Janno Gibbs sings for a cause

Janno Gibbs performed last night, October 15, at the Music Museum in Greenhills, San Juan, for the benefit of Yes Pinoy Foundation.


Isang concert ang itinanghal ng singer na si Janno Gibbs bilang pagtulong sa Yes Pinoy Foundation, na pinamumunuan ng Kapuso actor na si Dingdong Dantes.

Naimbitahan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa concert na naganap kagabi, Oktubre 15, sa Music Museum sa Greenhills, San Juan.

FOR ALL GENERATIONS. Kagabi, sa edad niyang 42 ay pinatunayan ni Janno na kayang-kaya pa rin niyang i-entertain mapa-bata man, ka-edad niya o matanda.

Sinimulan ni Janno ang gabing iyon ng isang buhay na buhay na performance ng mga awiting "Moves Like Jagger" at "Jai Ho."

Pinalitan niya ang ilang words ng kanta at ginamit ang kaniyang pangalan, tulad ng "Moves Like Janno," at imbes na "Jai Ho" ay "Janno" ang ginamit.

Matapos ang kaniyang opening, biniro ni Janno ang mga manonood at sinabing, "Alam ko iba-iba ang dahilan ng pagpunta niyo dito. Pero, ano man po ang dahilan niyo, maraming-maraming salamat po!"

Tsaka naman niya sinimulan ang pag-awit ng mga kantang akma sa edad ng bawat naroroon.

Sinumulan niya sa mga kantang ayon sa kaniya’y, "Para sa mga ka-edad ng mommy at daddy ko." Ilan sa mga himig ay "Fly Me to the Moon," at "Night and Day."

Sumunod naman ang sinabi niyang, "Mga kanta para sa mga medyo ka-edad ko," tulad ng "Ipagpatawad Mo" at "Binibini."

Habang kinakanta niya ang "Binibini" ay lumapit pa si Janno sa upuan ng kaniyang asawa at kinantahan ito sabay biro, "Yihee! Kininikilig!"

Siyempre, hindi niya kakalimutan ang mga kabataang nandoon, kaya umawit rin siya para sa "mga ka-edad ng anak ko," tulad ng "California Girl," "I Kissed A Girl," at "Rolling In Deep."

THE GUESTS. Tatlong kaibigang babae ang guests ni Janno sa gabing iyon, at una na dito ay ang Soul Diva na si Jaya.

Suot ang kaniyang black cocktail dress na tinernohan ng up-do hairstyle, talaga namang nagningning ang black beauty ni Jaya sa stage.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Inawit niya ang dalawa sa mga popular niyang singles na "Wala Na Bang Pag-Ibig," at "Laging Naroon Ka."

Bago ang kaniyang pangalawang guest, may VTR muna ng ilang Kapuso stars na nagsalita tungkol sa mga katangian ng isang magandang lalaki.

Matapos ang VTR ay lumabas si Janno suot ang kaniyang leather jacket, at kinanta ang "Pinakamagandang Lalaki."

Matapos nito, inaliw niya ang mga tao nang gayahin niya ang mga boses sa likod ng kantang "We Are The World." Tuwang-tuwa ang lahat nang gayahin niya ang ilang personalidad tulad nina Michael Jackson, Stevie Wonder, at Diana Ross.

Tapos nito’y lumabas ang pangalawang guest niyang si Jennylyn Mercado, at bago ito mag-perform ay biniro siya ni Janno.

Aniya, "Nag-abot ba kayo ni ano... ni Jaya?"

Ang sagot naman ni Jennylyn ay, "A, oo, kala ko si Dennis [Trillo]!"

Muling nagpalit ng damit si Janno, isa namang velvet jacket ang suot nito. Ilang awitin ang kinanta niya tulad ng "No Touch," at "Si Aida, Si Lorna, o Si Fe," bago niya naka-duet ang kanyang mga anak na sina Alyssa at Gabby.

Inalala pa ni Janno na sampung taon ang nakalipas nang huli niyang kantahin ang awitin na iyon para sa kanyang mga anak, na ngayo’y pareho ng dalaga.

Matapos ang performance ng mag-a-ama, sumunod na umawit si Jolina Magdangal, na sinundan ng duet ni Janno sa kaniya at sa iba pang guests na sina Jennylyn at Jaya.

Tumaas ang energy elevel ng lahat habang kumakanta ng "Living La Vida Loca" si Janno. Lumabas si Marian Rivera at sumayaw.

Matapos ang sayawan, sumunod na nag-perform sa stage ang Protegé ni Janno na si Lira Bermudez. Inawit nito ang kantang, "Hey Soul Sister," at matapos umawit ay pinasalamatan ang kanyang mentor sa lahat ng itinutro nito sa kanya.

Muli namang inaliw ni Janno ang mga manonood nang kantahin niya ang awiting "Just Once," sa paraan ng pag-awit ng iba’t-ibang singers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ilan sa mga ginaya niya ay sina Elvis Presley, Gary V., at kaibigan niyang si Ogie Alcasid.

Ang katatawanan ay sinundan ng hiyawan nang lumabas ang dalawang hunk actors ng GMA-7 na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Inawit ng tatlo ang ilang Bee Gees hit singles: "Staying Alive," " More Than a Woman," "How Deep is Your Love," at "You Should Be Dancing."

Bago magtapos ang show, pinasalamatan ni Dingdong si Janno sa paglulunsad nito ng isang concert upang makatulong sa kanyang foundation.

Sinundan naman ito ng pag-awit ni Janno ng isa sa mga paborito niyang kanta, ang "Fallen," at para sa kanyang closing song, inawit niya ang remix ng "She’s a Lady," "Sex Bomb," at "Kiss."

Nang lumabas ang lahat sa concert hall, kitang-kita sa kanilang mga mukha na nag-enjoy sila sa mga iba’t ibang performances ng gabing iyon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN