Mike Tan says no to nude scenes, says yes to gay roles

Mike Tan will give his all to the role, but he is not yet ready to do a nude scene. "Siguro yung nudity naman... hindi ko pa napag-iisipan. Parang hindi pa ako handa," he says.

The actor is open to playing gay roles. "Yes! yes!" he says, adding that he has already done so in the past.

"Sa Maynila, minor lang."


At 24, mas guwapo at mas maganda ang katawan ngayon ng young male star na si Mike Tan.

Which prompted us to ask Mike sa recent interview namin sa kanya sa GMA compound kung nagkaroon na ba siya ng indecent proposal mula sa isang gay?

"Sa ngayon, wala pa po ulit," bungad na sinabi ni Mike sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Ulit; kailan yung huli?

"Yung mga nagte-text lang naman po iyon, e. Biglang magte-text ng 100K, iyon talaga yung tine-text tapos meron ding 300K ganun."

Pinakamalaki raw yung offer sa kanya na three hundred thousand pesos.

Ano ang isinagot niya?

"Wala, hindi ko tini-text, hindi ko tini-text.

"May pangalan? Wala rin pong pangalan.

"Meron nagpapapunta lang sa Crowne Plaza, sa hotel, kunin ko lang daw yung allowance. Nakuha number ko, tinawagan ako.

"Sinabi ko, ’Sorry po, hindi po talaga ako ganyan.’

"Matagal na, mga four years ago pa yun. Nagsawa na siguro sila."

Tinanong naman namin si Mike kung umabot ba siya sa punto na na-depress siya sa takbo ng career niya bago dumating ang lead role niya sa Kung Aagawin Mo Ang Langit ng GMA?

Na naunahan pa siya ni Aljur Abrenica na sumikat nang husto at magkaroon ng mga solo TV projects?

"Hindi, hindi, okay lang yun, okay lang. May kanya-kanya namang oras pagdating sa showbiz, e . Lahat naman yan napatunayan na, e.

"At least ngayon na binigyan tayo ng pagkakataon, alam ko sa sarili ko na handa na ako, na hindi na sila [GMA management] mapapahiya sa akin."

GRATEFUL TO CO-STAR. Malaki ang pasasalamat ni Mike sa isa sa mga leading ladies niya sa Kung Aagawin Mo Ang Langit, si Carla Abellana.

"Nagpapasalamat ako kay Carla kasi sa totoo lang, noong una, naiilang ako sa mga eksena namin, pero siya sa totoo lang, siya yung nagdadala talaga sa akin, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi first time kong gawin ito [ang maging bida], e si Carla hindi niya ako... hindi na yung ano... kunwari pag magki-kiss kami sa isang eksena parang yung tingin ko sa kanya parang, yun nga nahihiya pa ako noong una.

"Tapos tatapikin lang niya ako, tapos okay na lahat."

Nailang ba siya dahil may boyfriend si Carla?

"Hindi, para sa akin trabaho ito, kailangan nating gawin nang maayos."

Dahil una nga niyang lead role ang KAMAL, tuwing may taping ay itinotodo niya ang lahat.

"Itinotodo ko talaga! Kung anuman yung hingin sa akin, ibinibigay natin para sa Kung Aagawin Mo Ang Langit."

NO TO NUDE SCENES. Sa movie ba, kung patotodohin na siya, papayag na siya?

"I guess depende pa rin sa script. Pero as long as maganda yung script at talaga namang hinihingi nung pagkakataon or ng story, ibibigay natin lalo na kapag maganda talaga yung pelikula."

Maganda ang pelikula, ang kuwento, pero may... nudity; papayag si Mike?

"Hindi naman na yata ano sa atin yun, dahil meron tayong MTRCB."

May mga pelikula pa rin na may nude scenes...

"Talaga? Siguro yung nudity naman... hindi ko pa napag-iisipan. Parang hindi pa ako handa."

Kung kissing scene sa kapwa niya artistang lalaki, handa kaya si Mike?

"Parang... honestly hindi pa po talaga, hindi ko pa rin napag-iisipan talaga."

Kung isang gay movie na tulad ng Zombadings: Patayin sa Syokot Si Remington ni Martin Escudero na incidentally ay produkto rin ng StarStruck tulad ni Mike?

"Sa totoo lang, hindi ko kaya yung ginawa niya, ang galing niya dun!"

Close sila ni Martin...

"Inimbita niya ako sa premiere ng movie niya pero hindi ako nakapunta. Sabi ko, ’Pare, sorry hindi ako nakapunta.’

"Hindi ko kaya yung ginawa niya na bilang si Remington, ang galing niya doon."

Pero papayag si Mike maging bading sa isang pelikula...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yes! yes!"

Nag-bading role na ba siya?

"Sa Maynila, minor lang."

Kung seryosong gay role, papayag siya?

"Yes, yes, tingin ko papayag ako, papayag ako."

Nasa GMA Artist Center pa rin si Mike. Kakapirma lang niya ng three-year contract.

"Yes, magwa-one year pa lang ulit ako sa February."

So hindi siya lilipat sa ibang TV network?

"Hindi! Ako naman ever since ang sagot ko, hindi."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN