Venus Raj considers joining showbiz a "major-major" achievement

Malaki na nga ang naging pagbabago sa buhay ni Venus Raj pagkatapos ng kanyang successful stint bilang 4th runner-up ng Miss Universe 2010. Kung dati’y pilapil lang ang kanyang nilalakaran, ngayon ay rumarampa na siya sa daan ng kasikatan.


Matapos ang mahigit isang taon sa show business, inamin ni Miss Universe 2010 fourth runner-up Venus Raj na ang pagpasok niya sa industriya ang maituturing niyang "major-major" achievement.

"Well, I think being part of show business, talagang napakalaking bagay yun sa akin. Hindi ko dati inisip na magtatagal pala ako sa ganitong industriya."

Ito nga ang sinabi ni Venus sa kanyang live interview kay Boy Abunda para sa Ikaw Na segment ng late night news program ng ABS-CBN, ang Bandila, na napanood kagabi, October 14.

Sa isang interview, sinabi niya na marami pa siyang gustong gawin sa buhay. Gaya ng...

"Kumanta."

At nagbigay pa nga ng sample si Venus ng kantang "Rolling in The Deep" ni Adele, na pinuri ni Boy at pinalakpakan pa ng mga tao sa studio.



LIFE-CHANGES AND INVESTMENTS. Malaki na nga ang naging pagbabago sa buhay ni Venus pagkatapos ng kanyang successful stint sa Miss Universe. Kung dati’y pilapil lang ang kanyang nilalakaran, ngayon ay rumarampa na siya sa daan ng kasikatan.

Tanong nga ni Boy kay Venus: Kumusta na ba ang buhay at bahay?


"Ang buhay makulay pa rin, masaya. Ang bahay, under construction pa rin pero patuloy."

Dahil nga ipinapagawa niya ang bahay nila sa Bicol, kasama niya rito sa Manila ang kanyang nanay.

Kailan siya huling naglakad sa pilapil?

"Matagal-tagal na rin, Tito Boy."

Talagang natuto ba siyang rumampa sa pilapil?

"Opo, pero sabi ko nga wala talagang choice. Doon ka talaga lalakad kaya buong buhay mo yun ang nilalakaran mo."

Nakapagpundar na ba siya?

"Opo, kahit papaano nakapagpundar na rin ako. Yung bahay namin sa Bicol, yung kino-construct nga ngayon. Sasakyan and then lupa."



LOVELIFE. Kung makulay ang pag-ibig, ano ang kulay nito para sa kanya ngayon?

"Medyo orange," ani Venus na taliwas sa kulay ng pag-ibig na pula.
Dahil tungkol sa pag-ibig na ang usapan, ang tanong ni Boy kay Venus ay kung tumibok na ba ulit ang kanyang puso?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinikilig na natawa muna si Venus bago niya ito sagutin, "Hindi pa po."

Ang ex-boyfriends niya ay dalawang school professors. Kumusta na sila?

"May asawa na po yung isa. Yung isa naman binata pa rin."

Pero naging magkaibigan ba sila after the breakup?

"Hindi masyado. Hindi lang po kasi nakikipag-communicate."

Naging debate sa isang eskuwelahan ang tungkol sa pagkakaroon ng relasyon ng guro sa isang estudyante. Tama ba na maging open sila sa kanilang romantic relationship?

"Siguro depende rin sa estudyante at depende rin sa teacher. Pero kung ako, sasabihin ko sa mga estudyante na huwag muna nilang subukan. Mag-concentrate muna sila sa pag-aaral nila at huwag muna makipagrelasyon."



VENUS’S FAVORITES. Sumunod naman nilang pinag-usapan ang tungkol sa mga paborito ni Venus.

Favorite sound: "Sound of music."

Favorite politician in the Philippines: "Well, our Governor L-Ray Villafuerte [of Camarines Sur]."

Least favorite politician: "A, wala naman."

Favorite fashion designer: "Eric delos Santos, BJ Martin."

Favorite person in the world: "I think my mom."

Favorite expression: "Bongga."



IMPROMPTU QUESTIONS. Kung may foreigner na nanonood, ano ang sasabihin niya kung bakit dapat sila pumunta sa Pilipinas?

"I think if they want to see one-third of the beautiful places and beautiful nature of the world, kailangan nilang pumunta sa Pilipinas."

Kung meron kang third eye, saan mo ito ilalagay?

"Sa likod."

Kung isa kang bulaklak, ano ka at bakit?

"Santan. Well, nalasahan ko na ang santan at alam kong matamis talaga ang nasa loob niya."

Kung ikaw ay isang ibon, ano ka at bakit?

"Siguro, eagle. Strong e, alam mo yun."

Kung may pakpak ka, saan ka pupunta?

"Siguro sa mga lugar na hindi ko pa napuntahan."

Kung mapupunta siya sa impyerno, sino ang isasama niya?

"Ayoko doon."

Sa langit, sino ang isasama niya?

"Of course, the Lord and my family."

Lights on or lights off?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"On."

Black or white?

"White, definitely."

Divorce—yes or no?

"No."

RH (Reproductive Health) Bill—yes or no?

"Case-to-case basis."

Most beautiful name of a woman?

"Venus."

Most beautiful name of a man?

"Mars."

If you were to trade places with anyone in history, who would it be and why?

"Siguro si Princess Diana. I want to experience her life. But not the end."

Moreno or mestizo?

"Moreno."

Nora o Vilma?

"Mahirap yan, Tito Boy. Siguro 50-50 Nora-Vilma."

Your crush?

"Sa ngayon hindi ko pa masyadong maisip. Pero Piolo (Pascual) talaga ako."

Kung bubuksan ko ang iyong puso, anong pangalan ang nakasulat?

"Definitely, it’s Jesus Christ."

If your life would be the subject of a book, give it a title.

"Matagal kong pinag-iisipan yan. Pero siguro ano lang, Simpleng Buhay."

If you were a song, what are you?


"Rolling in the Deep."


EMOTIONS. What makes you laugh?

"Siguro yung happiness ng mga tao around me."

What makes you blush?

"Pag tinutukso ako sa ibang tao."

What makes you angry?

"Siguro pag hindi nirerespeto yung family ko."

What makes you sad?

"It’s all about family."

What excites you?

"Pag nakakakita ng mga bagay na nakaka-excite."

Would you change your religious beliefs to marry the one you love?

"No."

Why not?

"Well, talagang seryoso ako sa aking religious belief. I’m a born-again Christian and never ko itong i-tse-change."



BEAUTY CONTESTS. Noong makita niya si Shamcey (Supsup) sa Top 5 (ng Miss Universe 2011), ano ang kanyang iniisip?

"I think she will win."

If you were one of the judges, ano ang ranking niya?

"Well, ako, Philippines, Angola, Ukraine, Brazil and China."

Marami pa rin ang nagsasabing beauty contests commodify woman. Ano ang kanyang pananaw?

"Well, partly siguro, maybe it’s true. Pero alam mo yun, hindi naman ibig sabihin talaga na kapagka beauty pageant ibig sabihin physical appearance lang ng isang babae ang pinag-uusapan. Hindi naman ganun yun e. We have to siguro extract kung ano ang meron pa sa isang babae."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In one word, how would you describe Venus Raj?

"Maybe two words, God-fearing."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN