

"Kay Tito Roy [Alvarez], siyempre kay Tito Roy. Kay Dion [Ignacio], yan sobrang galing nila. Sina Marian, like siyempre yung basic na dapat matutunan, tinuturuan nila ako.

"Noong una, kahit mga blocking lang sobrang hindi ko alam, siyempre minsan napapagalaw ako ng wala sa lugar, tinuturuan nila ako, sobrang okay silang lahat talaga."

Bakit medyo na-late ang pasok niya sa showbiz? Bakit hindi noon pa, tutal ay matagal nang nasa GMA ang mommy niya, ang Assistant Vice-President for Drama na si Ms. Redgie Acuña-Magno.

"Kasi nursing graduate ako, Registered Nurse ako, pero wala talagang opportunity, parang lahat ng pinag-a-apply-an ko, kailangan ng work experience, two years, tapos meron pang recession sa States.

"So sina Tita Wilma [Galvante, lady boss ng GMA] tinawagan ako, ’Pancho, gusto mong ano, mag-Amaya ka na lang,’ ganyan ganyan. ’Kakayanin mo ito, at marami kang matututunan.’

"So pumayag naman ako, si mommy pumayag na rin."

GMA-7 CALLED. Si Pancho ang direktang tinawagan ng GMA-7 at hindi ang mommy niya.

"Ako po talaga, straight sa akin, tapos parang siyempre kahit ano’ng mangyari, alam mo naman, politics e, parang hindi maiiwasan sa showbiz na baka magkakaroon ng conflict of interest so ang nangyari, sa Artist Center talaga ako inilagay so doon ako ngayon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ang mommy niya ang nagpapatakbo ng career ni Pancho; in fact may agreement nga na hindi ito makikialam sa anumang aspeto ng pag-aartista ni Pancho, na never itong gagamit ng posisyon niya para sa showbiz career ni Pancho.

Pero of course, bilang isang ina, nandun ang concern sa kanya ng mommy niya. Ayon nga kay Pancho...

"Si mommy parang... nakakatuwa kasi never siyang nakialam, pero pag sa bahay alam mo yung typical na mother, sa bahay tinatanong niya ako, ’O saan ang taping?’ ganyan. ’Kumusta naman? May natututunan ka ba? Nag-e-enjoy ka ba?’

"Sinasabi ko sa kanya na sobrang nag-e-enjoy po ako.

"Tsaka nung dati pa sinasabi niya sa amin, kasi nung bata ako parang kinukuha po ako, ganyan-ganyan, tapos sabi sa akin ni mommy na ’Ang show business, akin na yan, gusto ko pag-uwi ko ng bahay hindi na ako mag-iisip ng kahit ano [tungkol sa showbiz], pag sa bahay kayo na lang ang iisipin ko.’

"E, ngayon nandito ako pero sobrang gusto kong matuto, ayokong sabihin na ’Anak lang yan ni ano,’ or malagyan ng label na ’Ah kaya yan nandiyan kasi anak ni ano.’

"Pero ngayon po nag-e-enjoy talaga ako, kasi ang feeling ko ang dami kong nakukuha o natututunan. Tuwing nagte-taping kami nagpe-pray ako na mailabas ko lahat ng alam ko, mapakita ko.

"Ayoko pong mangyari yung ganun, na may magsasabi na dahil lang sa mommy ko kaya ako nandito."

FALLBACK JOB. Paano ang pagiging nurse, kakalimutan na ba niya?

"Nandiyan po yan lagi, hindi ko po tatalikuran.

"Kasi kahit papaano kasi sobrang... nakatapos po ako, tapos pababayaan ko na lang? At least nga po may fallback ako kahit anong mangyari.

"Kasi iyon po ang turo sa amin ni mommy, na siyempre sa showbiz hindi naman talaga... I mean sobrang good-paying job, pero hindi ito stable job compared to like, yung siyempre, mga nurse, mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So iyon palaging tinuturuan niya ako, Ngayon nandiyan ka na dapat siyempre, para matuto ka, galingan mo!’

"Kasi parang... siyempre pangit din naman na sabihin ng iba na, ’Ay, hindi siya marunong!’

"Kasi siyempre normal yan e, pero dapat iwasan mo.

"Ngayon po nagta-try ako na mapabuti pa, nagpa-participate po ako sa mga workshops, ganun po, lahat ng mga workshops, uma-attend po ako like dito sa Artist Center, talagang tina-try ko po, tina-try ko po talaga. So ngayon medyo okay naman po ang ginagawa ko."

Hanggang January pa ang airing ng Amaya kaya happy si Pancho.

"Opo, kaya nagse-save po ako siyempre nagse-share din ako kay mommy."

Hindi man kailangang mag-share si Pancho sa mga gastusin sa bahay nila tulad ng electric bill, he made it a point na makapagbigay...

"Nakakatuwa po kasi ang sarap ng feeling na nakapag-share ako, na tinutulungan ko si mommy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN