Nora Aunor to receive two lifetime achievement awards from the 3rd PMPC Star Awards for Music

Kumpirmado na tatanggapin ng Superstar na si Nora Aunor ang hindi lamang isa, kundi dalawang natatanging karangalan mula sa PMPC para sa kanyang mga naging kontribusyon sa local music industry. Ito ay ang Icon of Original Pilipino Music at ang Lifetime Achievement Award.


Ngayong gabi, October 16, Sunday, gaganapin ang 3rd PMPC Star Awards for Music ng Philippine Movie Press Club, Inc., na produced by Beginnings at Twenty Plus, Inc. sa pakikipagtulungan ng Net 25 at Star Express.

Ang venue ng nasabing music awards ay sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila University, Katipunan Ave., Loyola Heights, Quezon City.



Magsisilbing hosts ng gabi ng parangal sina Christian Bautista, Karylle, Gian Magdangal, at Nikki Gil. Trivia host naman si Janno Gibbs, samantalang primer host si Jaya.



Maghahandog ng special numbers sina Cesar Montano, Pilita Corrales, Jed Madela, The Company, Angeline Quinto, at Sakto (Rodjun Cruz, Lucky Mercado, and Edgar Allan Guzman).



Kumpirmado ring tatanggapin ng Superstar na si Nora Aunor ang hindi lamang isa, kundi dalawang natatanging karangalan mula sa PMPC para sa kanyang mga naging kontribusyon sa local music industry.



Ito ay ang Icon of Original Pilipino Music at ang Lifetime Achievement Award.



Kabilang si Nora sa 15 OPM icons. Sila ay napili sa mga pambihirang achievements na naiambag sa musikang Pinoy sa kanilang 40 years sa industriya.



Kasama ni Nora na tatanggap ng nasabing tropeo at plaque sina Jose Mari Chan, Celeste Legaspi, Sylvia La Torre, Ryan Cayabyab, Mike Hanopol, Pepe Smith, (APO) Jim Paredes, Boboy Garrovillo, Danny Javier, Basil Valdez, Madrigal Singers,Victor Wood, Pilita Corales, at Freddie Aguilar.



Samantala, ang Lifetime Achievement Award naman ni Nora ay mula mismo sa officers and members ng PMPC, na dumaan sa masusing deliberation, a month ago pa, kunsaan unanimous choice ng club ang pangalan ng superstar para sa kanyang "remarkable achievements and contributions as a recording artist in Philippine music industry" and "for simply touching the lives of the Filipinos with her music and artistry."



Maliban sa annual Star Awards for Movies at Star Awards for Television, sinumulan ng PMPC ang kanilang Star Awards for Music noong 2009, kunsaan ang unang recipient naman nila sa kanilang Lifetime Achievement Award ay ang APO Hiking Society (ginanap sa Skydome).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumunod na taon (2010), ay si Ms. Pilita Corrales naman ang pinarangalan ng nasabing pinakamataas na recognition.

Ang kabuuan ng 3rd PMPC Star Awards for Music ay mapapanood sa October 23, 2011 (Sunday), 9:30 p.m. sa Net 25. Ang primer ay sa October 22 (Saturday), 8 p.m., sa Net 25. Ito ay mula sa direksiyon ni Arlene Tolibas.

Ang Beginnings at Twenty Plus, Inc. ay pinamumunuan ni Pelita Peralta Uy, isang independent film producer na nagbe-venture rin into television specials.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN