Bea Binene squashes rumors saying she feels insecure about tween co-stars Barbie Forteza and Joyce Ching

"Kung ang sinasabi nila ay dahil sa binigyan sila [Barbie Forteza and Joyce Ching] ng bida role sa Ikaw Lamang ang Mamahalin kaya ako nai-insecure, hindi po totoo yun. Dahil natutuwa po ako sa kanila dahil kaibigan ko sila," says Bea Binene (above). "Alam ko naman na darating din yung time na mabibigyan ako ng bida role at happy naman po ako sa role ko sa Pahiram ng Isang Ina kung saan marami ang nakakapansin sa pag-arte ko at


Nagulat ang young star na si Bea Binene sa mga naglalabasang balita na kesyo na-iinsecure daw siya sa mga co-stars niya sa Tween Hearts na sina Barbie Forteza at Joyce Ching.


Di naibigan ni Bea ang alegasyong ito, dahil wala naman daw itong katotohanan.


Kuwento nga ni Bea sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), na wala daw puwang sa kanyang puso ang inggit at ni minsan ay di daw ito nainggit kay Barbie at Joyce, o sa kahit na kaninong young stars ng GMA-7, dahil hindi naman daw siya napapabayaan ng kanyang home studio.

Wala rin daw katotohanan na hindi sila okey nina Barbie at Joyce, dahil magkaibigan daw sila at magkasama sa Tween Hearts at Party Pilipinas.


"Hindi naman yata magandang maakusahan akong nai-insecure sa kapwa ko artista, especially yung mga nakasabayan at kasama ko pa sa show.


"Dahil ni minsan ay di pumasok sa isip at puso ko ang mainggit sa ibang tao, lalo na’t may na-achieve silang maganda sa buhay," ang sabi ni Bea.


"Di kasi ako yung tipo ng tao na inggitera. Kung ano ang meron ako ngayon, kuntento na ako, kung meron man akong gustong ma-achieve sa sarili ko, pinaghihirapan ko ito hanggang sa makuha ko.


"Kung ang sinasabi nila ay dahil sa binigyan sila ng bida role sa Ikaw Lamang ang Mamahalin kaya ako nai-insecure, hindi po totoo yun. Dahil natutuwa po ako sa kanila dahil kaibigan ko sila," aniya.


"Alam ko naman na darating din yung time na mabibigyan ako ng bida role at happy naman po ako sa role ko sa Pahiram ng Isang Ina kung saan marami ang nakakapansin sa pag-arte ko at positive naman lahat.


"Bakit pa ako maiinggit, samantalang 3 ang regular shows ko? Nandyan ang Tween Hearts, Pahiram ng Isang Ina at Party Pilipinas. May pelikula pa ako, ang Panday, kaya wala talagang reason para mainggit at ma-insecure ako sa kapwa ko tweens.


"Sa daming magagandang bagay na nangyayari sa buhay at career ko, wala na akong mahihiling pa right now," ang sabi ni Bea.


FRICTION ON THE SET? May friction ba silang nararamdaman sa taping?


"Wala naman po, kasi okey na okey kami sa taping ng Tween Hearts at Party Pilipinas. Para kaming isang pamilya; walang ganyan-ganyan.


"Tsaka maganda ang pakikisama ko sa kanilang lahat at ganoon din sila sa akin, kaya wala talaga kaming problema.


"Naniniwala kasi ako na kung maganda yung naging pakikisama mo sa kahit sinong taong makakasalamuha at makakasama mo, artista man siya o hindi, maganda rin ang magiging trato nila sa ’yo at yun ang ginagawa ko.


"May mga tao lang siguro, talagang gusto kaming pag-awayin, yung mga taong walang magawa at masayang may nakikitang nag-aaway.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nag-usap-usap na ba sila nina Barbie at Joyce tungkol dun?


"Hindi pa po, kasi wala naman po kasing dapat pag-usapan, kasi wala namang katotohanan yung lumalabas na balita.


Ano ang pakiramdam at madami ang pumupuri sa acting niya sa Pahiram ng Isang Ina?


"Siyempre, thankful po ako kasi na-a-apreciate nila yung trabaho ko. Ang sarap ng feeling at mas ginaganahan akong magtrabaho," nakangiting pahayag ng young star.


"Kaya nga thankful ako kay Direk Joel [Lamangan] kasi namo-motivate niya kami para ilabas kung ano pa yung puwede naming gawin sa eksena.


"Talagang totoo yung nababalitaan namin na kapag nahawakan ka ni Direk Joel gagaling ka talaga.


ON JHAKE VARGAS. Balitang nagtatampuhan sila ni Jhake [Vargas] dahil sa selos ?


"Selos? Kanino naman kami magseselos? Hindi po totoo yun, kung ano yung treatment namin sa isa’t-isa, ganun pa rin yung pinagsasamahan namin ngayon.


"Kami naman ni Jhake, huli na namin yung isa’t-isa, kasi halos lagi kaming magkasama dahil magka-loveteam kami.


"Tsaka bakit naman kami magseselosan, e, magkaibigan lang talaga kami.


"Basta ang mahalaga okey kami ni Jhake at maganda yung trabaho at samahan namin. Bahala na sila kung ano ang sasabihin nila sa amin," pagtatapos ni Bea.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN