Vivo Ouano still keeps mum on involvement in drug buy-bust operation

Ayon sa report ng StarTalk TX, muling dinala kahapon, October 14, sa Department of Justice ang aktor na si Vivo Ouano (above) kasama ang dating reality-show contestant na si Jeric Rizalado at tatlong iba pa, upang kumpletuhin ang kanilang counter affidavit. Bagamat negatibo sa drug test ang binata, mas matinding kaso umano ang posible nitong kaharapin: ang pagbebenta ng bawal na droga. Ngunit ayon kay Atty. Amado Deloria, abogado ni Vivo, biktima lang ng pagkaka


Mahigit dalawang linggo matapos madakip sa isang drug buy-bust operation, tikom pa rin ang bibig ng young actor na si Vivo Ouano hinggil sa isyu.

Ayon sa report ng StarTalk TX kahapon, October 15, muling dinala noong Biyernes, October 14, sa Department of Justice ang aktor kasama ang dating reality-show contestant na si Jeric Rizalado at tatlong iba pa upang kumpletuhin ang kanilang counter affidavit.

Bagamat negatibo sa drug test ang binata, mas matinding kaso umano ang posible nitong kaharapin: ang pagbebenta ng bawal na droga.

Ngunit ayon kay Atty. Amado Deloria, abogado ni Vivo, biktima lang ng pagkakataon ang kanyang kliyente.

"To establish alleged conspiracy, an allegation was made that on October 1 they were at the place. And it looks like Vivo was not there. And then on the second incident the buy-bust operation on October 5, the implication, they were implicated by association just because they were there."

Ayon naman kay Chief Leonardo Suan...

"Si Vivo wala tayong ano, kasi sinabmit namin sa drug test siya, nag-negative siya. Ang problema lang nandoon din sila, noong buy-bust operation."

Bilang suporta naman kay Vivo, nagtungo rin sa DOJ ang kasintahan nitong si Jayann Bautista, a Pinoy Idol finalist.

Nang tanungin kung kaya siya nasa DOJ ay para mag-witness para kay Vivo, "Yes!" ang sagot ni Jayann.

Pero nang tanungin ito ng TV crew ng StarTalk TX kung magkasama sila ni Vivo noong time na iyon, bago pa nakasagot ang dalaga ay hinila na ito papalayo ng isang kasama nito.

Kahapon October 14 nabigong magsumite ng counter affidavit sa Department of Justice ang isa sa limang supects. Dahil dito, kailangan pa silang ibalik sa DOJ sa Lunes.

Naka-detain pa rin sina Vivo at ang apat na kaibigan sa Camp Crame.

Ayon pa rin kay Atty. Deloria...

"Once the case is resolved, hopefully by Friday, saka pa lang makakapagdesisyon whether mag-post ng bail [or] they are acquitted, or dropped from the charges."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN